Senon Torres

316 11 2
                                    

Senon's PoV

"Senon, how many times do I have to tell you na itigil mo na 'yang ambition mong maging editor at mag-aral ka nalamg mag-manage ng kompanya!" Bungad agad sa akin na sigaw ni Dad pag-uwi ko galing sa paghahanap ng kompanyang papasukan ko bilang editor.

"Dad, I also told you many times na hindi ko hilig ang mag-handle ng company, I prefer doing things I love." Tunog ng sampal ang narinig sa bahay, kita kong gulat ang mga kasambahay sa nasaksihan nila.

"Bastard, ganiyan kaba namin pinalaki?!" Seryoso naman akong tumingin dito.

"Kahit ilang beses niyo pa akong sampalin at pagsabihan hinding-hindi magbabago ang desisyon ko." Sabi ko dito at umalis sa harap niya't dumiretso sa kwarto ko. Ilang beses narin nangyari sa amin 'to ni Dad, hindi niya parin tanggap na mas pinili ko ang pagiging editor kesa sa mag-handle ng kompanya namin since I'm his only child.

My mother died in the accident before kaya kami nalang ni Dad ang natira, ever since na namatay si Mom wala na akong kakampi, dahil si Mom lang naman ang tanging supporter ko and she always protect me kapag papaluin or papagalitan ako ni Dad.

I sighed heavily and packed my things, I guess I'll stay at my house for a while. I actually own a house, hindi alam ni Dad iyon at hindi ko ipinaalam sa kaniya since alam kong papagiba niya iyon once na nalaman niya.

"Where are you going?!" Galit nitong tanong matapos akong makitang bumaba sa kwarto ko dala ang isang maleta.

"I'll stay for a while at Ash's house." Palusot ko dito, Ash is my cousin and my dad know him as well.

Hindi na ito umimik kaya umalis nalamang ako. Pagkarating ko sa aking bahay ay may agad na yumakap sa akin.

"Kuya Senoon! Buti naman nandito ka." Siya si Seth, kasalukuyan itong naninirahan sa bahay ko, lumayas rin kasi ito matapos malaman ng magulang niya na bakla ito, pareho kami ng unibersidad na pinapasukan at nakilala ko ito roon.

"Kumusta ka naman dito?" Tanong ko dito habang naglakakad kami papasok.

"Ayos naman kuya Senon, medyo nabo-boring since ako lang tao dito." Natawa naman ako sa nasabi nito, kahit siguro ako rin ay mabo-bored, buti nga nandito 'tong mokong na 'to.

"Eto mga pagkain baka gutom kana." Kita kong nagningning ang mga mata nito nang makita ang mga pagkaing dala ko.

"Yon! Salamat kuya Senon!" Napangiti naman ako dahil napasaya ko ang batang ito.

Pagpasok namin sa bahay ay dumiretso na ako sa 2nd floor kung saan nandoon ang kwarto ko. Dalawang palapag ang bahay ko, sa 2nd floor nandoon lahat ng mga kwarto, bali may limang kwarto ang bahay ko, naisipan kong lima dahil hindi ko rin alam bakit lima, sa unang palapag naman ay nandoon ang sala at kusina. Malaki rin ang bahay na napagawa ko dahil pinag-ipunan ko talaga itong itayo.

Dahil nga sa maraming kwarto ay hindi mapirme sa isang lugar 'tong si Seth, kahit saang kwarto ito natutulog, tinanong ko noon ito bakit pero ang tugon lang nito ay, "Kuya Senon, sayang naman ang mga kwarto kung walang matutulog dito." Seryosong-seryoso pa nitong sabi kaya naman pinabayaan ko na lamang siya sa nais niyang gawin.

"Kuya Senon." Pagtawag sa akin ni Seth, kasalukuyan kasi kaming kumakain ngayon sa dining table.

"Ano 'yon?" Tumayo ito at may kinuha sa sala.

"Sino nga pala 'to?" Napangiti naman ako sa pinakita niya, larawan ko kasi ito kasama ng pinsan ko.

"Si Ash 'yan, pinsan ko." Napatingin naman muli si Seth sa larawan at oarang namamangha pa ito.

"Akala ko jowa mo eh." Natawa naman ako dito.

"Baliw ka."

"Eh kuya, payag ka bang maging jowa ko?" Napabuga naman ako sa iniinom kong kape.

"Siraulo ka talaga, ikaw kung ano-anong pumapasok diyan sa isipan mo." Napakamot naman ito sa ulo niya at natawa.

"Nagtatanong lang eh."

"Alam mo namang babae lang gusto ko." Binigyan naman ako ng tingin na may pagdududa nito.

"Sus Kuya Senon, baka mamaya makita nalang kitang may kalampungan sa kawarto mo na lalaki ah." Ang daming naiisip na kalokohan nito.

"Ikaw, kumain ka na nga lang diyan." Natatawa ko pang sabi at susubo na sana ako nang may naalala ako.

Dali-dali akong tumakbo papuntang Attic at rinig ko pa ang sinabi ni Seth, "Nababaliw nanaman si Kuya Senon."

Pagkarating ko sa attic ay agad akong naghalungkat dito.

Shit sana nandito.

Habang naghahanap ay nakaramdam naman ako na kumikinang sa likuran ko kaya laking ginahawa ko nang makita ko ito.

I'll die kapag nawala ko ito.

Bumaba na ako sa attic at pumunta sa hapagkainan.

"Ayos ka lang kuya? Parang hindi ko mapinta mukha mo ah."

"Ayos lang ako, kala ko kasi may nawawala." Nanlaki naman ang mata nito at napatigil sa pagkain.

"Hala kuya wala akong kinukuha dito ah, bakla man ako pero mabait at honest akong tao." Napatawa naman ako sa batang ito.

"Baliw, hindi iyon ang ibig kong sabihin." At nagtawanan kaming dalawa, I'm really thankful na nandito talaga 'tong si Seth, may nakakausap at nakakabiruan ako dito sa bahay ko, hindi rin kasi ako nag-hire ng kasambahay dito dahil madalas rin akong wala pero siguro magha-hire ako kapag naisipan ko.

Kinaumagahan ay maaga akong naggising upang maghanda na maghanap ng kompanya na pwede kong apply-an.

"Ikaw na muna bahala dito sa bahay Seth ah."

"Sige kuya, ingat ka good luck narin." Sabi nito habang nakatutok ang mata sa pinapanuod.

Inisa-isa ko ang mga kompanya at nakakalungkot na hindi ako tanggap sa isa sa mga ito, wala daw akong experience kaya hindi ako qualified sa kanila. Paano ako magkakaroon ng experience kung wala man kang gustong mag-hire sa akin.

Naisipan ko na lamang maglakad-lakad sa park upang makapagpahinga, dahil nga sa nakayuko ako ay hindi ko namalayan na may nakabungguan ako.

"Oh my goodness, I'm so sorry." Sabay bow ko dito, I heard him clicked his tongue at mukhang bad mood pa ito.

"Watch where you're going, bastard." Aba't, tinignan ko naman ang nakabangga ko at hindi ko mapigilang hindi matawa. May plaster kasi ito sa pisnge at ilong at putok rin ang labi nito.

"What the fuck you laughing at?!" Pinigil ko ang tawa ko dahil mukhang galit na galit na itong taong nasa harap ko.

"N-nothing." Kita kong susugod na sana ito sa akin nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Dave! What are you doing there?" Oh my goodness, oh my goodness, the Goddess Scarlet is right in front of me!! Sinagi ko sa balikat itong Dave na ito at mabilis na pumunta kay Scarlet.

"Omg, I'm a big fan of yours po!" Sabay kinuha ang kamay ni Scarlet at kinamayan ito, kita ko rin ang gulat nitong ekspresyon pero wala na akong pake roon sapagkat matagal ko ng nais makamayan si Scarlet and I'm taking this opportunity!

"O-oh, I'm glad..." Omgg! Kinuha ko ang phone ko at tinanong kung pwede bang magpa-picture and I'm really glad pumayag ito!

"Let's go Dave." Kumayaw naman ako kay Scarlet nang paalis na sila, kita ko yung mokong na tumingin pa sa akin ng masama bago ako tinaasan ng middle finger nito, tinignan ko rin ito ng masama at binelatan.

Umuwi ako ng bahay na sobrang saya, hindi ko aakalaing makikita ko si Scarlet ngayong araw, yung lungkot na nararamdaman ko bago mo siya makita ay nawala!

I can die in peace now after this day.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now