Ika-walong Kabanata

78 7 6
                                    

Amorie's POV

"Ne-nelya, o-okay ka lang ba?" nangangatog na tanong ko sa babaeng nakadikit sakin ngayon.



Paano kasing hindi ako mangatog?! Jusko!!! Sobrang lapit niya sa katawan ko!



OO!!!



LAPIT AS IN DIKIT!!!



DIKIT NA DIKIT!!!



In fact, hindi lang siya basta nakadikit!



Nakakandong siya sakin ngayon paharap!



Naguguluhan ako kung bakit nangyari yun. Eh sa tancha ko hindi naman ganun katagal yung pagkidlat na naganap kanina para magkaroon ng sapat na oras para mangyari ang ganitong eksena.



Ang tanging alam ko lang, sumigaw siya, napapikit ako, at napatakip ng tenga. Hindi ko na alam kung paanong nangyari at bakit kami umabot sa ganitong sitwasyon!



Gulong gulo ang utak ko ngayon kasi nararamdaman ko eh! Ramdam ko yung ano niya! Yung ano! Basta yung malambot na ano niya! Malambot din naman yung akin, kaso iba kapag yung kanya na.



'oh my gosh! what should I do?'



"Ne-nelya?" tawag ko ulit sa pangalan niya, hinawakan ko rin siya sa kanyang balikat pero ang tanging nakukuha ko lang na response ay ang panginginig ng buong katawan niya.



Nahabag ako ng konti dun kaya hinayaan ko nalang muna ang pagyakap niya sa katawan ko. Not that I don't like it, I mean nakakatulong yung init ng katawan niya sakin ngayon para mawala ng konti yung lamig na nararamdaman ko.



Minabuti ko nalang din na ilagay ang kamay ko sa may likuran niya at hinahaplos ito nang marahan, baka sakali lang naman na mabawasan yung takot na nararamdaman niya.



'aww ang cute niya' akala ko wala siyang kinakatakutan, kasi nga di ba, yung gagamba sa cr nila, hinampas niya na parang wala lang.



"Okay ka na ba?" tanong ko ng medyo maramdaman ko na kumakalma na ang nangangatog niyang katawan.



"O-oo, pasensya na ha" tugon niya habang nakayakap pa rin siya sakin.



"Don't mention it..... ayos lang yun" hays, nakakalimutan ko talaga minsan na hindi sila nakakaintindi ng english.



Kung kanina nangangatog siya, ngayon naman naramdaman ko bigla ang pagka stiff ng katawan niya. Dahil na rin siguro sa pagkalma ng katawan niya, napagtanto na niya na ang awkward ng posisyon naming dalawa.



Mas mabilis pa sa kidlat na umalis siya sa pagkakakandong sa akin. I don't know if I should laugh, or just act like nothing happened, ang pula pula kasi ng mukha niya, daig niya pa yung freshly picked na kamatis haha.



Napamaang nalang ako ng lumabas siya na wala man lang ni kahit isang salita. Muntikan pa nga siyang maumpog sa may door frame kasi nakayuko lang siya the whole time, hindi makatingin ng diretso sakin at sa daanan niya, halatang nahihiya.



Kung ako din naman siguro yung nasa sitwasyon niya, aba magpapakain nalang ako ng buhay sa lupa, mas mabuti na yun, kaysa humarap pa ulit sa kahihiyan na ginawa ko.



Pero dahil nga nagawa niya lang yun dahil sa tinding takot, okay lang sakin yun, at least I did something to comfort her through her fears.



"That's right! yung kwento niya pala, hindi na natuloy" ano ba kasi yan, napaka perfect timing naman kasi ng kidlat na yun, hindi ko tuloy nalaman kung may kasintahan na siya.



When The Flowers Bloom (Girls Love)Where stories live. Discover now