Chapter 11

3 0 0
                                    


I love you Josh [Day 6]

Josh POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, dahil nararamdaman ko ang init ng sikat ng araw at ang kirot ng ulo ko. Napatayo ako dahil pag mulat ko ay tumatama sa mata ko ang kapiranggot na sinag ng araw na pumasok na maliit na butas ng kwartong kinalalagyan ko. nasa ibang kwarto ako, hindi ito pamilyar saakin at mukang abandonado ito. Magulo at mga may takip ang mga gamit.

Shit! anong nangyari? nasaan sila nanay at tatay? Itinakas nanaman ba nila ako?

Pilit kong inaalala kung ano ang huling nangyari saamin, dahil sa totoo lang ay nahihilo pa rin ako. Hinawakan ko ang ulo ko at naramdaman ko na may nakabalot dito.

Ah naaalala ko na! nag aaway kami nila nanay at paalis na sana ako ng bahay ng biglang nawalan ako ng malay dahil may bumasag ng vase sa ulo ko.

Hindi ko lubos akalain na magagawa saakin ito nila nanay at tatay ng dahil sa pagmamahal nila, hindi na pagmamahal ito kundi pagiging makasarili at gahaman. Hindi lang naman sila ang pamilya ko at hindi nila ako pag mamay-ari.

Unti-unting pumapatak ang luha ko habang nakaupo ako ngayon sa kama, walang lakas ang katawan ko para mag pumiglas at mag sisigaw.

Naka kadena ang mga paa ko sa sahig ng kwarto na ito na may lock kaya wala rin akong magagawa, makakatayo at makakagalaw ako pero hindi ako makaka-alis.

Mahal talaga siguro nila ako kaya hindi nila ako ikinadena ng buo at dito sa madilim at abandonadong lugar nila ako dinala.

Alam siguro nila na hahanapin ako ni Trevor at Trish, nag aalala na siguro si Lucas.

Hindi ko alam pero parang sa oras na ito gusto ko nalang kainin ng lupa, gusto ko nalang mawala para hindi maging pag mamay-ari ng iba.

Paano naman ako? paano yung buhay na gutso ko? yung kalayaan na sana meron din at nararanasan ko. Paano naman ako?

Rumaragasa na naman yung luha ko. 

Wala na ba talaga kong ibang gagawin kundi umiyak? kundi umintindi ng problema at responsibilidad? 

Hindi ko lubos maisip na sa isang linggo lang ay maraming mangyayari sa buhay ko.

Bakit ganito kagulo? Napaisip tuloy ako na paano kung hindi ko nakilala si Lucas, magiging ganito ba kagulo ang lahat?

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip at pag iyak ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto na agad namang naka pukaw ng atensyon ko.

Iniluwa nito ang isang lalaking naka sando at boxers lang, mukang kagigising lang rin niya, hindi ko maaninaw ng maayos ang muka niya pero habang papalapit siya saakin ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"How are you Josh? Nakatulog ka ba ng maayos, I hope yes so you'll have the energy." 

Si Andre! anong ginagawa ni Andre dito? don't tell me..

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko, hindi ma proseso ng utak ko ang nangyayari, si Andre ang bumasag ng vase sa ulo ko? Paano? bakit?

"You look cute kahit nakatulala ka Josh." Nakangiti niyang banggit.

"I can't believe your mine now." natatawa niyang sabi.

"Bakit ako nandito? nasaan ang magulang ko?! Bakit mo ako kinuha! anong kailangan mo!"

"Do you want the truth?" nang iinis niyang banggit saakin.

"Ano nga ang kailangan mo! wala ka naman makukuha sa pamilya ko! nasan ang nanay at tatay ko!"

seven daysWhere stories live. Discover now