What happened five years ago. [Day 4]
Josh POV
I had the worst attack last night pero hindi ko alam kung bakit mabilis lang rin akong nakalma nung niyakap ako ni lucas, I even fell asleep in his arms, ngayon lang ako nagising dahil sa pagod it's already 10 am in the morning, wala si lucas sa tabi ko.
siguro maaga siyang umalis or hindi rin siya nakatulog dahil saakin.
I held my head, ansakit parin nito dahil kagabi I unexpectedly remember some of my lost memories, I remember the accident 5 years ago na lagi kong napapanaginipan, iyon pala yun. naaksidente pala ako. pero hindi ko maalala na dito pala ako sa tagaytay naka tira at may magulang pa ako.
hindi ko rin maalala na childhood friend ko si Lucas. to be honest I don't have any memories with him kaya hindi ko alam if I should trust what he said to me last night about us. pero nararamdaman ko namang hindi siya masamang tao pero I just can't remember him.
Now it all makes sense why everyone seems to know me, this is my house and kuya Tomas and Friends are our guards and this room, is my room Aling Nene is the best cook for me and everyone here knows me dahil taong labas pala ako dati.
Nahihirapan parin akong alalahanin lahat at sumasakit yung ulo ko nang biglang bumukas yung pinto at inilabas nito si manang.
Si manang Ester pala yung matandang babae na hinampas ko ng baseball bat display ko nung unang beses akong magising sa kwarto na ito.
"Sir Josh, ako ito si Manang Ester, wala naman po kayong pamalo ano?" natatawang sabi ni Manang
"Wala po manang pasensya na po talaga kayo." kumakamot kong sagot sakanya.
May dala dala siyang tray ng pagkain, saging at champorado at isang basong gatas.
"Ito yung paborito mo sir Josh na lagi ko hinahain sayo, sabi ni sir Lucas ito raw ang ihanda ko, nag iwan rin daw siya ng sulat sa ilalim ng unan niya, maaga kasi siyang umalis sir Josh may kailangan lang raw siyang asikasuhin sa munisipyo."
"Ah ganon po ba manang, sige po iwan nyo nalang po dito yung pagkain, ibababa ko nalang po mamaya."
"Sige anak, kumain ka ng mabuti ha." masayang masaya na banggit ni manang ester sakin na para syang naiiyak. Naiiyak rin tuloy ako kasi naramdaman ko yung pangungulila nila saakin. lumabas na si manang ester sa kwarto at nag simula na akong kumain, hindi mawala sa isip ko si Lucas, gusto ko siyang maalala pero wala parin talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ko ng bigla kong naalala yung sulat sa ilalim ng unan ni Lucas, hinanap ko ito at agad ko namang nakita.
My dear Josh,
I have to go early dahil may emergency sa munisipyo, please promise me you'll stay in your house, babalik ako agad . I love you and I still miss you.
please search your heart and remember me.
Love, Lucas.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot na wala si Lucas ngayon sa tabi ko, mukang buong araw niya akong hindi magugulo pero bakit parang hindi ako masaya.
Nawalan ako ng gana kumain kaya naman niligpit ko na ito at bumaba na sa kusina para hanapin si manang ester. Dinala ako ng mga paa ko sa kusina at nakita kong nagluluto si manang para sa tanghalian.
"Manang ano po ang niluluto ninyo?" tanong ko kay manang dahil sa bango ng amoy nito.
"Ah nagluluto ako ng Kare-kare, sabi ni sir Lucas lahat ng paborito mo ang lutuin ko, ito rin yung madalas ninyong dalawa ipaluto saakin noon kaya ito ang niluto ko." Masayang banggit ni Manang Ester saakin.

YOU ARE READING
seven days
Cerita PendekEverything is normal sa buhay ni Josh, nakakaraos naman siya sa araw-araw niyang pangangailangan, until napasama siya sa gulo dahil sa kaibigan niya, hindi na nila alam ang gagawin para makatakas dahil isa sa pinaka kilala at mayamang tao sa lugar n...