Special Chapter

167 12 0
                                    

Senon's PoV

Nakangiti akong nakatingin ngayon sa mag-ama na naghahabulan sa park. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito na may mga malalaking ngiti sa labi at nagtatawanan.

Kitang kong may ibinulong ang ama sa kaniyang anak at lumapit ito sa akin sabay hawak sa hita ko.

"Ano 'yon baby?" Nakangiti kong tanong habang pinagmamasdan ito.

"Taya." Nagtaka ako sa nasabi nito at sabay kumaripas ng takbo palapit sa kaniyang ama na tawa nang tawa. Doon ko lang na-realize ang ginawa nito kaya hinabol ko silang dalawa na tawa pa rin ng tawa.

"Humanda kayong dalawa sa'kin!" Pagbabanta ko habang patuloy pa rin sa paghabol sa kanila.

"Aaaah!" Sigaw ng bata matapos kong mahabol ito at kiniliti.

"Dad si daddy oh!" Natawa pa ako dahil nagsumbong pa sa ama niya na patuloy pa rin sa pagtawa habang hinahabol ang hininga nito.

"Kayong mag-ama talaga kapag pinagsama ang lakas ng trip niyo." Kinarga ko ang anak ko malapit sa puno kung saan ang gamit namin sabay kumuha ng towel at pinunasan ang basa nitong likod sabay pinulbuhan.

"Ayan, fresh na ulit!" Sabi ko sabay halik sa kaniyang kili-kili na kinatawa niya. Lumapit naman si Dave sa pwesto namin at naupo sa tabi ko.

"Ako rin." Naparolyo naman ako ng mata ko dahil nakanguso pa ito.

"Bahala ka diyan, ikaw nagpasimuno kanina sa paghahabulan!" Natawa naman ito ng mahina sabay niyakap ako't hinalikan sa leeg rinig ko rin ang paghagikgik ng aming anak sa tabi.

"Sorry na love, siyempre dapat kasama ka rin sa paghahabulan namin." Pinitikan ko naman ito sa noo kaya napa 'aray' pa siya. Kumuha ulit ako ng towel sa bag at pinunasan ang likod niya sabay nilagyan ng polbo.

"Thanks, love." Sabay humalik pa sa pisnge ko kaya nasampal ko pa ito ng mahina.

Ang aming anak na si Steven ay pitong taong gulang na, hindi kami nagpa-surrogacy ni Dave dahil naisip naming mas maraming batang nangangailangan ng magulang sa orphanage kaya nakuha namin si Steven noong limang taong gulang ito.

Nakakatuwa lang dahil sobrang masiyahing bata nitong si Steven at sa murang edad ay hindi ito nahihiya na dalawa ang kaniyang ama. Daddy ang tawag nito sa akin at dad naman kay Dave.

"Daddy, dad may gusto po akong aminin." Nagkatinginan naman kami ni Dave nang masabi iyon ni Steven na nakayuko na.

"Ano 'yon, baby?" Tanong ko dito sabay tingin kay Steven na hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"Sana po love niyo pa rin po ako matapos kong sabihin iyon." Napataas naman ang isa kong kilay dahil halata sa boses ni Steven na kabado ito.

"Kahit ano pa 'yan baby always ka namin love ng daddy mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Dave at masayang tumango.

"Tama ang dad mo baby, ano man ang mangyari ay lagi kaming nasa tabi mo at susuportahan ka." Kita kong tumingala sa amin si Steven na may ngiti na sa labi.

"Talaga po?" Kinurot ko naman ang pisnge nito at natawa.

"Oo naman, love na love ka kaya namin!" Bigla itong umupo sa hita ko at yumakap sa akin, ganoon din ang ginawa niya kay Dave.

"Ano ba gusto mong sabihin sa amin?" Nagtataka kong tanong dahil gusto kong malaman bakit ganoon ang nasabi nito sa amin kanina.

Kita kong napayuko muli ito at parang namumula ang mukha kaya nagsalubong ang kilay ko sa inaasal ng aking anak.

"M-may gusto po kasi ako k-kay kuya Jacey." Nanlaki naman ang mata ko sa lihim na ibinulgar ng aking anak. Napaubo naman bigla si Dave mukhang nagulat rin.

"Kacey baby o Jacey?" Paniniguradong tanong ni Dave dito dahil magkambal si Kacey at Jacey at yun yung kambal ni Vienne at Yukki.

"Jacey po." Mas tumindi ang ubo ni Dave nang ulitin ni Steven ang pangalan ng kaniyang gusto kaya nakurot ko ito sa tagiliran niya.

Napatingin muli ako kay Steven na namumula pa rin at hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito at pinaharap sa akin.

"Baby, support ka namin ng dad mo diyan, mabait naman si Kuya Jacey mo at alam kong pinalaki rin ito ng maayos ng mga tito mo pero baby bata ka pa, okay? Siguro kapag malaki kana pwede kayong dalawa." Tumango tango naman si Steven sa mga nasabi ko bago ngumiti.

"Opo, alam ko po 'yon daddy, crush pa lang naman po." Napangiti naman ako sabay ginulo ang buhok nang aking anak.

•••••

"Hindi ba't parang ang laki ng agwat ng dalawa?" Kasalukuyan kaming bumibiyahe patungo sa aming bahay, mahimbing naman na natutulog ang aming anak sa backseat dahil napagod ito kakalaro sa park.

"Mga bata pa naman sila at mukhang puppy love magbabago rin naman siguro 'yon." Dahil si Jacey ay 14 years old na ngayon at napakagwapo ring bata at sa murang edad ay napakatangkad na rin nito.

Bigla namang hinawakan ni Dave ang aking kamay at hinagkan ito. Napapangiti ako sa tuwing lagi niya itong ginagawa dahil dito niya lagi pinapaalam na nasa tabi ko siya lagi.

"I'm glad that you're by my side, love." Pinisil ko naman ang kamay nito at hinagkan siya sa pisnge dahil wala rin itong sawang nagpapasalamat na nasa tabi niya raw ako lagi.

"I'm very happy you're by my side too. I love you." Parang kinilig pa ang gago kaya natawa ako.

I'm so happy with my family at handa akong gawin ang lahat para sa kanilang dalawa.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now