"It must have been Love,
but its over now,
It must have been Good,
but i Lost it somehow...
It must have been.
Must have been...
"LOVE." napangiti ako habang inilalagay ni King Bren ang korona na simbolo ng bansang Niashin sa ulo ni Prince Fren-my husband.
Completo ang buong delegado ng mga bansang kaalyansa ng Niashin.
Katabi ko ang aking pamilya. Sa likuran namin nakaupo ang delegado ng Amerika at United Kingdom.
Ang araw na ito ay isa sa pinaka makasaysayang pagkakataon sa Niashin. Sa Edad na Fifty three pinili ni King Bren na magpahinga at libutin na ang buong mundo kaya sa edad na Twenty Eight at isa sa pinakabatang maghahari sa kasaysayan ng buong mundo si King Fren Aubert Presston.
Masaya ako dahil hindi naman mahirap pakisamahan si Fren, makulet at sakit sa ulo. Yung girlfriend nya? Hiwalay na raw sila, ayun sa kanya susubukan nya raw maging responsableng pinuno.
Tsk. Mabuti naman naisip nya yun.
I like him.
Hindi mahirap magustuhan ang isang tulad nya. Hindi pa ganun kalalim ang nadarama ko towards him, pero malapit na konting tyaga pa.
I decide to give this a shot. Kung ang Playboy na si Fren iniwan ang lahat ng luho para maging responsableng pinuno, bakit hindi ko rin gawin ito?
"Please have a seat, and hear the message of our newly crowned King. Lady's and Gentlemen's, People of Niashin a round of applause to King Fren Aubert Presston.
Isang masigabong palakpakan ang namayani, marami rin ang bumati sa akin dahil sa bagong karangalan ng aking Asawa.
"Congrats Prince---oh, sorry should i say Congrats Queen Kate Zalea Bermudez Presston." napangiti ako at nakipagkamay sa Presidente ng Australia.
"Thank you so much Mr. President." sabi ko.
Marami pa ang bumati at lahat sila kinamayan ko at pinasalamatan.
Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa upuan ng mga Presston.
Nandoon sya. Tahimik at nakaupo. Walang reaksyon sa mga nangyayari. Para syang panauhin na tinapatan ng ilaw, ngayon biglang nanakawan ng liwanag.
Matagal akong nakatayo doon, ilang mesa ang naka distansya, diretso lang ang tingin nito. Napansin ko rin nakaupo ito sa wheelchair.
"Queen Kate!"
"Huh?!"
Nagtatakang nilibot ko ang tingin sa palagid lahat sila ay pumapalakpak at nakatingin sa akin.
"Kate, The King requesting you join him on stage." napalingon ako sa boses ni Daddy.
"Ah, okay..." umakyat na ako sa stage.
Inalalayan ako ni Fren, Nakipagbeso at nakipagkamay din ako kay King Bren at Queen Yolanda.
"Are you okay?" bulong sakin ni Fren.
"Huh? Yeah..." sagot ko.
Napabuntong hininga ito kaya napatigtig ako sa mukha nya.
"Hey," hinawakan ko ang mukha nya. "Im okay. Promise."
"I see you." sabi nya.
"What?" nakataas kilay kong tanong.
"Youre looking at him." hindi ko alam kung totoo ba yung lungkot na nakita ko sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
MAYBE THIS TIME
General FictionKate Bermudez is an ordinary Princess. Brix Presston is a real Prince. Nakatakda sa isa't-isa, pero bago ang lahat may ibang pangarap ang Prinsipe, walang nagawa ang Princesa kundi pagbigyan ito. Sa kalayaang kanyang hinangad? Makaka...