Ika-Apat na Kabanata

91 10 1
                                    

Amorie's POV

Napabalingkwas ako ng tayo dahil bigla kong narinig ang boses ni mama. Lumingon lingon ako sa paligid, sinusubukang hanapin kung saan nanggaling yung boses.





"Mama ikaw ba yan?" oo alam kong imposible yun, but I'm so desperate dahil sa sitwasyon ko ngayon.





Nabuhayan ako ng loob ng may natanaw akong isang pigura ng tao sa hindi kalayuan, naglalakad siya ngayon palayo, papasok sa kakahoyan.





I know I know, hindi dapat sundan dahil hindi naman tiyak kung ano ang mangyayari sakin, pero wear my shoes first, let's see kung hindi niyo gagawin ang gagawin ko.





Naglakad ako sa direksyon kung saan ko nakita ang isang maliit na pigura ng tao, sinundan ko lang nang sinundan para sana hindi mawala sa paningin ko, pero ilang sandali lang ay hindi ko na siya mahagilap.





"What the heck! Asan na siya?!"




Mas binilisan ko pa ang paglalakad para abutan siya, ni hindi ko nga namalayan na nakalayo na pala ako sa sasakyan ko.




'way to go Amorie, mas iwinala mo lang ang sarili mo' tss





Yung pag asa kanina na naramdaman ko nawala na na parang bola dahil sa hindi ko na mahagilap pa yung yung nakita kong tao kanina. Bagsak ang balikat kong naglakad pabalik sa kung saan man ako galing kanina.




'nakakaiyak talaga'




Ayoko man pero hindi maiwasang mamuo ng mga luha sa mata ko, pinunasan ko nalang ito bago pa tuluyang bumagsak.




I'm a grown woman, hindi ako yung tipo na maiiyak lang dahil sa ganitong bagay. Kung walang gas, walang reception, at walang tutulong, maglalakad nalang ako pabalik kahit gaano pa yan kalayo.




"Iha ayos ka lang ba?" boses ng isang matanda.





Napaiktad ang katawan ko dahil sa boses ng isang matanda pati na din ang bahagya niyang paghawak sa balikat ko.





"Oh gosh! Wag naman po kayong manggulat ng ganyan" nagitlang saad ko. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko habang nakatingin sakanya,ikaw ba naman ang makarinig at mahawakan bigla sa gitna ng kawalan.





"Pasensya ka na iha, napansin ko kasi na mukha yatang nawawala ka" nakaramdam ako ng pagkahabag, medyo napalakas kasi yung boses ko eh concern lang naman sakin yung matanda.





"Pagpasensyahan niyo rin ho ako, nagulat lang naman po ako" hingi ko ng paumanhin and this time I'm already calmed.





Ngayon ko lang din napansin ang kabuuan ng matanda, malayo siya sa naimagine ko kanina noong sinusundan ko pa siya, akala ko nga matandang lalake yung nakita ko kanina dahil na rin siguro sa suot niyang head dress.





May suot na lumang duster ang maliit na matanda, nakaslippers na halatang luma na din at nagdaan na sa maraming kaputikan dahil sa itsura nito, yung suot niyang head dress parang luma lang din na damit pangontra na rin siguro sa sikat ng araw. And last thing, may dala siyang isang hand woven na basket, at may mangilan ngilan na laman, I'm just not sure kung ano ang mga yun.




"Nawawala ka ba iha?" tanong niya pa ulit, oo nga pala muntikan ko ng makalimutan yung dahilan kung bakit ko siya sinundan.




"Hindi naman po nay, magtatanong lang sana ako sa inyo kung may alam ba kayong malapit na gasolinahan dito, nawalan kasi ng gas yung sasakyan ko" mahabang paliwanag ko.




When The Flowers Bloom (Girls Love)Where stories live. Discover now