Unexpected Encounter

120 8 9
                                    

Dave's PoV

[Present Time]

"Sorry to hear about what happened with your cousin." I didn't expect na may ganoong mangyayari sa kaniya, aside from his mother's death, his aunt and his uncle's death will sure made an impact to him too.

"Nah it's fine, matagal na rin naman simula no'ng mangyari 'yon." I just nodded.

"So what happened after that?" Bigla naman itong napangiti kaya napataas naman ang kilay ko dito.

"Then I met Ki! Tapos ayon nagsimula na talaga ako maging editor." So that's why he suddenly smiled at mukhang ayon narin ang simula ng pagiging sikat ni Yukki.

"What happened to Ash?" I asked curiously since I know na hindi naman din basta basta mawawala ang trauma na naranasan nito.

"Ayon, pumapasok naman ito sa school, hindi na ito ngumingiti hindi gaya ng dati pero natuwa ako dahil nakakita ito ng mga mabubuting kaibigan." Pinagmasdan ko kung papaano biglang ngumiti si Senon. I know to myself na gusto ko iyon makita lagi.

"Pero one time, nakita ko itong umiiyak sa kwarto niya, nang makita ako nito ay bigla itong tumakbo palabas kaya hindi ko na hinabol since alam kong gusto nitong mapag-isa." Kita ko naman itong bigla lumungkot kaya hinawakan ko ang kamay nito na kinagulat niya.

"And what happened?" Kita kong umilag pa ito ng tingin at parang hindi pa mapakali sa inuupuan.

"A-ah, w-well a-ayon kinuha na siya ng iba ko pang tita sa ibang bansa a-at doon na pinag-aral." Parang balisa rin ito at halatang nagsisinungaling, hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay nito and decided to trust his words.

"I see." Naging awkward na ang mood kaya napagdesisyunan kong ikwento ang pagtatagpo namin muli sa Beach Resort para naman ma-brighten ito.

"How funny we always coincidentally meet before, don't you think that's fate?" Bigla namang nagkasalubong ang kilay nito halatang nagtataka sa nasabi ko.

Bumitaw ako sa kamay nito at sumandal sa upuan at ngumisi na mas lalo nitong kinataka.

"The time at beach resort, we met there again." Nanlaki bigla ang mata nito at napabalikwas sa kinatatayuan sabay hampas sa lamesa na kinagulat ng iba pang mga tao dito kaya nag-sorry si Senon bago naupo muli.

"H-how?!" Ngumisi ako muli bago ko kinuwento sa kaniya ang pangyayari.

•••••

I was on my way home galing sa isang job interview, I'm trying to find a job since wala rin naman akong magawa sa bahay ni Scarlet. Pagkauwi ko ay kita ko kaagad si Scarlet na naka robe at nakatutok ang mata sa kaniyang laptop, nakahawak rin ito sa kaniyang sentido at parang ang lalim ng problema.

I aprroached her slowly and tap her shoulder and it made her flinch kaya natawa ako ng mahina sa pagiging niyerbyosa nito.

"Fuck Dave! Huwag ka ngang ganiyan, aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh!" Patuloy pa rin ako sa pagtawa kaya naupo ako sa tabi nito at tinignan ang laptop niyo.

"Having a writer's block?" Pinagulungan lang ako ng mata nito kaya ang sarap nitong dukutin.

"Why not take a break?" Pinagulungan muli ako ng mata nito kaya nagtimpi akong dukutin ito, ganito ba ang mga babae mahilig magpagulong ng mata?

Tumayo naman ako at isinarado ang laptop niya na kinagulat niya at napatayo bigla at galit na galit napatingin sa akin.

"Dave! What are you doing?!" Pinitik ko naman ang noo nito na kinasanhi nang paghawak niya dito at masama akong tinapunan ng tingin.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now