Amorie's POV
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng ulan na tumatama sa bubong na gawa sa dayami.
Malakas pa rin ang tunog ng ulan na tumatama dito kahit pa na hindi ito gawa sa yero na normal ng nakikita sa syudad.
Medyo madilim pa rin sa paligid, mukhang ilang oras lang ata ang tulog ko simula ng magising ako kanina dahil sa napanaginipan ko.
May naririnig din akong kaluskus na nagmumula sa kusina, which I think may nagluluto ata.
Naisipan kong kunin ang selpon ko para sana tignan kung anong oras na kaso naalala ko na lowbat pala ito, at wala namang kuryente dito para makapag charge kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.
Nilingon ko kung saan nakahiga si Nelya, pero wala na siya, bakante na ang sahig, nakatupi na rin ang higaan niya. 'hmm ang aga naman niya'
Dismayado akong bumangon mula sa pagkakahiga ko, at inayos na rin ang higaan ko.
'bakit na naman ako nadidismaya?'
'I think disappointed ata ako dahil sa lowbat na phone ko sabayan mo pa ng ulan na palakas nang palakas'
Tumango tango ako sa naisip ko, oo yun lang yun, wala ng ibang rason pa.
Lumabas ako ng kwarto habang kinukusot ko ang mga inaantok ko pang mga mata. Syempre para matanggal na rin yung muta ko, kakahiya naman kapag nakita pa ng iba.
Nadatnan ko si chang agnes na abala sa pagtitimpla ng kapeng barako. 'opo, barako, wala ata sa bukabularyo nila ang gatas, o creamer, maski nga asukal wala eh' pero in fairness ha ang bango, amoy mais na bagong luto.
"Oh magandang umaga iha, halika at magkape ka muna" aya niya sakin.
"Magandang umaga rin ho chang" pabalik na bati ko naman habang lumilingon sa paligid na para bang may gustong makita.
"Kamusta naman ang tulog mo iha?" tanong pa niya sabay abot sakin ng umuusok na tasa ng kape.
"Ayos naman po chang" tugon ko sakanya, habang humihigop ng kaunti sa tasa ng kapeng hawak hawak ko na sobrang tapang, yung tipong mas matapang pa sakin.
Ngayon ko lang din napagtanto na sobrang lamig pala ngayon dito, manipis lang din kasi yung suot kong pajama.
"Asan pala sila chang?" curious na tanong ko kay chang na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko, ang tahimik kasi dito, halatang wala si chong pablo at gan- Nelya. Kaso alangan naman na lumabas sila eh ang lakas lakas ng ulan sa labas,well not unless mas matapang sila sa barakong iniinom ko.
"Nagpunta saglit sa bukid ang maglolo iha para tingnan ang sitwasyon doon, nababatid ko kasi na hindi agad titila ang malakas na ulan,ito na yata ang hudyat ng pagsisimula ng matagal tagal na habagat" narinig ko ang pagbuntong hininga ng matanda.
Nag aalala siguro sa mga tanim nila, pati na rin sa maglolo na sinuong ang malakas na ulan para masigurado na okay pa ang mga pananim nila.
"Oo nga chang, parang may paparating pa atang bagyo sa lagay nato" nakaramdam naman ako ng konting lungkot dahil maududlot pa ata ang lakad namin ngayon dahil sa ulan.
Sa dinami rami ng araw, ngayon pa naisipan ng mundong magbuhos nang malakas na ulan, I feel like I'm being mocked by the whole world.
"Pasensya ka na iha, mukhang hindi tayo matutuloy ngayon dahil mapanganib ang daan papunta sa kabilang bayan" agad naman akong umiling iling dahil sa nasabi ng matanda.
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...