Unexpected Confession

118 10 3
                                    

Senon's PoV

"That's all the meeting for today, thank you." Isa-isang nagsialisan ang mga investors at shareholders matapos ang meeting namin dito sa conference room. Napabuntong-hininga naman ako at napaupo sa swivel chair ko.

"Sir. Nandito po si Mr. Torres." Napatango naman ako sa sekretarya ko bago tumayo at napabuntong-hininga muli.

Pagkarating ko sa lobby nakita ko si dad na naka-wheel chair na. Lumapit ako dito at nagtungo sa likod niya upang ako na ang tumulak sa wheel chair niya.

"Ba't napaparito ka, Dad?"

"Kumusta ang kompanya?"

"Ayos naman dad, I just had a meeting with the investors and shareholders at bukas may meeting ako with Delco Corp for the partnership." Kita kong napatango ito.

Hindi ko rin masabi kung ayos naba kami ni Dad since tungkol lang din naman sa business minsan ang usapan namin.

Pagkauwi ng bahay ay inalalayan ko ito patungo sa kwarto niya, binigyan ko rin ito ng diyaryo dahil mahilig magbasa ng diyaryo 'tong si Dad.

"Tawagan niyo lang ako kapag may kailangan kayo, dad." Hindi na ito sumagot kaya sinarado ko ng dahan-dahan ang pinto niya at nagtungo sa kwarto ko.

I can't believe na I'm already 34 years old at 10 years na ang nakalipas matapos mangyari ang lahat. I'm also quite thankful na hindi na nagme-mention about marriage si dad dahil sa edad kong ito ay dapat happily married na ako at may mga anak na. Napabuntong-hininga naman ako bago nagbihis upang makabisita kay Dave.

Hindi ko ito nabisita kahapon dahil busy sa kompanya, sana naman hindi ito magalit sa akin o magtampo.

•••••

"Wala na po si Dave dito." Nanlaki pa ang mata ko sa nasabi ng police sa harap ko matapos kong sabihin na bibisita ako kay Dave.

"Ano pong ibig niyong sabihin na wala na si Dave?" Nakakunot noo kong tanong dito at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Hindi po ba kayo nasabihan? Nakalaya na po siya kahapon lang." Nagulat naman ako sa nasabi ng Police. Papaanong nakalaya na ito? Akala ko ba 30 years siyang makukulong? Bakit naging 10 years?!

Napatingin muli ako sa police na may malapad na ngiti.

"Good luck po sa inyong dalawa." Kahit nagtataka ay  lumabas nalang ako. Anong nangyayari bakit napaaga naman ata ang paglaya ni Dave?

"Kayo po ba si Senon Torres?" Napatingin naman ako sa taong nasa harap ko na malaki ang katawan.

"A-ah yes po, bakit?"

"Sumama po kayo sa'kin." Sabay hila sa pulsuhan ko at ito ako nagpupumiglas, humingi pa nga ako ng tulong sa police na nasa harap ng entrance pero nakangiti lang ito sa amin kaya nagsalubong ang kilay ko sa kinikilos ng mga ito.

'Ano ba ang nangyayari?' tanong ko sa isipan ko. Pinasakay naman ako ng maskuladong lalaki sa isang Van. Hindi na ako nagpumiglas pa at sumama nalang dahil nakukuryos ako bakit nangyayari ito ngayon.

"Saan ho ba tayo pupunta?" Tanong ko dito ngunit hindi ako nito sinagot at tanging ngumiti lang ito sa akin kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa labas.

Saan ba ako balak dalhin ng taong ito? Yung lugar na kung saan kami ay hindi ako pamilyarado.

Maya-maya lang ay huminto na ang sasakyan, may kinuha rin ang lalaki sa bulsa nito at inabot sa akin.

"Ano 'yan?" Nagtataka kong tanong dito sabay turo sa itim na tela na inabot niya.

"Ipiring niyo daw po sa mata niyo." Nagsalubong muli ang kilay ko.

"Kuya, baka mamaya kung anong gawin niyo sa akin ah." Natawa naman ito ng mahina.

"Huwag ho kayong mag-alala Sir, isuot niyo nalang po 'yan." Kahit nakakapagduda ay ginawa ko ang bilin nito. Itinali ko ang itim na tela sa mata ko kaya ito nakaupo nalamang ako.

Nakarinig naman ako nang pagbukas ng pinto at may kumuha sa kamay ko at alam kong iginagayad ako nito palabas.

Naglalakad kami ngayon, medyo mabagal dahil nga wala akong makita at may nag gagayad lang sa akin. Nakakarinig rin ako ng mga huni ng ibon at sariwa yung hangin na nalalanghap ko. Nasaan ba kami, nasa gubat ba kami dahil narin sa mga kuliglig na naririnig ko rin.

Makalipas ang ilang minuto ay pinaupo ako ng nag gagayad at maya-maya lang ay may nagtanggal na ng tela sa mata ko. In-adjust ko pa ang paningin ko at laking gulat ko nang makita si Dave sa harap ko nakaupo at may malaking ngiti sa kaniyang labi.

"Anong kalokohan 'to?" Natawa pa ito ng mahina. Inilibot ko ang paningin ko at nasa isa kaming Pavilion na napapaligiran ng mga malalaking puno at bulaklak. May mga nakikita rin akong paru-paro, ibon at iba pang klase ng mga hayop dito.

"Did you like it?" Nabaling muli ang tingin ko kay Dave na nakangiti pa rin

"Bakit nakalaya ka na?" Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Huwag mo ng tanungin, halika at libutin natin itong lugar na 'to." Sabay hinawakan nito ang kamay ko at naglakad kami upang libutin ang lugar. Nakakamangha lang dahil sobrang ganda talaga ng lugar na ito, para kaming nasa gubat na hindi at may pond rin dito na may pagong at koi fish.

May inabot sa aking tinapay si Dave at sinabi na durugin ko daw at ibato sa pond. Ginawa ko iyon at nakakatuwa lang dahil pinagpi-piyestahan ito ng pagong at koi fish.

"Ang galing." Nakangiti kong sabi habang pinapanuod ang mga isda.

"Love." Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng kaba dahil sa pagtawag niya sa akin.

"Love." Pagtawag nitong muli sa akin, napatingin ako ng bahagya rito bago ibinaling muli ang tingin sa mga isda dahil sobrang seryoso ng tingin nito sa akin.

"W-what?" Gusto kong tampalin ang sarili ko dahil sa biglang pagkautal ko.

Kinuha nito ang kamay ko sabay hinalikan at pinisil. Napalunok naman ako ng gawin niya iyon dahil sinusubukan kong hindi kiligin sa kinikilos nito.

"I love you." Halos lumundag na ang puso ko nang bitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam ang isasagot kaya nanatili akong tahimik.

"Now that I'm finally free..." Bumitaw ito sa pagkakahawak sa akin at mas lalo akong kinabahan ng lumuhod ito sa harap ko at may kinuha sa bulsa niya sabay inilahad sa harap ko.

"Senon, my love. I love you so much na hindi ko kakayanin kapag nawala kapa sa akin, I did my best para makalaya ng maaga at ngayon ito ako sa harap mo upang tuparin ang pangako ko sa'yo." Napahawak ako sa kahoy sa tabi ko dahil parang pakiramdam ko ay matutumba ako sa sobrang pagkakilig dahil sa mokong na nakangiti sa harap ko ngayon.

"Senon, Will you marry me?" Tuluyan ng kumawala ang luha ko nang tanungin niya ako no'n. Hindi ko alam, samu't saring pakiramdam ang nadarama ko ngayon.

Marami kaming napagdaanan at trauma na natamasa at kahit na gago ito ay inayos niya ang sarili upang mapatunayan niya na tunay at walang halong biro ang pagmamahal niya. Sa loob ng sampong taon matagal ko ng hinintay ang araw na 'to kaya naman...

"O-of course!"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now