Chapter 2

9 1 0
                                    

The Contract

"Feeling ko Trish kinakabahan na si nanay at tatay dahil ni text man lang wala akong nagawa tapos ilang araw na akong wala."

"Hindi naman pinag paalam kita, sabi ko nasamin ka tapos aalis tayo."

"hA? Eh pano mo naman nagawa, tsaka curious ako bakit ako lang yung nandito sa tagaytay bakit naka uwi ka? bakit hindi mo ako dinala sa ospital? bakit hindi ikaw yung nakita ko nung nagising ako?"

"Dami mo namang tanong Josh, isa isa lang kalma i eexplain ko sayo."

"Bilisan mo kasi baka ma friendship over tayo ngayon!"

"Fine, fine ito na."

*Phone rings

"Teka Josh tumatawag si Lucas."

"Ano?! bakit meron sya ng number mo?!"

"Ha? Eh ano kasi may kontrata- Teka I have to answer this"

Hindi ko maintindihan kung ano pinag uusapan nila dahil nahihilo ko sa aircon ng sasakyan ni Trish tapos gewang gewang pa yung daan, nasusuka ko.

"Manong ok lang ba na itabi mo yung car? nawawalan ako ng signal." Sabi ni Trisha na mukang kabadong naiiirita.

"Hindi ko naman kasi naisip! sorry ok! ibabalik ko nalang si Josh dyan."

ha? ibabalik? Oh no baka ni block mail ni Lucas si Trish at ako nanaman ang pain no this can't be.

"Trish susuka lang ako teka lang ha!"

"Ok bilisan mo lang."  Sabi niya, hindi niya alam na tatakasan ko narin siya dahil mukang sindikato narin yata itong kaibigan ko, nyeta bakit parang ako lang nahihirapan dito eh hindi naman ako madadamay sa gulo na'to kung hindi sya nakipag basag ulo? tsaka bakit parang hindi naman na open sakin ni Trish yung sa nangyare nung umagang yun bago ko mahimatay.

Naguguluhan ako. Sumuka ako sa gilid ng sasakyan ni Trish tapos dahan dahan akong nag tatakbo para makatakas at nag tago.  Kinapa ko ang bulsa ko at buti naman dala ko yung wallet ko. Last money ko na ito 1k nalang nasa wallet ko kasya naman na siguro ito para makauwi, kaso wala sakin cellphone ko, pano ko malalaman ang daan pauwi shet.

Pinapawisan na ako ng malamig pero tuloy lang ako sa pag takbo para makalayo sakanila. Ang gulo gulo ng lahat, bakit ganito kagulo yung shift ng buhay ko. Umupo muna ko saglit dahil pagod na pagod na yung katawang lupa ko.

Habang naka upo ako naramdaman ko naman yung kalam ng sikmura ko at yung uhaw, hindi nga masyadong mainit dito sa tagaytay pero kanina pako lumalaboy laboy dito, hindi ko naman alam san ako napupunta dahil unang beses ko napunta dito.

Hindi ko alam kung bakit kusang dinadala ako ng paa ko ngayon sa isang pamilyar na luagr saakin, weird eh ngayon lang naman ako naapak ng tagaytay. Nakakamangha man isipin pero dinala ko ng mga paa ko sa isang tindahan. Karindirya sya actually. "Nene's Karinderya" "Eat all you can!" pagbasa ko sa karatula, pero parang wala namang masyadong tao, pumasok ako para maitanong kung pwede ba maki inom ng tubig at mag tanong kaso wala naman yung tindera kaya umupo muna ako.

"Sir Josh?!" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa likod na agad ko namang ikinatakot dahil baka isa ito sa katulong ni Lucas. nilingon ko yung babae at aakmang kakaripas ng takbo pero agad itong yumakap sakin at wala nakong nagawa.

"Ah, Ale Josh rin po ang pangalan ko pero hindi ko po kayo kilala at ngayon lang po ako nakatapak ng tagaytay, tiga maynila po ako." sunod sunod kong banggit.

"Ah ganon ba? nako iho pasensya na, kawangis mo kasi yung suki ko dito kaya lang mag lilimang taon na rin magmula nung nawala siya." 

"Ganon po ba? nako kawawa naman po siya."

seven daysWhere stories live. Discover now