Chapter 5

11 2 15
                                    

I am yours and you are mine only. [Third Day]

Unti-unti akong dumilat at nakita ko na nakahandusay sa lapat at natutulog na si Andre habang duguan ang muka nito, pagtingala ko naman nakita ko si Aling Marites yakap yakap si Lucas.

si Lucas?!

"Tama na pogi baka mapatay mo siya." nag aalalang sambit ni aling Marites.

"Talagang papatayin ko yang gagong yan kapag may ginawa siyang masama kay Josh."

Luh? bat pati ako nadamay nanaman tsaka bakit nandito si Lucas? ano nanaman ang ginagawa niya dito?

Marahas akong hinila ni Lucas hawak niya ang braso ko hanggang sa makalabas kami ng gate ng apartment at pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay ko.

"Ano ba! nasasaktan ako! bitawan mo ako adik ka ba?!" pagpupumiglas ko sa kanya pero lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sa braso ko. masamang masama ang tingin niya sakin at halos kaladkarin niya ako palabas hanggang sa nakarating kami sa kotse niya tsaka nya ko binitawan.

Tinandyakan ko siya at sinuntok sa tiyan dahil sa inis ko sakanya. hindi naman kami close at bayad na ko sa utang ko sakanya kaya wag niya kong subukan. Idedemanda ko sila kahit mayayaman sila. Inang to kakaladkarin ako ng walang dahilan.

"Ano bang problema mo? bigla ka nalang sumusulpot tapos ako pag iinitan mo?! hibang ka ba ha Lucas? bayad na ko sa utang ko ah! ano pa bang hinihimutok ng butchi mo?"

"Ikaw! ikaw ang problema ko! ikaw yung problemang hindi masulusyunan ng kahit na ano, tapos ngayon makikita kitang may kasamang ibang lalaki sa kwarto tapos mukang maghahalikan pa kayo?"

"Gago! walang ganon, kaya ko sarili ko, tsaka anong paki alam mo sa buhay ko? bakit mo ko pinoproblema? close ba tayo? hindi naman diba? hindi nga kita kilala at hindi ko alam kung ano nanaman ginagawa mo sa bahay ko pero hindi ka welcome dito kaya umalis ka na!"

"Ah ganon? babalik ka pa? gusto mo talagang ma mangyare sainyo? ganyan ka ba? kadiri ka naman Josh! pumapatol ka sa ganon?" nasaktan ako sa sinabi niya, oo malambot ako kumilos oo bi ako pero hindi ako katulad ng iniisip niya kaya sinapak ko siya ng malakas sa muka, nakita ko naman na nagdugo at nag pasa iyon agad.

"Hindi mo ako kilala kaya huwag mo akong huhusgahan. magpasalamat ka at hindi ako basagulero kundi hindi ka na makakauwing humihinga sainyo, lumayas ka na bago pa ako tuluyang hindi makapag timpi sayo! hindi ko gustong makita pagmumuka mo dito ha! hindi kita kilala hindi kita kaano-ano kaya huwag kang pakialamero.

Aalis na ako para kunin yung gamit ko na naiwan sa bahay para makalayas na ko ng tuluyan nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit mula sa likod. Para akong naging bato dahil sa ginawa niya tapos bigla ko nalang naramdaman na may nilagay siya sa kamay ko.

Pinosas niya ako. shit hindi ako makagalaw at maka balikwas, wala namang ibig tumulong sakin na mga kapitbahay ko. mukang takot sila kay Lucas dahil sa itusura nito ngayon na mangangain ng buhay.  Nagpupumiglas pa ako ng sobra ng bigla niya akong binatukan ng malakas kaya naman nakatulog ako.

Nagising nalang ako na nasa sasakyan niya ako, may tapal pa sa bibig ko kaya hindi ako maka sigaw. Potek kidnappped nga talaga ito. sindikato si Lucas at bina block mail niya si Trish para makuha ko. Hindi naman kami mayaman, wala akong perang pantubos, sana si Trish ang hinuli niya, duon tiyak tiba tiba siya kaya lang muka namang mayaman tong lalaki na to so bakit kailangan pa nya ko?

"Gising ka na pala, buti naman." Kalmadong bigkas ni Lucas na hindi man lang ako nililingon. masamang masama ang tingin ko sakanya, wala akong imik kasi nonesense lang naman rin dahil naka busal ang bibig ko so wala rin naman siyang maiintindihan sayang lang lakas ko. nanghihina parin ako dahil sa bugbog ng katawan ko, may pasa na rin yata ako sa tiyan dahil napakasakit parin nito at idagdag mo pa na hindi pa ako nakakakain.

seven daysWhere stories live. Discover now