Amorie's POV
'oh my! Katapusan ko na ba ito?!' halos lahat na ata ng alam kong bathala dinasalan ko dahil sa naghalong takot at nerbyos.
I suddenly froze on my seat, I kinda go numb na para bang nawalan ako ng control sa sarili ko, disheartened, and flashbacks instantly played into my head as I heard a loud horn, flashbacks simula noong bata ako, hanggang sa present.
Tama nga sila, when death is near, magfaflashback lahat lahat ng nagawa mo, I didn't believe that thing before, never, but now? Oh gosh! Can't believe that it's really happening!
Lahat ng masasayang ala ala ko ay nagbalik sa isipan ko in a timelapse, it's like a movie,ang kaibahan lang ako ang bida, at nakasentro lang sa mga kaganapan na nangyari sakin.
But no!
Hindi ako papayag!
I think death can wait... I still have so many things to do.
Buti nalang at hindi pa tuluyang nawala ang kakaunting kamalayan ko, maagap kong ikinabig ang manibelang mahigpit kong kinakapitan.
Nasobrahan na nga yung pagkabig na ginawa ko kasi nawala na ako sa kalsada, dumausdos ang sasakyan ko sa mabatong daan sa gilid.
Matapos kong makaligtas sa panganib ay inapakan ko ng malakas yung gas brake,tumigil na muna ako sa gilid kasi nakaramdam ako ng panghihina sa nangyari,pati nga yung tuhod ko hindi ko mapigilan sa panginginig.
"Damn! That was so close! Akala ko mamatay na ako" nakaginhawang saad ko na may pahawak pa sa dibdib ko,yung isang kamay naman nakapatong sa nanginginig kong tuhod.
Lumabas ako ng car,wala kasi akong masagap na hangin sa loob, though I know naman na talagang hindi lang ako makahinga nang maayos sa nangyari.
Hindi kasi marunong mag slow down eh, siguro kung di ko yun naagapan baka nahagip na ako, jusko nakakatakot talaga kapag nakasalubong mo yung mga kaskaserong driver, tsk. Hindi siguro yun ang aral ng TDC bago makakuha ng lisensya,kita na ngang paliko eh.
I looked back at the truck pero wala na ito, ni hindi man lang tumigil at kamustahin kong buhay pa ba ang muntikan na niyang mabangga, although nakasurvive naman ako, but still! Paano nalang pala kapag naibangga ko ang sasakyan ko sa isang puno? Oh ano nalang pala ako? Wala pa namang gaanong dumadaang sasakyan dito, baka hindi na ako masikatan ng araw bukas.
Ilang minuto din akong nagpark sa gilid ng kalsada,at nang makabawi ako sa panghihina at panginginig ay nagpatuloy na ulit ako sa pagmamaneho. Ngayon ko lang din naramdaman yung pagod ko kasi kanina pa ako nagdadrive, minsan lang ata ako nagstop over para magpahinga eh,nung kumain lang ako ng lunch. Akalain mo yun? Halos limang oras na pero nakakaya ko pa rin magdrive? Haha amazing.
Who am I kidding? Wala namang amazing doon dahil kamuntikan pa akong mamatay. Ni hindi ko nga alam kong dapat ba akong maging thankful o maging hateful dahil sa dinanas kong katakot takot.
Kaso ano na naman to? gusto ko nalang ulit magmura ng paulit ulit kasi magtatatlong oras na naman ang nagdaan hindi pa rin ako nakakarating sa destinasyon ko.
"What the freaking hell! Don't tell me na pumalpak na naman itong gps na to?!" nababanas ako sa totoo lang.
Wala na nga akong nadadaanan na kabayahan eh kahit nga sasakyan wala na akong nakakasalubong, nasaang lupalop na ba ako ng pilipinas?! Baka naman nandito na ako sa pinakatuktok?! Or worst baka naman wala na ako sa pilipinas?!
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...