Senon's PoV
I really can't believe na ginawa sa akin ni dad iyon, he has been doing things I'm not aware of! Hindi na ako dumiretso sa bahay ni dad bagkus sa bahay ko na ako dumiretso since I don't wanna see his face or interact with him for now.
Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kaniya.
"Bakit naman ganiyan itsura mo kuya Senon? Ano bang nangyari?" Napatingin naman ako kay Seth at kita ko ang gulat sa mukha nito sapagkat masama akong nakatingin dito. Nag-sorry naman ako dito at bumuntong-hininga.
"Dad just arrange marriage me without me knowing." Nagulat naman ako bigla ng mahulog ni Seth ang basong iaabot niya sana sa akin.
"What?! Why would he do that?! Sobra na 'yang pangingialam ng tatay mo kuya Senon ha." He exclaimed sabay pamewang pa nito kaya natawa ako ng mahina.
"I know right, minsan hindi ko nga alam kung tatay ko pa ba siya eh."
"Layasan mo nalang kaya ng tuluyan 'yan kuya Senon, huwag ka ng magparamdam." Sabay linis sa nahulog niyang mga baso.
"If I could, I would Seth." Sabay higa ko sa sofa at huminga ng malalim.
"Ewan ko ba diyan sa tatay mo kuya Senon, nasa modern world na tayo, hindi na uso 'yang arrange marriage na 'yan!" Iritang-iritang reklamo nito habang pinupunasan ang sahig. May punto rin naman ang sinasabi ni Seth, yung mga kinagawian noon ay hindi na sana ina-apply sa modern generation ngayon, since iba na ang ugali ng mga tao ngayon lalo na ng mga kabataan.
"Huwag mo ng intindihin 'yon, tara na't kumain nalang tayo sa labas." Bigla namang nagningning ang mata ni Seth sa nasabi ko at dali-daling pumunta ng banyo upang ibalik ang pamunas.
"Tara na kuya Senon!" Napa-facepalm na lamang ako dito.
"Saglit, magbihis lang ako." Sabay akyat sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos magbihis ay natawa ako dahil nasa pintuan na si Seth at nakaabang.
"Let's gooo!" Masigla pa nitong pagkakasabi sabay kapit sa braso ko.
"Saan mo ba gusto kumain?" Tanong ko dito habang nagmamaneho.
"Sa maraming pogi!" Napahagalpak naman ako ng tawa sa tugon nito.
"Saan nga?" Kita kong naglinga-linga pa ito sa labas kung saan may nadaraanan kaming mga makakainan.
"Doon kuya!" Sabay turo sa isang fast food chain kaya naman nagmaneho ako papunta doon at nag-park.
Pagka-park ay nag-hahum pa si Seth habang naglalakad papasok ng fast food chain.
"Ano gusto mong kainin?" Tanong ko dito habang nakapila at nakatingin sa menu na nakalagay sa taas ng counter.
"Ayon nalang kuya Senon!" Sabay turo sa 1pc chicken with fries at ice tea.
"Sige." At pinahanap ko na ito ng mauupuan namin.
Pagkatapos makapag-order ay pumunta na ako sa pwesto kung nasaan si Seth. Inilapag ko ang mga pagkain namin at naupo.
"Yeheyy!" Sabi pa nito sabay nagpapalakpak kaya natawa ako.
"Oh ayan enjoy ha." Sabay sinunggaban agad ang pagkain. Kahit kailan talaga 'to. Habang nagku-kuwentuhan kami ni Seth ay parang may na-familiarize din akong boses sa likod ko. Paglingon ko ay nagulat ako sapagkat nakakingon rin ito sa gawi namin.
"Ikaw?!" Sabay pa naming nasabi at nakaturo sa isa't-isa.
Maya-maya lang ay lumioat ito ng mauupuan at pumunta sa amin. May kasama rin ito.
"Kuya Senon, sino 'yan?" Napatingin naman ako kay Seth ng matanong niya iyon.
"Siya si Jianna Maglonzo, fiancè ko daw." Nanlaki naman ang mata ni Seth at sabay harap kay Jianna pabalik ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceSenon and Dave's Unexpected story... Their side story at the main story of 'Pretend' [COMPLETED]