TILL I MEET U

365 12 4
                                    

Malungkot kong tinignan ang mukha ni Brix, oo walang makikitang reaksyon sa mga mata nya pero ang pag-igting ng kanyang panga at paghigpit ng hawak nya sa kamay ko ay tanda na ayaw nya rin ang nangyayari pero wala na kaming magawa.

"Zalea? patawad...." pinisil ko ang kanyang kamay.

"Alam mo ilang beses kanang nag-sorry sakin." sabi ko.

"Kung hindi sana ako isang tangang Prinsipe, sana...sana Zalea ikaw parin ang aking Princesa." lumingon ito sakin.

Tumulo ang luha nya, itinaas ko ang aking kamay para pahirin ito.

"Ang tanga...tanga...tanga ko. Bakit ba kasi ako naghangad ng ordinaryong buhay? Na alam ko sa simula palang na pagtapak ko sa mundo may ibang buhay akong dapat tahakin. Nasa akin na lahat, pero bakit tinulak ko itong lahat palayo? Ngayon ang isang bagay na kinakapitan ko nakatakdang mawala?" sabi nya.

Nahugot ko ang aking paghinga sa mga sinabi ni Brix, parang sasabog ang puso ko sa tindi ng pagmamahal. Napaka sakit lang isipin na ang Pag-ibig na matagal kong hinanapan ng oras, ng tyempo at ng paglago mauuwi lang pala sa wala.

Kailan ba talaga magiging pwede? Kailan ba talaga magiging tama? Kailan ba pwedeng maging masaya?

"Bakit hindi ako naging katulad mo? Na kaya akong ipaglaban, naiinggit ako Zalea, kasi kahit mahal mo ako nakaya mo akong palayain. Nakaya mong magsakrisyo para sa kaligayahan ng mahal mo. Hindi ako naging matapang, patawad kung hindi kita minahal ng lubos noon kasi mas tinutukan ko ang pagmamahal sa sarili ko. Ngayon nagsisi ako, kasi kaya kong ipagpalit ang lahat kahit kalayaan ko maging akin ka lamang."

Hinila ko na ang bisig ni Brix at mahigpit itong niyakap. Hinimas nito ang likod ko at sinubsob ko na naman ang mukha ko sa leeg nya.

"Zay? Mahal na mahal kita...."

Tumango ako habang patuloy sa paglandas ang luha ko. "O-oo...alam ko y-yun..."

"P-pero diba? Hindi na ako bagay sayo."

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan mabuti ang mukha ni Brix.

"Xy?" sabi ko.

Inangat nya ang kamay nya at kinapa ang mukha ko. Napapikit ako noong madama ko ang init ng haplos ni Brix.

"Magiging okay ako Zay." damang-dama ko ang bigat sa tinig nya. Kaya napamulat ako.

"B-brix?" nauutal kong sabi.

"Mahal na mahal kita Zalea. Pero hindi ko na deserve yang pagmamahal mo. Ayoko ng maramdaman na nasasaktan ka at umiiyak dahil sakin. Ilang taon kana bang ganyan?" mga katagang nagpayuko sakin.

"Simula noon pa, naghintay at pinaglaban mo na ako, naisip ko Zay, am i worth it?" napasinghap ako.

"Am i worth for this battle Zay? Zay, let go of me, k-kahit ayokong bumitaw sayo..."

"Xy....ayoko..." umiling ako.

Hindi, A.YO.KO. buong buhay isang tao lang ang pangarap kong makasama habang buhay, isang lalaki lang gugustuhin kong maging Ama ng mga anak ko.

Isa akong Princesa, lahat dapat ng gusto ko dapat nilang tuparin, walang Princesa ang dapat nahihirapan, walang Princesa ang dapat nagsasakripisyo.

"Malayo pa ang lalakbayin mo Zalea, hindi ka na pwedeng tumigil, lumingon at bumalik dahil lamang sa pagkapit mo sakin. Dahil ako? Hindi na ako makakaalis dito. Marami akong pangarap para sayo Zalea, pero alam mo ang masakit?" humigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Brix.

"M-masakit Zay, kasi natutunan ko na ang mangarap na masaya ka sa bagong buhay, na hindi ako ang kasama mo. Dahil simula ng wala na akong makita tumigil na akong mangarap para sa sarili ko. Ikaw. Ikaw Zay, ang kasiyahan mo ang pangarap ko." sabi pa nya.

"Siguro nga wala talaga tamang panahon, hindi natin ito dapat hinihintay dahil bawat oras ay tama nasa atin na ang desisyon kung tataya na ba tayo." sabi pa ni Brix.

"Sa dalawang taon ko dito sa foundation marami akong narealize. Alam mo ba lahat sila, bata o matanda pangarap ang maging isang Princesa o maging isang Prinsipe. Ang makakita ng Palasyo. Habang nakikinig ako sa mga pangarap nila doon na napagtanto ang mga pagkakataon at opurtunidad na sinayang ko." pumaling ang ulo ni at humarap sya sa mga batang naglalaro.

"Ang tagal kung naghanap kong saan ako sasaya kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Happiness, nakalimutan na ang Happiness pala ang taong mahal ko at mahal ako." magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

"Youre such a perfect Lover Zay, Nakakabilib na walang silang karapatang sumbatan ka kung bakit hanggang ngayon nandito ka parin sa tabi ko." pumaling ang ulo nya paharap sakin.

Sunod-sunod na naman ang luha ko sa pagbagsak.

"Wala silang karapatan sumbatan ka, pero ako sinusumbatan ko ang sarili ko...hanggang kailan kita papaasahin na babalikan kita, hanggang kailan kita kayang ikulong? Kaya Zay, P-pina....pinalaya na kita...." nauutal nyang sabi.

Muli akong yumakap sa kanya. "Xy....kaya pa....kaya ko pa..." humihikbing sabi ko.

"Zay, naalala mo sabi mo balikan kita dahil dala ko ang puso mo? Ngayon Zay, binabalik ko na pero sorry hindi na buo ha, pinapakawalan kita pero sorry hindi ko pa kayang ibalik ang puso mo ng buo." sabi nya.

"Pause, muna Zay, maghanap ka muna ng iba. Hindi pa ito Game over pero gusto kong bitaw ka muna. Ayokong dumating ang panahong pagod na pagod kana at titigil kanang magmahal. Ayokong mapagod ang puso mo." humigpit ang yakap nya sakin.

Yumakap lang ako sa kanya. Gusto kong iproseso sa isip at puso ko ang lahat.

Kaya ko bang magmahal ng iba? Kaya ko bang bumuo ng bagong pangarap? Kaya ko bang mag-alaga ng mga bata na hindi si Brix ang Ama? Kaya ko bang matulog sa isang higaan na hindi si Brix ang kayakap? Kaya ko bang manumpa sa harap ng Dyos na hindi si Brix ang katabi? Kaya ko bang magsuot ng singsing sa daliri ng iba?

Ang tanong ko ngayon: Kaya ko ba?

"Xy, kung bibitaw ako ngayon...magsisimula ako ng bago. Bubuo ako ng bagong ako. Sa pagbuo ko ng bagong ako, k-kailangan kitang tanggalin sa sistema ko....Xy-xy? Kaya ko ba? Kaya ko ba ha?!" napapikit na ako at sumubsob sa balikat nya.

"Oo naman..." gumaralgal ang boses nya. "O-oo naman...yakang-yaka."

"Pag hindi ko kinaya, wala kang magagawa kundi tanggapin ako ha?" sabi ko.

"Oo....oo Zay..." sabi nya.

"Xy...i really...really Love you." ako.

Napatawa si Brix. "Someday, someone's gonna Love you, the way you wanted me to Love you. Someday someone's gonna take my place. Someday, you'll forgot about me, i know...someday...and you have to start that Someday...Today." sabi nya.

Kunot noo akong bumitaw sa yakap nya hinarap ko ito at pinahid ang luhang pumatak mula sa mga mata ni Brix.

Pinasadahan nya ng titig ang mukha ni Brix. Ang mga matang dati kita ang pagmamahal sa kalayaan. Ang ngiti nya na nagpa laglag ng puso ko.

Ang taong pinaka mamahal ko pero nakatakda kong pakawalan. Ang isang taong handa kong kapitan hanggang sa huli humihingi ng pabor para palayain sya.

Sabi nya palayain ko sya pero nakakatawa sya dahil sya daw hindi ako bibitawan. Paniguradong masasaktan sya kapag pinakasalan ko ang kapatid nya, pakakawalan ko daw sya para sumaya daw ako.

Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

"It does'nt make any sense to me, you want me to let you go but you will still hold on to me. You want me to let go because you wish for my happiness, dont you know that you are my Happiness?" tanong ko.

Hinila ni Brix ang kamay ko para muli mayakap.

"Someday...someday...its gonna make sense." sabi pa nya.

Sana nga....

Pero dapat pa ba akong kumapit sa tamang panahon?

Kailan kaya mangyayari ang lahat?

Maybe, sa desisyon ni Brix.

Its still not the right time.

*****

MAEJESTY

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon