First Day
Ansakit ng katawan ko, naalimpungatan ako dahil anlamig, kelan pa naging malamig sa kwarto ko eh sa pagkakatanda ko mas malakas pa ang buga ko ng hangin sa electric fan ko. Pagkadilat ko ng mga mata ko para parin akong nakapikit. Napakadilim at halos itim ang lahat ng nasa paligid ko pwera nalang dito sa kama na kualy puti, anlambot ng kama, malayong malayo sa papag ko at may aircon, tapos ang ganda ng interior nung kwarto, pang mayaman.
Teka? nasan nga pala ko, shit! hindi kaya na kidnapped ako, shocks tinignan ko ang paligid ko pero maayos naman yung kwarto hindi naman madumi or parang sa mga napapanood ko. Tinignan ko ang buong katawan ko dahil baka may nawawala na akong body part at ibinenta na nila, pero I'm complete naman, anong ginagawa ko dito? bakit ano nandito? nasan ako? eme hindi ko sinabi yan pang oa lang na lines yan pero nag f-freak out na ko.
naguguluhan ako at gusto kong sumigaw pero wag na tinatamad ako. bumangon ako at kinuha ko yung naka display na baseball bat diyo sa kwarto at dahan dahan akong pumunta sa likuran ng pinto papasok ng kwarto upang abangan kung sino man ang masamang loob na nag uwi sakin dito. Hindi pa rin ok ang pakiramdam ko at feeling ko kinakain na ng malaki kong intestine yung maliit na intestine dahil wala pa akong kain simula kahapon.
Shit! wait nahimatay ako kahapon??? '
pinipilit kong alalahanin ang last memory ko ng biglang may nag bukas ng pintuan kaya nanahimik ako.
"Sir Josh?" ha? ano raw? sir Josh? diba kidnapped to tapos sir josh? Ah baka pakana lang nila to, hinampas ko sa likod yung babae na naghahanap saakin.
naka maids uniform sya, at mukang matanda na, shet! anong ginawa ko. nilapitan ko yung matanda at tinulungan shemay, awit bakit naman kasi nasa ibang bahay ako tapos sir Josh pa? I mean hindi ko na alam kawawa naman si nanay.
Pinag masdan ko yung muka ni nanay at parang pamilyar siya sakin at parang ang gaan gaan ng loob ko sakanya pero siguro dahil na mi-miss ko lang ang nanay ko. Biglang sumakit yung ulo ko, masakit na masakit at nagkaroon nanaman ako ng flashbacks!
I always have this flashback na bumangga yung sasakyan na minamaneho ko raw then after that wala na akong maalala. I was in the middle of having anxiety attacks ng biglang may pumasok sa kwarto.
"Manang asan si Josh?" anlaki ng boses nung lalaki, parang pamilyar yung boses niya kaya kahit masakit yung ulo ko pinilit kong lumingon at hindi ko inaasahan na siya yung lalaki na yun.
"Ikaw?!" nakahawak parin ako sa ulo ko habang pinupunasan ko yung nangilid na luha sa mga mata ko.
"Teka sisingilin mo ba ako? kidnapped for ransom ba ito? hindi ako mayaman wala akong pera pero may kaibigan ako siya mag babayad nung utang kong kalahating milyon. pinangako ko yun diba hindi yun talkshit siraulo lang yun pero tumutupad yun sa usapan, wait tatawagan ko lang ha!"
"No-"
"Hindi wait! tatawagan ko lang sya!" dire-diretcho kong sabi sakanya na hindi man lang nakapag salita.
"Teka, bakit wala sa bulsa ko yung cellphone ko? kinuha mo ba? ginawa mo na bang paunang bayad? Hoi wag namang ganon sayang yung mga selfie ko dyan hindi ko pa na popost hoi, magbabayad naman kami." taena naman kasi ni Trish bakit ako lang nandito. ano na gagawin ko?
"Are you done?" kalmadong nakangiti niyang tanong sakin.
"Ha? saan?" nangangatog kong tanong.
"I mean are you done talking?"
"ahh oo pero pwede ba na tawagan ko kaibigan ko? marami pa akong pangarap, huwag mo naman akong papatayin."
napahagikgik sya sa tawa na agad rin naman niyang pinigilan nung sumama ang tingin ko sakanya.

YOU ARE READING
seven days
Short StoryEverything is normal sa buhay ni Josh, nakakaraos naman siya sa araw-araw niyang pangangailangan, until napasama siya sa gulo dahil sa kaibigan niya, hindi na nila alam ang gagawin para makatakas dahil isa sa pinaka kilala at mayamang tao sa lugar n...