Unexpected Visit

125 9 8
                                    

Dave's PoV

[Present Time]

Halos lumuwa ang mata ni Malik nang matapos kong maikuwento sa kaniya ang nangyari sa amin ni Senon.

"My goodness Dave, napaka ano mo naman hindi ko aakalaing gano'ng klase kang tao." Parang hindi pa nito makapaniwala dahil napatakip ito ng kaniyang bibig habang nanlalaki ang mata at nilalayuan ako. Kinapa ko naman ang unan na nasa tabi ko sabay ibinato sa kaniya.

"Tanga, matagal na 'yon kita mo ngang 6 years na ang nakalipas 'di ba? Nagbago na ako at matagal ko ng pinagsisihan 'yon." Sinsero kong pagkakasabi dito, pinulot naman nito ang unan na ibinato ko sabay inilapag sa higaan ko at umupo sa harap ko.

"Binibiro lang eh, alam ko naman 'yon atsaka matagal mo na kayang nakwento sa'kin 'yan, unang salpak ko lang dito sa selda nagkwentuhan na tayo."

"Sira ka talaga, ba't mo pa tinanong kung papaano ko nagustuhan si Senon nakwento ko na pala." Natawa ito ng mahina sa akin.

"Wala lang, nakakakilig lang kasi." Sabay parang nangingisay na parang uod na nilagyan ng asin kaya natawa rin ako dito.

"Tuloy mo na kwento mo Dave kung may popcorn nga lang dito baka kumuha pa ako eh." Naibato ko muli ang unan sa kaniya dahil sa nasabi na inilagan naman niya kaagad.

"Napakasadista talaga oh! Kwento mo na." Naparolyo naman ako ng mata dito.

"So ayon nga matapos kong makuha si Yukki ay nagtungo agad kami sa Luxembourg." Pagsisimula ko ng kwento dito at kita kong nakakunot ang noo nito kaya tinanong ko kung ano ang problema.

"Bakit sa Luxembourg? Sa dinami dami ng bansang pagdadalhan mo kay Yukki bakit doon pa?" Napakamot naman ako ng ulo ko nang maitanong niya iyon dahil ako mismo hindi ko alam bakit doon ko rin naisipang dalhin si Yukki.

"Lah Dave, huwag mong sabihin na hindi mo rin alam?" Nagpeke naman ako ng ngiti dito at ako naman ang binato nito ng unan.

"Ano ba! Bahala ka diyan 'di na ako magkukuwento." At akma na sanang pupunta ako sa higaan ko ngunit hinila nito ako sa paa na kinatigil ko.

"Ito naman eh! Tuloy mo na, sorry na!" Naparolyo muli ako dito bago umupo muli at inirapan ko muli siya, kasalanan 'to ni Scarlet natututo na akong umirap.

"So ayon nga, one time may balak sana akong gawin kay Yukki pero..."

•••••

Marahas kong binuksan ang pintuan ng bahay dahil sa inis sa mga investors na naka-meeting ko ngayon lang. Naisipan ko kasing magtayo ng business dito sa Luxembourg para sa aming dalawa ni Yukki, for our future pero napaka-demanding ng mga investors at shareholders kung pwede ko nga lang silang masapak isa-isa ay ginawa ko na.

Pagkapasok sa bahay ay agad akong napatingin sa kwarto kung nasaan si Yukki, nagtungo ako doon at marahas ring binuksan ang pintuan nito kita ko pa ang pagkabigla nito sa ginawa ko.

Lumapit naman ako dito at kita ko na kaagad ang takot sa mata nito ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus mahigpit kong hinawakan sa pulsuhan si Yukki at inihagis sa kama at tinanggal ang suot kong damit.

"A-ano 'yang binabalak mo?" Nanginginig nitong tanong sa akin habang nakayakap ng mahigpit sa kumot. Napatingin naman ako sa natatakot na piguro ni Yukki bago napangisi.

"What do you think, Yukki?" Sabay dahan-dahan na lumalapit sa kaniya at hinawakan ang magkabilaang kamay nito upang hindi na makawala pa.

"B-bitawan mo ako!" Ngunit hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy na lamang sa aking gagawin ngunit sa hindi inaasahan habang papalapit ang aking mukha sa mukha ni Yukki ay ibang mukha ang nakikita ko.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now