Amorie's POV
"Sino ka?" napalingon agad ako sa gilid ko kung saan nanggaling ang mahinhin na boses ng isang babae.
Napakurap kurap ako,daig ko pa yung napuwing, para tuloy may sira ang mga mata ko ngayon, nakapako lang kasi ito sa taong nakatayo sa harapan ko.
I think my eyes are currently deceiving me! Damn!
Alam kong babae ako pero hindi ko mapigilang mastarstruck sa taglay niyang kagandahan. I am completely stunned, seriously!
Nakatayo lang siya sa may hagdan, hindi pa siya tuluyang nakakaakyat actually,dahil na rin siguro sa nakita niya ako,well if I were in her shoes magugulat din ako kung may nakita akong stranger sa harapan ng bahay namin,pagdududahan ko pa kamo. Teka pala, dito ba siya nakatira?
'is it possible to be this pretty? Hindi lang pretty, I'll rephrase it with gorgeous'
Siguro hindi ko lang inasahan na sa ganitong kalayong lugar, kaliblib na nayon, ay may naninirahang isang babaeng may natatanging ganda. Nasa isip ko kasi ang normal na imahe ng mga taga barrio, yung simple, hindi masyadong outstanding, kumbaga typical na filipino, not that I'm degrading my origin ha, I'm just saying,I just can't believe my eyes. Though, mas maganda pa rin ako sa tingin ko.
Magkasingtangkad at siguro magkasing edad lang kami kung titignan, mahaba ang itim niyang buhok na may pagkabrown ng konti, at napakabreathtaking ng mga mata niya na hugis almendra,nakakainggit. Hindi siya kaputian, kumbaga typical na kulay ng mga taga barrio,kulay kayumanggi but nevertheless, it doesn't make her less beautiful, nakadagdag pa nga eh.
Nakikita kong bumubuka at sumasara ang bibig niya, nagsasalita siya oo,kaso para siyang nakasilent mode, hindi ko siya marinig, nabingi ako bigla.
"Oh Nelya apo nandito ka na pala" naputol ang pagkatulala ko sa gandang taglay niya dahil sa pagdating ng matanda mula sa likuran ko, hindi ko pa pala alam kong ano ang pangalan niya,jusko what a great person nga naman ako oh.
"Mano po inang" umakyat na siya nang tuluyan mula sa hagdanan at lumapit sa matanda. Nagmano siya, at bumaling ulit sakin na puno ng pagtataka sa mukha," inang sino po ang ating panauhin?" tanong niya, pero inunahan ko ng magsalita ang matanda, di pa kasi kami nagpapakilala sa isa't isa maalala ko, nakaligtaan namin na banggitin yun sa pagmamadali na rin naming makarating dito kanina.
"Hi I'm Amorie Lucille Lopez, from manila" pakilala ko, inextend ko rin ang isang kamay ko para makipaghandshake sana kaso nakatunganga lang sila dito, teka naguguluhan ako,bakit? Hindi ba uso dito ang pakikipagkamay?
Hindi ko na mahintay pa na kunin niya ang kamay ko kaya ako na mismo ang kumuha sa kamay niya, ako na rin mismo ang gumalaw ng mga ito,dahil mukhang tuliro din siya sa mga nagaganap kagaya ko.
"Tawagin niyo nalang po akong Amorie para mas madali" saad ko pa ulit ng mabitawan ko na ang kamay niya, hindi siya ganun kalambot, medyo magaspang.
"Amorie pala ang pangalan mo iha, hindi ko man lang nakuha dahil sa pag aatubili kong makauwi na rito sa aming tahanan" ngumiti ako sakanya para ipahiwatig na hindi naman yun problema "ito nga pala ang aming nag iisa apo,si Nelya at tawagin mo nalang akong chang ines dahil iyon ang tawag nila sa akin dito sa aming barrio" napatingin ako sa apo niya na kanina pa nakatingin sakin na halatang sinusuri ang kabuuan ko, ngayon lang ba siya nakakita nang maganda? Maganda din naman siya ah.
'nakakaconscious tuloy' but I kinda get it, naninibago lang siguro siyang makakita ng panauhing sing ganda ko.
YOU ARE READING
When The Flowers Bloom (Girls Love)
RomanceAmorie Lucille is lost but where exactly? She's lost to a place, where going back to her normal life is just impossible to do. She's lost to a place, where everything is new to her . She's lost to a place, but found something that she never knew exi...