PROLOGUE

15 1 3
                                    

Chaos

"Josh! si Trish nakikipag basag ulo dun sa mga nasa table 3, 'di ba kaibigan mo yun?"

"Oo josh awatin mo kasi parang nag kakasakitan na at yung bata pa ni boss ang naka away niya!"

sunod sunod na sigaw sakin ng mga ka trabaho ko, as if naman makakatulong ako eh hindi naman ako bouncer at the first place, pero hindi ko naman pwedeng iwan ang kaibigan ko, tutal tapos naman na ang shift ko dali dali kong tinanggal ang uniform ko at dumiretcho na kung nasan yung gagita kong kaibigan mag isa nanaman kasi yun at nag lalasing dahil broken nanaman yata siya. 

habang nagmamadali akong mag lakad para puntahan siya iniiisip ko kung sino yung bata ni boss na sinasabi ng ka-trabaho ko. Mahirap kasing madamay kapag malakas na tao yung makakalaban mo. tae naman kasi tong si Trish, napagkamalan nanaman siguro niyang jowa nya yun kaya nagwala.

"Excuse me! padaan po!" sigaw kong banggit dahil andaming nag kukumpulan na tao at ang iingay nila, isabay mo pa ang tugtog na malakas dito sa club. hinawi ko ang mga tao sa paligid at nakita ko si Trisha, may hawak na boteng basag at nakatutok ito dun sa lalaking nakahandusay sa sahig pero gising naman siya, may sugat nga lang ito sa noo na nagdurugo.

"You better thank God you're a girl!" sigaw nung lalaki habang papatayo na siya, lumapit naman ako kay Trisha para kalmahin siya at kunin ang bote sa kamay niya.

"Trisha! stop, hindi siya yung jowa mo ok, bakit ba nagbabasag ka! nakasakit ka pa!" inis kong sermon sakanya pero hindi naman niya yata narinig dahil bumagsak na siya sa sobrang kalasingan niya.

"Are you the boyfriend?! the fuck! next time huwag mong iniiwang lasing yang jowa mo! pasalamat siya babae siya hindi ko sya papatulan pero dahil nandito ka na ikaw naman ang gagantihan ko." sabay suntok nung lalaking may dugo sa noo sa tiyan ko na agad ko namang ininda, halos mamalipit ako sa sakit dahil full force yata yung suntok niya sakin at sa sobrang sakit hindi na ako makasalita."

"Look what your girl did to him, you deserve to go to jail!" sabi nung isang babaeng nakapalupot dun sa lalaking may dugo.

"Hin-hindi, hindi ako ang jowa niya" impit na boset kong sabi

"What? you're talking back huh!" tinignan ako nung babae from head to toe na parang hinusgahan na niya yung buong pagkatao ko.

"You're an employee here!? goodness I'll let my dad know about what you did to my cousin!" sabi nung babaeng nakapalupot dun sa lalaking naka smirk na ngayon sakin habang pinupunasan yung dugo sa noo niya.

"I'm sorry miss but I am just her friend." paking teyp naman oh, ito na nga lang racket ko ngayon mawawala pa yata at another packing teyp dahil baka ako ang malintikan dahil sa ginawa ni Trish"

"Boyfriend or friend, you and your friend should pay the price for what you did to Sean!"

"I'm sorry ma'am wala naman po akong kinalaman, inaawat ko lang po talaga yung kaibigan ko." pag mamakaawa ko, hindi kasi ako pwedeng mawalan ng trabaho, malapit na ang finals wala akong maipang babayad.

"Fine! I wont tell my dad about this but you should pay me 500,000 for the damage of things here na sinira ng kaibigan mo and also para sa pag papagamot at pag papaayos ng sinirang muka ng kaibigan mo."

"500,000? ma'am wala po akong ganyang kalaking pera."

"Oh really? hindi ko na problema yun maghanap na kayo ng kaibigan mo ng pera ninyo para ipang bayad sakin. I'll wait until 9 am  or else I'll see you in jail."

Putakhamnida teka lang ah, masakit pa tyan ko dahil sa pag suntok sakin tapos nahihilo narin ako dahil magmula 8pm hanggang ngayong 8 am  pa ako nag tatrabaho at walang pang kain tapos hihingian ako ng kalahating milyon? takte ginto ba ang sinira ni Trisha? hibang na ba sila?

I looked around at nakita ko na sira sira yung mga table at ilang mamahaling alak. nasapo ko nalang ang noo ko at ibig kong bigwasan si Trisha dahil sa kagagahan niyang ito.

Umalis na yung mag pinsan na may ari nitong club/bar na ito. Nilapitan ko si trisha para i check kung humihinga pa siya at ayun nag hihilik pa ang gaga.

"Trisha!!!! Trisha!! gumising ka! gaga ka tignan mo nang yare sakin hoi!" nakaka ilang yugyog na ako pero hindi pa rin sya nagigising. sinampal ko ng maka isa ng medyo malakas lakas at dun lang sya namulat!

"Trisha! may 30 mins nalang tayo para mag hanap ng kalahating milyon para hindi tayo makulong dahil sa kagagahan mo!" nilabas niya yung card niya, here mag withdraw ka! 

"tanga hindi ko alam pin number mo!" nakatulog na ulit ang bruha. Grabe, ganito ba talaga pag mayayaman? hindi man lang kilabutan sa kalahating milyon na ibabayad niya? pero ano pa nga ba, Trisha Julliana is the Only daughter of De Dios Empire, Heiress siya ng lahat ng kayaman ng magulang niya, barya lang talaga sakanila ang ganito.

Teka ang dami ko pang time mag monologue eh ilang minuto nalang kapag hindi ako naka withdraw makukulong kami! hindi pwede!!! masisira ang image kooooo huhu matatanggal ako sa mga scholarships ko hindi pwede!

Sinampal ko pa ng maka isa si Julliana para gumising pero hindi pa rin ito gumising kaya sa sobrang frustrated ko umiyak na ko!

"TRISHA! HINDI AKO PWEDENG MAKULONG! GUMISING KA YUNG PIN NUMBER MO HINDI KO ALAM, MALAYO PA YUNG WITHDRAWHAN DITO! SAKIN LANG UMAASA ANG PAMILYA KO ALAM MO YAN TAPOS GANITO MANG YAYARE SAKIN? SA NAPAKA BABAW NA DAHILAN MAKUKULONG AKO? TANGINA NAMAN EH!"  humagulgol na ako ng sobra kasi natatakot nako tsaka naghalo na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"What a stupid and noisy person!" narinig kong iritang sabi nung lalaki na nasa gilid ko. Nilingon ko sya at tinignan ng masama.

"Sinong noisy? sinong tanga? adik ka ba? kung ayaw mo ng maingay wag ka sa bar pupunta. dun ka sa simenteryo!"  dirediretcho kong sagot sakanya habang hawak ko yung kwelyo niya.

Ngumiti lang si tanga at naglabas ng check book.

"You need half a million right?" napatingin ako sakanya at nabalik ako sa ulirat ko, sabay tingin sa relo ko at 5 mins nalang mag 9am na.

pagtingin ko sa likod ko nakita kong bumabalik na yung babaeng maarte kanina na magpapakulong samin may kasama siyang mga bouncer.

"Oo kailangan ko--"

"Here" sabay abot sakin nung check at nakita kong nakalagay yung amont na 500,000 at legit yung cheke.

"babayaran rin kita mamaya 'wag kang mag alala kailangan ko lang talaga to ngayon. salamat!"

"Ok, in one condition-"

"Oo na sige na kahit ano pa yun, wait lang ha, salamat rin sa pag papautang."

Patakbo akong lumapit dun sa babaeng anak ng amo ko para ibigay yung cheke at humigi ng dispensa kahit ako naman yung na araggrabyado dito dahil sa kagagahan ng kaibigan ko. Tinanggap niya ito at nginitian ko at umalis na siya.

nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko katapusan ko na, hingal na hingal na ako at hindi ko na namalalayan yung nangyayare sakin dahil parang umiikot na yung ulo ko but I managed to go kung nasan si trisha and the last memory i know is nakatayo na siya at kinakausap yung lalaking nag pautang samin habang may pinipirmahan siya.

Teka? kelan pa nagising si gaga? kapag talaga nakaka amoy siya ng pogi nagigising tong bruha na ito! bwisit. Malapit na sana ko sakanila pero bigla nalang akong nabuwal at nawalan ng malay.

seven daysWhere stories live. Discover now