Unexpected News

122 9 1
                                    

Senon's PoV

Ilang araw na ang nakalipas matapos ako tanungin ni Dave, kasalukuyan kaming nakahiga sa damuhan ngayon habang nakatingin sa bituin hawak ang kamay ng isa't isa.

"Love, thank you ha? For not giving up on me and choosing me til the end." Napangiti naman ako sa nasabi ni Dave sabay humarap dito at yumakap sa kaniya.

"That's how much I love you, Dave. Hindi ko man maamin sa'yo noon kung gaano kita kamahal, handa akong ipadama sa'yo 'yon araw-araw sa pamamagitan ng pagbisita sa'yo." Humarap dito ito sa akin at nagtitigan kaming dalawa. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayong araw na ito. Sa wakas ay kapiling ko na ngayon sa aking tabi si Dave at alam ko sa sarili ko na kahit ano mang problema ay mahaharap naming dalawa.

Ilang segundo unti-unting lumapit ang aming mukha sa isa't isa at naglapat ang aming mga labi. Napangiti pa ako nang mangyari iyon dahil ang halik na ito ay halik na punong puno ng pagmamahal at hindi na sapilitan.

Napahiwalay kami sa paghahalikan at napatitig muli sa isa't isa at napangiti. Hinawakan ni Dave ang pisnge ko at humalik sa noo ko sabay hinaplos ang mukha ko.

"I love you, Senon."

"I love you too, Dave."

•••••

Maaga akong nagising at napatitig sa katabi kong mahimbing pa rin na natutulog. Napangiti muli ako nang maalala ang kahapong mainit at may pagmamahal naming pagtatalik. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito ang pangalawang beses naming gawin ito ngunit ngayon ay iba na. Pareho na naming mahal ang isa't isa.

Tumayo na ako sa kama at nagbihis. Nagtungo ako sa kusina upang makapaghanda na ng aming almusal. Natuto na rin akong magluto dahil nagpaturo ako noon kay Ate Grace. Naisipan kong gumawa ng pancake kaya kinuha ko ang harina sa cabinet at nilagay sa bowl. Naglagay rin ako ng itlog, konting mantika, asin, asukal at baking powder.

Hinalo ko ang mga ito at pinahiran ng butter ang pan at nilagay na ang pancake upang maluto. Nagpakulo na rin ako ng mainit na tubig upang makapagtimpla ng kape.

Habang nilalagay na ang mga lutong pancake sa plato ay nagulat pa ako nang may bigla yumakap sa likod ko't hinalikan ang leeg ko.

"Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mong 'yan, Love eh!" Tumawa naman ito at naupo.

"Ang seryoso mo naman kasi magluto, Love." Napailing nalang ako at inilagay ang lutong pancake sa lamesa. Nagtimpla rin ako ng kape namin bago inilagay ito sa lamesa at umupo sa harap niya at nag-umpisa na kaming kumain.

"Saan mo gustong magpakasal, Love?" Tanong nito sa akin matapos manguya ang pancake niya.

"Hindi ko rin alam eh, hindi naman allow dito sa Pilipinas ang same sex marriage." Napatango naman ito bago humigop sa kaniyang kape. Nagpatuloy naman kami sa pagkain nang may biglang tumawag sa akin.

"Sagutin ko lang Love." Tumango naman ito at kinuha ko ang phone ko sabay nagtungo sa terrace.

"Hello?"

/Sir. Senon, magtungo po kayo sa Lacuesta Hospital may nangyari po sa dad niyo./ Nagsalubong naman ang kilay ko sa nasabi ng sekretarya ko.

"P-papunta na ako diyan!" Dali-dali naman akong nagtungo sa loob upang makapagbihis. Kita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Dave sa kinikilos ko.

"Love, what's happening? Bakit parang balisa ka?"

"S-si dad daw dinala sa hospital." Agad din itong nagtungo sa kwarto at nagbihis.

"Let's go." Ito na ang nag-drive patungo sa hospital dahil sabi sa'kin ikalma ko daw ang sarili ko dahil nanginginig ang kamay ko at hindi mapakali.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now