Chapter 4

10 2 10
                                    

Home [ Second Day ]

Sa loob ng ilang araw napaka rami ng nangyari sa buhay ko. nakapag trip to Tagaytay pa ako for free kasi natagpuan ako nila Trish so ayun inuwi na nila kao dito finally, kumpleto pa naman ang katawan ko at finally hindi na ako ginambala nung Lucas nayun. Makakabalik na ko sa normal kong pamumuhay. Ewan pero kapag naiisip ko mga nangyari parang hindi ako makapaniwala kasi para akong pinaglalaruan.

Nasa bahay na ko namin kaya lang wala si nanay at tatay, bakasyonista parin yata ang peg nila dahil na extend ang trip nila at mukang mag bo-boracay at palawan sila, kasama parents ni Trish. Pinapasunod nga kami kaso kailangan kong asikasuhin itong mga requirements ko para sa trabahong pag-aapplyan ko dahil isang buwan nalang naman na ay graduate na ko so kailangan ko na intindihin ang pag ta-trabaho para makapag pahinga naman si nanay at tatay sa pag ta trabaho for me.

Grabe no, 20 na ako tapos makakapag tapos na ako bilang Electronics Engineer hindi ako makapaniwala na dati problema ko lang ay yung pam bu-bully sakin ng mga kaklase ko nung high school ako kasi ampon lang raw ako, pero ngayon tanggap ko at mahal ko ang mga magulang na nag ampon at nag aruga saakin, kaya lahat ay gagawin ko para sakanila.

Pumunta na ako sa kwarto ko, na miss ko yung higaan kong matigas pero masarap higaan. Humilata muna ko kasi mag isa lang naman ako at wala naman akong need pa asikasuhin kasi sabi ni julliana ok naman na raw. Pang araw-araw ko nalang na gastusin ang iintindihin ko since wala naman sila nanay at tatay dito. Magpapahinga muna ko kasi sumasakit yung ulo ko nanaman tuwing inaalala ko yung past. Hindi ko namalayan nakatulog na ako.

***

Nagising ako sa tahulan ng aso dito samin parang may kumakatok yata sa pintuan namin kaya naman napilitan akong bumangon at tignan kung sino yun.

Pag bukas ko ng pintuan, nagulat ako dahil iniluwa nito sa harap ko si Aling Marites, sya yung may ari nitong upahan na tinutuluyan namin nila nanay.

"Hijo, Kailangan mo na mag impake."

Yung inaantok kong muka napalitan ng seryoso na hindi ko maintindihan.

"Ano po aling Marites? mag impake? bakit po eh naka advance naman po kami ng bayad 2 years deposit pa." kapag nalaman kong binibiro lang ako nito matatampal ko talaga siya charot mabait tayo sa elders.

"Oo nga Josh kaso may bumili na kasi nung lupa, huwag kang mag alala ibabalik ko naman lahat ng binayad ninyo, pasensya ka na talaga."

"BAKIT NYO NAMAN BINENTA ALING MARITES?" pasigaw kong banggit kasi naiinis ako sa part na binenta niya ito without even thinking kung may matutuluyan pa ba ako at ang pamilya ko. buti nalang wala si nanay at tatay dito kundi baka nasapak na nila si Aling Marites.

"Pasensya kana Josh 5 million ang ni offer sakin para sa kakarampot na lupa na ito."

"Pano naman kami? at yung iba ninyong nangungupahan?" 

"Ah hindi hijo itong bahay lang na inuupahan ninyo ang binili."

"Ano? jokerist po ba kayo aling marites kasi hindi po nakakatawa, nakakayamot po kayo kakagising ko pa man lang din."

"Pasensya ka na talaga Josh, dala lang ng pangangailangan, alam mo naman matanda na ako at maraming sinusuportahan na-"

"na apo? gets ko naman po aling marites ang hindi ko lang gets bakit sa dami ng property ninyo ito pang bahay namin na tripan ninyong ibenta."

"hindi hijo, nagkakamali ka, hindi ko to ibebenta para sa apo ko, mayaman kami remember?" Ay ayun mayaman naman pala siya so para saan pa ang 5m? napipikon ako sa matanda na ituu

"eh para saan po pala?"

"Para sa mga boys ko anak!" sabay hagikgik ng matanda. hay nako kung hindi lang ito matanda nasapok ko na to malala. tanda na kerengkeng pa.

seven daysWhere stories live. Discover now