Chapter 9

2 0 0
                                    

The whole truth

We are now at Trevors Condo, nagpahinga ako after ng biyahe at nakatulog ako. Hindi ko na namalayan na naka uwi na pala sila nanay at tatay.

Bumangon na ako to greet them, as usual more chika more fun ang ganap ng mga magulang ko about their trip. Masayang masaya sila dahil ngayon nalang ulit sila nakapag bonding mag asawa since I came into their lives.

Pangiti-ngiti lang ako habang nag kukwento sila kasi ayoko masira ang mood, naghahanap ako ng tiyempo nang bigla naman akong tinanong ni nanay.

"Ikaw 'nak? kumusta ang trip ni Trish? she told me a lot of things happened katulad nang pagpapaalis saatin ni Aling Marites, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni nanay.

"Isa pa anak, sabi ni Trevor bibili lang siya ng stocks para dito sa condo dahil dito muna raw tayo mag stay habang wala pa tayong malilipatan, sabi ko nga huwag na at tayo na ang bibili kaso nabanggit niya na gusto mo kaming kausapin kaya iiwan muna niya tayo, ano ba yun anak?" tanong naman sakin ni tatay.

"Ayos lang naman po ako nay, tay, marami po talagang nangyari, marami po na hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa loob lang ng tatlong araw." panimula ko

"Naayos ko na po yung mga gamit natin, naibigay narin po ni Aling Marites kay Trish yung mga naiwan kong gamit natin sa appartment, Yung tungkol naman po sa sinasabi ni Trevor, gusto ko lang po sana maliwanagan nay, tay, sa nangyari saakin limang taon nakakalipas, yung kwento po ninyo nung tinulungan ninyo ako."

nagtinginan si nanay at tatay at muka silang kinakabahan at nababalisa.

"Bakit naman naitanong mo ulit 'yan anak? may naaalala ka na ba?" tanong ni nanay

"Kasi po nay-" naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si tatay.

"Panahon na siguro para malaman niya mahal." malumanay na banggit ni tatay kay nanay.

"Ano po ang dapat kong malaman?" nagtataka kong tanong. 

Lumapit sakin si nanay at niyakap niya ako.

"Hindi mo na kailangan malaman anak, maguguluhan at mahihirapan ka lang. sasakit nanaman ang ulo mo at mag papanic ka nanaman at mag aalala ka nanaman, hayaan mo na dito nalang tayo sa tahimik." sabi ni nanay habang yakap ako.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya hindi talaga dapat natin iniiwan si Josh, kung ano ano nanaman ang naiisip niya." naiinis na sabi ni nanay kay tatay.

"Pero mahal hindi natin pwedeng itago kay Josh ito habang buhay, hindi parin sila tumitig-"

"Arthur! tama na!" Malakas na sigaw ni nanay kay tatay na siya namang ikinagulat namin ni tatay.

"Nay, ano po ba ang dapat ko pang malaman, please tell me the whole truth, nahihirapan na po ako!" medyo mataas na boses kong sabi kay nanay dahil naiinis na ako na naguguluhan dahil bakit mayroon akong dapat malaman? bakit hindi nila sinabi sakin lahat?

"Helena! kung hindi mo kayang sabihin ako na ang magsasabi, hindi tayo ang magulang ni Josh at karapatan niyang malaman ang buong katotohanan." sigaw ni tatay.

"Noong nakita ka namin anak, kinailangan naming mag madali sa maynila kaya hindi ka sa tagaytay na ospital nadala, doon ka namin sa kakahuyan nakita, nakabangga ang sasakyan mo. Mula noong nagkamalay ka, wala kang ibang sinasabi kundi Lucas, I'm sorry Lucas, yun lang ang sinasabi mo. Sinabi ng doctor na nagkaroon ka raw ng amnesia dahil sa lakas ng impact nung naaksidente ka, Ilang linggo ka rin sa ospital at wala kang ibang hinahanap kundi si Lucas, yun lang ang mukang bibig mo at nung tinanong ka namin kung anong pangalan mo you only said Josh." panimula ni tatay

seven daysWhere stories live. Discover now