DNA Test
Josh POV
Nagising nanaman ako sa isang hindi pamilyar na lugar, this time puro puti naman ang nakikita ko. shocks nasa langit na ba ako?
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Aling Nene nasa tabi ko at nakatulog na. Nasa Ospital ako ngayon, base sa mga nakikita kong gamit mukang nasa isang magandang suiet room ako. Mayaman pala si Aling Nene, ang ganda ng pinagdalahan saking ospital.
Tatayo na sana ako pero bigla kong naramdaman ang sakit ng kamay ko. Naka swero ako. Shocks! nakita ko yung dugo tumataas sa swero nanginig ako dahil takot ako sa dugo na siya namang kinagising ni Aling Nene.
"Oh hijo, gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" nag aalalalang tanong ni Aling nene.
"Pasensya na po Aling nene sa abala, ok naman na po ako, pwede ko po bang malaman bakit nandito ako at bakit nasa magandang room ninyo pa ako dinala."
"Hindi ako ang nag dala sayo rito anak, si Sir Lucas ang-"
Hindi pa tapos mag salita si Aling nene pero bumukas na yung pinto ng room at iniluwa nito si Trish na patakbong pumunta sakin at niyakap ako na humihikbi pa.
"Josh! pinag alala mo ako! bakit ka kasi tumakas! nakakainis ka huhu kumusta ang pakiramdam mo?"
"Adik ka kasi ibabalik mo ako kay Lucas baka mamaya sindikato yun tapos ako pala ipambabayad mo gagi ka."
"Sorry Josh! sorry talaga huwag ka na mag alala at mag isip ok na ang lahat, pinagbakasyon ko sila tita at tito sa beach house namin para hindi ka nila maisip at malibang sila habang waka tayo at sa school nakapag iwan na ako ng note to excuse you, bayad na rin lahat ng kailangan mo so no need to worry kailangan mo lang mag pagaling ok."
"Ha? teka-teka na bobobo ko ano bang nangyayare? ok naman ako ah tara uuwi nako tyak mahal na itong bayarin."
"Teka hihintayin muna natin yung result ng DNA-" sabay takip ni Trish sa bunganga niya.
"Ha? DNA ano? para san? ako pina DNA Test mo?"
"Hindi gaga may pina ayos kasi sakin si mommy for one of their clients tapos sinabay ko na dito i pa test!"
"Ahh ganon ba, sige hinatayin na natin."
"Tsaka hindi ka pa pwede umalis josh kasi under observation ka hanggang bukas, so morning ka pa pwede i-discharge kapag ok na yung tyan mo."
"Nako abala pa ito at dagdag bayarin Trish wag na kaya ko naman."
"Hijo, makinig ka nalang sa kaibigan mo, huwag na makulit ha."
Malambing na mahinahong sabi ni Aling Nene na parang sobrang concern sya sakin ng sobra. wait ang slow ko ha, hindi ako maka catch up sa mga nangyayari. nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang pumasok yung doctor.
"Hello sir Josh!" naka ngiting bati nito saakin. ngumiti nalang rin ako pero to be honest ang weird ng mga tao dito.
"Well you have a mild gastritis pero kaya pa naman ito ng gamot so mag rereseta ako tomorrow ng mga iinumin mo then pwede ka na i discharge and about naman dun sa DNA-"
tinakpan ni trish yung bunganga ni doc at hinaltak palabas ng room ko na ikina tawa naman namin ni Aling nene dahil ang weird talaga ng kaibigan kong yun hays, kinulang yata sa buwan nung pinanganak.
"Hijo mag pahinga ka muna dito ha! pupuntahan ko lang si sir Lucas." ha? si lucas nanaman? Bakit ba kilala sya ng lahat? tsaka bakit sir lagi tsaka anong ginagawa niya dito? may sakit na nga ako tapos ibebenta parin niya ako.
Ano misyon ba niya na ibalik ako sa magulang ko kasi nawawala ako kunwari tapos mayaman ako tapos kilala ako ng lahat tapos nasangkot ako sa isang aksidente tapos nawala tapos matagal na nilang hinahanap kasi may malaking pabuya sa makahanap sakin?
![](https://img.wattpad.com/cover/316911298-288-k288754.jpg)
YOU ARE READING
seven days
Short StoryEverything is normal sa buhay ni Josh, nakakaraos naman siya sa araw-araw niyang pangangailangan, until napasama siya sa gulo dahil sa kaibigan niya, hindi na nila alam ang gagawin para makatakas dahil isa sa pinaka kilala at mayamang tao sa lugar n...