Dave's PoV
[Present Time]
"Whaaat?!" Napatakip pa ako ng tenga dahil sa biglaang pagsigaw ni Senon matapos kong maikwento sa kaniya ang time na nasa beach.
"Huwag ka ngang sumigaw, nakakaistorbo ka sa iba dito." Nag-sorry naman ito at inayos ang upo at napayuko dahil narin siguro pinagtitinginan siya ng ibang tao dito dahil sa pagsigaw niya.
Napatawa naman ako dito at kita kong napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo.
"Bakit ka tumatawa diyan? May nakakatuwa pa?" Patuloy parin ako sa pagtawa, napailing at tinitigan siya.
"Ang cute mo lang kasi mamula para kang kamatis." Dahil siguro sa nasabi ko ay mas lalo itong namula na mas lalo kong kinatawa at kita kong sinamaan na ako nito ng tingin.
"Tumigil ka nga diyan! Hindi nakakatuwa ang biro mo." At pinarolyo pa nito ang mata nito kaya napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kaniya ng seryoso.
"I'm not joking, I meant it when I said you're cute." Kita kong namula ito muli at umiwas na ng tingin kaya napangiti ako ng bahagya.
"Alam ko namang si Ki ang type mo." Kahit pabulong pa nitong sinabi ay narinig ko.
"Not anymore." Gulat pa itong tumingin sa akin at nagsalubong ang kilay.
"W-what?" Nakakatuwa talaga itong pagmasdan, kanina pa namumula at ngayon naman ay nauutal na.
"I like you." Bigla naman itong tumayo sa kinauupuan niya nang nakayuko.
"Aalis na ako, bye!" Sabay tumalikod at umalis. Pinagmasdan ko itong naglalakad papalayo at napangisi. Akala niya ba hindi ko nahalata na sobra siyang namula matapos kong sabihin iyon? Nakakatuwa ka talaga Senon.
"Balik kana sa selda mo." Utos ng pulis na lumapit sa akin, tinignan ko ito bago naglakad patungo sa selda ko.
Pagkarating sa selda ay sinalubong kaagad ako ni Malik at kita kong may malapad itong ngiti.
"Swerte mo naman may araw-araw na bumibisita sa'yo rito." Malik has been in the jail for almost 3 years. Nakasuhan ito sa isang bagay na hindi niya nagawa, hindi narin ito lumaban sa korte dahil alam niyang wala rin namang maniniwala sa kaniya.
"Sira ka talaga." Sabay binatukan ko ito at napatawa kaming dalawa.
"Pero grabe 'no? Hindi ba't sinabi mo sa akin na 6 years ka ng nandito sa kulungan?" Napaupo naman ako sa sahig at napatingin sa kaniya sabay tumango.
"Swerte mo nga, ang tiyaga nung taong iyon na bisitahin ka araw-araw dito sa kulungan." Napangiti naman ako habang inaalala ang mga araw na laging nandito si Senon. Walang mintis itong bumibisita rito, kahit umuulan ay nagagawa niya paring bumisita rito na may dala minsang pagkain at minsan rin ay binibigyan niya ang ibang mga inmate.
"Indeed, I'm so lucky to have him kaya naman I'm doing my best para makalaya dito at mapakasalan na siya." Nanlaki naman ang mata ni Malik sa nasabi ko at natawa pa ako ng mahina dahil sa ekspresyon nito.
"Seryoso ka sa kaniya, Dave?!" Hindi makapaniwalang tanong nito at natawa muli ako. Para kasi siyang tanga.
"Of course I am, I want to have a happy life with him by my side." Napahawak pa ito sa puso at parang kinikilig pa ang gago.
"Invited dapat ako sa kasal ah!"
"Oo naman, ikaw pa ba." Napaupo ito sa tabi ko at napatingin sa kisame.
"Pero paano mo ba siya nagustuhan, Dave?" Napabuntong hininga muna ako bago ko kinuwento sa kaniya ang simula namin ni Senon.
•••••
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomantizmSenon and Dave's Unexpected story... Their side story at the main story of 'Pretend' [COMPLETED]