Prologo

395 13 1
                                    

Amorie's POV

"Amorie" napaangat ako ng ulo ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko, boses ni Nelya. Ang soft ng pagkakabigkas niya dito, yung hindi mo talaga mareresist.



Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang Nellya sa paligid ko. Come to think of it, it is impossible na siya, kasi kakaalis lang niya.



Mga walong minuto palang siguro ang nakakalipas ng umalis siya eh 'that's weird' guni guni ko lang ba yun?



Si Chang Agnes lang ang malapit sakin ngayon, should I just asked her if she called me? Baka lang naman kasi siya yun, and if not then baka guni guni ko lang.



"Chang tinawag niyo po ba ako?" Tanong ko sakanya ng malapitan ko siya.



Confused siyang nakatingin sakin ngayon "hindi naman iha, bakit?" umiling lang ako, at saka bumalik sa dati kong pwesto.



I don't know but I suddenly felt this uneasiness knowing na walang tumawag sa pangalan ko, pero narinig ko nang malinaw.



"Amorie" okay! that's it!



Mabilis akong nagpaalam sa mag asawa at naglakad pauwi, no, more like tumakbo ako pauwi.



Okay lang sana yung isang beses na marinig kong may tumawag sa pangalan ko kahit na wala naman, pero yung maulit ulit? tapos boses ulit ni Nelya?



Hindi sa nag iisip ako na may nangyaring masama kay Nelya, but I can't get rid of this feeling na baka, na baka lang naman, pero sana lang wala, kasi God knows kung ano pa ang magawa ko if something ever happens to her.



Binilisan ko pa ang pagtakbo ko sa bukid, not minding my tired feet,and even though I'm slowly losing my breath.



Ang tanging imahe lang ni Nelya ang nasa isipan ko, ayaw kong mag isip ng ibang bagay dahil mas nakakadagdag lang ito sa uneasiness na nararamdaman ko ngayon.



'please sana okay ka lang'



Nalagpasan ko na ang mga kabahayan sa loob lang ng tatlong minutong pagtakbo, and in a distance, sa silong ng isang malaking puno ng mangga, I saw a figure, I finally saw her, I'm a hundred percent sure na siya yun, kahit na malayo palang ako, dahil kabisado ko na ng buo si Nelya.



Nagpasalamat ako sa Diyos at nakahinga nang maluwag dahil nakikita kong okay lang siya, na hanggang imahinasyon lang ang naiisip ko kanina.



I squinted my eyes to see her clearly, and saw that she's not alone, she's with someone else.



Binagalan ko ang pagtakbo ko ng malapit lapit na ako, hindi ko mapigilang maikuyom ang mga kamay ko sa nakikita kong lalakeng kaharap niya.



'What the hell is he doing with her?!'

When The Flowers Bloom (Girls Love)Where stories live. Discover now