Fifteen years old ako na magsimula naging eratiko ang pintig ng puso ko. Nakakatawang isipin na hindi ko pa maayos na maikabit ang napkin ko sa panty ko ay may pa-inlove inlove na akong nalalaman.Na may linya pa akong "Mamahalin kita maging sa ako'y hindi na makalakad." at "Ipaglalaban kita kahit dumaan man ang lahat ng pagsubok." Na sasagutin din nya ng "Hahamakin ko ang lahat makasama ka lamang."
Its very awkward for you to hear. Nakakakilabot diba? Maiisip mo. "Ang landi naman nito, hindi nga ma explain ng maigi ang essay sa Hekasi e kung makasagot sa Slambook ng Define Love?"
What is Love ba talaga?
Love is like a rosary full of mystery.
But for me,
Love is Him.
"Miss Kate Bermudez? Are you excited for recess or are you want to clean the whole oval field?" napaangat ako ng tingin sa kay Maam Terampa our Hekasi Teacher.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng klasroom at napagtanto na all eyes on me pala. Napalunok ako ng laway at dahan-dahan na tiniklop ang Slambook na pinasagutan ni Tiffany sakin.
"Kate?" siniko ako ni Lassy.
Nakangisi naman sa akin si Aslana. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila.
Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen ng maglakad patungo sa direksyon ko si Maam.
"Oh my Gosh." bulong ni Dealine.
Mga loka itong mga kaibigan ko. Kanina kasing wala pa si Maam tinapos nila ang pagsagot sa Slambook tapos noong dumating si Maam ako na daw ang hindi pa nakakapag entry.
"Are you listening to what i am talking Miss Bermudez?" tanong ni Maam na nasa harapan ko na.
"O-opo." kagat labing sagot ko.
"Kung ganoon asan na nga ba ang topic natin?" Napaangat ako ng tingin kay Maam.
Naku lagot ako! Katulad nalang ng ibang estudyante na nahuhuli ng teacher na may ibang ginagawa o hindi alam ang sagot dahil hindi nakikinig.
Hindi naman boring si Maam. Yun nga lang may mas interesadong topic akong pinagkaabalahan.
Lumampas ang tingin ko kay Maam at dumiretso sa kisame. Pilit naghahanap ng sagot sa Puting kisame ng klasroom. Nag-aaway na butiki ang naka agaw sa aking paningin.
Naisip ko si Gu Junpyo at Geum Jandi. Bakit kahit ganun sila kainis sa isa't isa ay natutunan nilang magmahal ng hahamakin ang lahat kahit ang ipagtabuyan ng magulang makasama ka lamang.
Pinaibabawan ng isang butiki ang kanina'y kaaway na butiki. This time napasok sa isip ko si Cristian Grey at Ana Steele. Love change a Lost Person; When you feel that you dont deserve to be Loved and you cant Love anyone. Unexpectedly, someone will come and Love you uncondionally-That love no hold bars and no bounderies.
Napangiti ako.
"KATE BERMUDEZ!"
Napaigtad ako ng tumaas na naman ang boses ni Maam. Nagkamot ako ng batok.
"Pacensya Maam, mas trip ko kasing sagutin ang tanong na Define Love at What is Love kesa makinig kung saan nagsimula ang origin ng tao. Kung titignan ko kasi sa salamin, wala naman akong makita na may pagkakapareho kami ng unggoy. Kaya naniniwala ako na ang tao ay nilikha ng Dyos na maganda." walang paligoy-ligoy na sagot ko.
"What the!" tigalgal si Maam.
Pero dinig ko ang hagikhikan ng mga kaklase ko. Sikuhan ng mga kaibigan ko at pag thumbs up ng Basketball team captain Ireland Ramos. Dinilaan ko sya. Pacute e.
BINABASA MO ANG
MAYBE THIS TIME
General FictionKate Bermudez is an ordinary Princess. Brix Presston is a real Prince. Nakatakda sa isa't-isa, pero bago ang lahat may ibang pangarap ang Prinsipe, walang nagawa ang Princesa kundi pagbigyan ito. Sa kalayaang kanyang hinangad? Makaka...