Amorie's POV
SHIT SHIT SHIT!!!
Napamura nalang ako nang malakas sa sarili ko dahil sa nilalang na may walong paa sa harapan ko.
OO PESTE!!! ISANG MALAKING GAGAMBA!!! as in malaki, para na nga siyang tarantula sa sobrang laki!
"Waaahhhhh!" nagtititili ako na para bang nakakita ng isang multo, nabitawan ko pa ang tabong hawak ko at nalaglag ito pabalik sa timba dahil na rin sa gulat sabayan mo pa nang takot na baka tumalon bigla ang tarantula, I mean gagamba sa mukha ko.
Kung may pinakaayaw man akong insekto, nangunguna ang gagamba at ipis doon. Sino ba naman kasi ang may gusto sa mga insekto na 'to? Hello?! Nakakakilabot maisip ko palang na gumagapang sila sa katawan ko!
Masyadong nagulo ang sistema ko dahil sa malaking gagamba na kaharap ko para makapag isip pa nang maayos, wala naman kasing taong makakapag isip ng tama kapag nakaharap bigla ang kinakatakutan nila. Mabilis kong hinawi ang kurtina at tatakbo sana sa labas ng biglang sumalubong sakin papasok si ganda.
I can't think straight as of this moment kaya napayakap ako sakanya mula sa tagiliran. I actually didn't mind kasi nga pareho kaming babae, at ang mas mahalaga ngayon ay ang hindi ako matalunan ng pagkalaki laking gagamba na nasa dingding.
"Ano ang nangyari?" worried na tanong niya na may halong pagtataka. Sinulyapan ko siya saglit at pagkatapos ay nanginginig na itinuro ang salarin na hindi man lang nasindak sa pagtiling ginawa ko.
Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ko at ganun nalang kabilis nawala ang takot ko dahil sa nakatakas na tinig galing sakanya na nagmistulang parang isang musika, I mean tawa pala. Sa sobrang ganda kasi nakakaantig pakinggan, I was absolutely stunned again at siya pa rin ang dahilan.
Natanggal nalang ang pagkakatitig ko sakanya ng bumalik ang tingin niya sa akin na may malapad na ngiti, tumungo ako at mabilis na humiwalay mula sa pagkakayakap sakanya. Ewan pero nahiya ako bigla.
"G-gagamba lang pala" I'm not sure kung nag stutter ba talaga siya o baka dinadaya lang ako ng pandinig ko kaya muli ko siyang tinignan and this time siya naman ang napaiwas ng tingin.
I caught a very small glimpse of her face bago pa man siya makaiwas, and I can't help but wonder kung bakit ito namumula. Kahit pa hindi siya kaputian, mahahalata pa rin ang pamumula ng mukha niya.
'mainit ba sa labas?'
Naglakad siya palapit sa gagamba at hinampas ito gamit ang tsinelas na gamit niya, kahit pa na ayaw ko sa gagamba ay hindi ko pa rin maiwasang mahabag sa sinapit nito, 'kawawa naman yung spider,wala na nga siyang ginagawa nadikdik pa'
Tahimik lang siyang lumabas,walang lingon lingon, ni hindi man lang niya hinintay na makapag thank you ako saglit.
'ang cold naman niya'
Nagkibit balikat nalang ako at itinuloy ang naudlot kong pagligo. Tinanggal ko na rin sa isipan ko ang gagamba kaya napanatag na ang kalooban ko at itinuon ang buong atensyon ko sa pagbuhos ng malamig na tubig sa hubad kong katawan. Napakarefreshing sa pakiramdam, sa ngayon ito na muna ang kailangan ng katawan ko, makakatulong ito para mapagaan ang kalooban ko.
Ilang minuto din akong nanatili sa loob ng paliguan, at nang matapos nga ay wala akong nakitang magandang dilag sa labas 'asan siya? umalis na ba?'
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...