Amorie's POV
'Vens?'
'sino yun?'
Pilit kong inaalala kung may kakilala ba talaga kaming Vens, pero bakit ganito? I can't think of anyone whose name is Vens, baka si phoebe at gab lang nakakakilala.
"Vens? As in yung kalaro natin na vens dati?" tumango si phoebe kay gab, ahh mukhang sila nga lang ata nakakakilala,wala kaming ideya pareho ni elena.
Uminom na lang muna ako sa basong hawak ko habang naghihintay ng kwento niya, kaso natapos na ako sa pag inom at naibaba ko na rin yung baso hindi pa rin siya nagsasalita, kaya nag angat na ako ng tingin.
Nagtaka ako bigla dahil nakatingin silang dalawa sakin, I mean tatlo pala, pati na rin si elena na halatang wala pa ring ideya.
"Bakit kayo ganyan makatingin sakin?" natatawang tanong ko, tinignan lang nila akong dalawa ng hindi makapaniwala "okay? ano bang meron ha?"
"You seriously don't remember Vens?" tanong ni phoebe sakin ng hindi pa rin makapaniwala.
"Wala akong kilalang tao na nagngangalang Vens phibs" naiiling na tugon ko, totoo naman kasi, sino ba yun para ganun nalang sila makareact?
"My gosh Amorie, si vens, yung kalaro natin dati na halos hindi maihiwalay sayo sa sobrang close niyong dalawa, siya nga din yung reason kung bakit ka naak-" hindi niya natapos ang kung ano mang sasabihin niya dahil siniko siya ni gab. Napaisip ako sa sinabi niya,teka wala talaga, nagkaroon ba ako ng amnesia? Oh right!
"Seriously girls, wala akong maalalang Vens" really clueless here.
"Di mo talaga maalala mory? yung kaibigan natin na nagmigrate sa states?" at pagkasabi ni gab nun ay may pumasok sa isip kong isang vague na imahe ng chubby na bata.
"You mean si Muffin?" tumango silang dalawa sakin, ayun naguguluhan pa rin si elena na nakatingin haha.
"Oh yeah nakalimutan ko, iba pala ang tawagan niyong dalawa,sa sobrang close niyo may endearment pala kayo" saad ni gab na halatang may inggit ng konti.
"Ano ka ba, matagal na yun, at saka nakalimutan na ako nun noh" pasimple ko pa siyang niyakap sa bewang para hindi na magtampo, napakamatampohin pa naman ng kaibigan kong ito. Di ko din naman siya masisisi kasi nga mas nauna ko siyang naging kaibigan dati pero nung nakilala namin si Vens,or whatever the name is, sa akin talaga siya napalapit ng husto, at parang naging madalang nalang yung pagsasama namin dati nina gab at phoebe, well ayun sa mga kwento nila kapag nagrereminisce kami.
Actually, inilihim ko ito sakanila, I never said anything about it, but the truth is, fuzzy ang memorya ko about kay muffin.
"Bakit mo nga pala natanong si Vens phibs?" tanong ni gab ng mawala na yung tampo niya. Binigyan na rin ni phoebe si elena ng ideya tungkol kay Vens para naman hindi na siya maguluhan na pasalin salin ang tingin saming tatlo.
"So ayun nga, nagkita kami sa isang italian resto noong isang linggo, halos hindi ko nga marecognize na siya yun kasi my Gosh! Maniwala kayo sa hindi ang laki na ng ipinagbago niya" tumigil na muna siya saglit sa pagkwento para uminom.
Ikaw ba naman lumaki sa states di ba? Tignan natin kung di ka mag super duper glow up.
"Then paano mo siya nakilala if ibang iba na ang itsura?" naguguluhang tanong ko.
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...