Amorie's POV
"Bakit?" mahinang tinig na nagmumula sa harapan ko, malapit sa may pintuan.
Napahawak pa ako sa bandang dibdib dahil sa gulat, akala ko kasi wala siya, ni hindi ko man lang kasi naramdaman yung presensya niya,nanggaling pa naman ako kanina doon malapit sa kinatatayuan niya.
Hindi ko siya maaninag dahil sa bumabalot na dilim sa loob ng silid, kaya naningkit ng konti ang mga mata na napatitig para masigurong nandun nga siya, malay natin multo pala tapos kaboses lang niya.
"Nakakagulat ka naman nelya, bakit pala diyan ka nakatayo? Kanina ka pa ba diyan?" sunod sunod na tanong ko ng masigurado kong siya nga, naka adjust na kasi ang paningin ko sa dilim kaya nakikita ko na ang kabuuan ng silid. Nakahalukipkip siya ngayon habang nakasandal sa kahoy na dingding.
"Bakit?" tanong niya pa ulit ng hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Anong bakit?"
"Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit mo iyon nagawa" agad naman na bumalik ang eksena kanina sa may kusina, yun ba? I think yun nga.
"Wa-wala naman, baka lang naman kasi giniginaw ka, ang iksi pa naman ng suot mo" sus palusot mo Amorie! Saan ka nakakita ng concern na may halong haplos?
Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun, mga ilang saglit din siyang natahimik hanggang sa gumalaw siya.
Naglalakad siya ngayon, oo naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.
Ang alam ko bago ako pumasok dito nilalamig pa ako, pero bakit ganito? Habang tinitignan ko kasi siya nakakaramdam ako ng kakaiba, ibang iba ang dating niya ngayon kung matitignan niyo lang siya.
Mapupungay ang hugis almendra niyang mata na tagos ang tingin sa pagkatao ko, okay? Bakit ganyan siya makatingin?
Lumalalim nang lumalalim ang paglunok ko sa bawat paghakbang na ginagawa niya, a-ano naman kaya ang gagawin niya? Babawi ba siya sa kalokohang ginawa ko kanina?
But that's impossible! Ano ka ba! Napakahinhin niyang babae, napakamahiyain pa.
"Ne-nelya?" jusko bakit na naman ako nautal?! Should I just run outside?
It's too late though, nasa mismong harapan ko na kasi siya,nakatungo ang ulo at nakatingin ng diretso sa mukha ko.
Napatingala nalang ako na hindi sigurado sa kung ano ang mararamdaman at gagawin ko. Ramdam ko ang init na sumusungaw sa katawan niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Kung ako sayo Amorie, hindi ko na dapat ginawa ang bagay na iyon" namamaos na saad niya.
At halos mapasigaw nalang ako nang mabilis niya akong itinulak pahiga sa higaan. 'aray ko ha, hindi pa naman ito malambot,ang sakit sa likod'
And guess what?
Yes, you're absolutely right! Tama ang imahe na nasa utak niyo! Nakahiga ako ngayon at nakastraddle si nelya sa may bandang bewang ko.
Doon ako nagsimulang hindi mapakali "hu-huy ano ba, ang bi-bigat mo nelya" saway ko at pilit na itinutulak ang katawan niya pa gilid, pagilid lang, ayoko namang itulak siya palikod baka mahulog pa siya sa sahig.
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...