Senon's PoV
"What?" Seryoso kong tanong sa taong wagas kung makangiti dito sa harapan ko.
"Masama na bang ngumiti?" Naparolyo naman ako ng mata sa tanong nito.
"Oo, masama kung galing sa'yo!" Bigla namang nawala ang ngiti nito at aba nag-pout pa ang mokong.
"Grabe ka naman sa'kin, Love." Kumunot naman ang noo ko sa huling sabi nito.
"Ano'ng love?" Tanong ko dito at bumalik pa ang ngiti nitong mokong na 'to ang sarap niyang hampasin.
"Ikaw, love ko." Bigla naman akong naubo sa nasabi nito at pinalo siya sa braso kaya napa-aray ito.
"Ba't ka naman nananakit, Love? Ganiyan kaba magmahal? Mapanakit?" Pinalo ko ulit ito sa braso dahil sa kalokohan nito.
"Huwag mo akong ma-love-love diyan ha! May kasalanan kapa sa 'kin." Napakamot naman ito sa ulo niya at sumandal sa upuan.
"Eh sorry na nga kasi, hindi ko na uulitin, Love." Naparolyo muli ako ng mata sa nasabi niya. Paano naman kasi nung bumisita ako rito noong nakaraang araw eh parang wala ito sa mood kaya umuwi nalamang ako kaya ito rin siya todo makahingi ng sorry.
"Ba't ba kasi ganoon mood mo no'n?" Tumingin muna ito ng bahagya sa akin at napabuntong-hininga.
"Si kuya kasi dumalaw." Napataas naman ang isa kong kilay.
"Ano nangyari?"
"Ayon si dad daw miss daw ako tapos yung isang kompanya daw nito sinesave para sa'kin daw."
"Oh, ba't nawala ka sa mood eh miss ka naman pala ng dad mo." Biglang sumama ang tingin na pinukol nito sa akin.
"Nang-aasar kaba, alam mo naman kung gaano kasama ang pakikitungo sa akin ng pamilya ko sa'kin, Love."
"Sabagay, kaya pala masama ang timpla mo no'n." Napatango naman siya.
"Kumusta ka naman dito sa selda?" Nagliwanag naman ang mukha nito at kinuwento niya sa akin ang mga ganap sa selda. Natawa pa ako sapagkat ikinuwento niya daw muli kay Malik ang story namin noon at natawa ako dahil ang OA daw ng reaksiyon muli ni Malik na parang akala mo ngayon lang narinig ang kwento.
"Kapag nakalabas kana dito, ano na ang balak mo?" Sumeryoso ang mukha nito at napahawak pa sa kamay ko na pinagtaka ko.
"Pakasalan ka." Nanlaki pa ang mata ko at parang gusto ko na talaga siya hambalusin ng lamesa na nasa harap namin.
"Seryoso naman Dave!" Humigpit ang hawak nito sa kamay ko at mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napaiwas pa ako ng tingin dahil parang hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.
"Seryoso ako, Senon. Kapag nakalabas ako aayusin ko na ang buhay ko para sa'yo." Hindi ko alam pero bumilis ang pintig ng puso ko dahil ramdam ko ang sincerity nito.
"E-ewan k-ko sa'yo!" Sabay hinila na ang kamay ko dito at naglinga-linga na lamang sa paligid dahil alam kong seryoso parin itong nakatitig sa akin. Ramdam ko rin na tumayo at nagulat ako sapagkat tumabi ito sa akin at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko sabay kinuha muli ang kamay ko at hinalikan pa iyon.
"A-ano ba 'yang g-ginagawa mo D-dave!" Hindi ko mapigilang hindi mautal sa kinikilos nitong lalaking 'to ngayon dahil mukhang naglalambing ito at hindi ko alam ang gagawin sa kaniya.
"Alam kong nasa huli na ang pagsisisi pero gusto ko parin humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sainyo noon, napaka-gago ko alam ko pero ngayon nagsisisi na ako. Alam kong hindi rin basta-basta mawawala lahat ng trauma na natamo mo dahil sa kagagohan ko kaya I'm very sorry, Love. Mahal na mahal kita, hindi ko na kakayanin kapag may mangyari pa sa iyo. I love you, Love."
Napayuko naman ako matapos niya sabihin iyon. Hindi ko pa ito napapatawad ng husto pero dahil sa mga story niya tungkol sa buhay niya ay unti-unti ko narin itong nakikilala at aaminin ko. Unti-unti na ring nahuhulog ang loob ko sa mokong na ito. Hindi ko pa man maamin sa kaniya ay pinapadama ko naman ito sa pamamagitan ng pagbisita lagi rito at makwentuhan siya.
Matapos ang araw na iyon ay umuwi na ako sa sarili kong bahay. Hindi ko na rin pinagpatuloy ang pagiging editor nang mag-retire si Ki. Ako na ang nag-manage ng kompanya namin dahil nagkasakit si dad at hindi na ito makatayo.
Habang nagmumuni-muni sa kwarto ay may biglang tumawag, napatingin ako sa phone ko at si Seth lang pala.
"Oh, bakit Seth?" Pauna ko dito.
/Hi kuya Senon! Kumusta kana diyan?/ Napangiti naman ako dahil hindi talaga ako nakakalimutan kamustahin ng batang ito kahit nasa ibang bansa na.
"Ayos naman ako dito, kayo kumusta naman kayo ni papa Cloud mo?" Napangisi pa ako nang itanong iyon dahil kahit sa ibang bansa ay sinundan daw siya doon ni Cloud para ligawan.
/Heh! Nakakainis nga eh, hindi nagpunta kahapon, huwag ko kayang sagutin kuya Senon?" Napatawa naman ako dito.
"Sus kunwari kapa diyan eh kinikilig ka nga kapag binibilhan ka ng mga favourites mo. Ang haba ng hair mo abot dito." Natatawa kong sabi dito at rinig ko rin sa kabilang linya ang paghagikgik niya.
/Enebe kuya Senon. Huwag mo akong ibuko!/ At pareho kaming nagtawanan.
"Sagutin mo na kasi, ilang taon na kaya nanliligaw ang tao baka mamaya humanap ng iba 'yan sige ka."
/Huwag kang mag-alala kuya Senon, malapit na. Nire-ready ko na rin self ko/
"Oh siya sige na at mag-ingat kayong dalawa diyan sabihin mo kay Cloud nag-hi ako sa kaniya."
/Oki kuya Senon, ingat ka rin diyan! Muah!/ Napatawa pa ako ng mahina sa kalokohan niya. Nang matapos ang tawag ay napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.
Ilang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng mga pangyayari. Hindi ko rin aakalain na sa loob ng mahabang panahon ay nagkaniya kaniya na kami. Si Ki at Vienne na masaya ang inaalagaan ang kanilang kambal. Si Seth at Cloud na nasa ibang bansa at doon na rin naninirahan. Si Jianna at ang fiancè nito na malapit ng ikasal. Grabe parang kahapon lang lahat nang mangyari at ngayon kaniya kaniyang buhay na. At ito ako, never na nagkaroon ng relationship dahil hinihintay kong lumabas si Dave.
Para na ngayon akong tanga dahil nakangiti ako habang inaalala ang sinabi ni Dave kanina.
"Pakasalan ka." Napakagat pa ako ng labi nang maalala ko ang sinabi niya. Hindi ko rin aakalain sa sarili ko na magkakagusto ako sa gagong 'yon. Napakalas talaga ng tama ng mokong na 'yon.
Nakakainis.
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceSenon and Dave's Unexpected story... Their side story at the main story of 'Pretend' [COMPLETED]