CHAPTER 1

25 8 1
                                    

4 years after...


NILUKOT ko ang sulat na binigay sakin ni Eve. I tried my best to be with her to the point na I chase my dreams for her and iiwan nya lang ako? Ano bang mali sakin? Ano pa bang kulang? Hindi ba talaga ako sapat? Hindi ba ako worth for the risk? Shit.

Pinunasan ko ang konting luha na nag-daloy sa mata ko. Hindi pwedeng makita ng manager ko na umiiyak ako dahil papagalitan ako kapag nasira ang make up ko. Kinuha ko na lang ang papel at nag-practice na lang kumanta. Nagulat naman ako nang biglang pumasok si Austin kaya inirapan ko sya.

"Kumain ka muna."

"Diet ako."

"Mukha ka nang walis ting-ting. Kumain ka na." pasungit na sabi nya.

"Oo na." kinuha ko naman ang salad na binili nya sakin at kinain yun. Konti lang ang kinain ko dahil wala talaga akong gana kumain.

Nang mapansin ni Austin na hindi ko na-ubos yung salad ay sinamaan nya ako ng tingin. Kaya naman inirapan ko sya at inubos ang salad.

"Happy?" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Ikaw masaya ka ba?" pang-aasar pa nya sakin kaya naman tinignan ko sya ng masama.

"Ang mature mo ha."

"Alam mo kasi uso mag-pahinga hindi naman masama." sabi pa nya kaya lalo akong nairita sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Nakakasira ka ng araw layas shoo! May performance pa ako leche." pagtaboy ko sa kanya.

"Bakit mga pang-broken kinakanta mo? Alam ko namang broken ka pero wag mo naman ipahalata?"

"Ikaw bakit mga broken pinapakinggan mo? Alam kong broken ka kaya naman wag mo ipahalata." pang-aasar na balik ko sa kanya.

"Pasalamat ka Amara kaibigan kita kung hindi baka basag ulo mo sakin."

"Oh talaga? At tsaka wag mo nga akong tawaging Amara! Sipain ko yang gitna mo para mabaog ka." inis na sabi ko sa kanya.

Kinuha ko na lang muna ang phone ko at nag-scroll muna sa Facebook. May nakita akong news na nanalo daw ang UST Golden Tigress at nakita ko din sa photo si Phoebe kaya naman lumipat naman ako sa Instagram. Pambihira nanadya ba 'to? Bungad na bungad pa sa feed ko ang post ni Phoebe at ang current boyfriend nya kaya naman pinatay ko na lang ang phone ko dahil hindi ako natutuwa ngayon.

"My dearest star! Ready ka na ba?" tanong sakin ng manager ko at tinanguan ko lang sya.

Nginitian ko muna sya bago lumabas. Kinausap din ako ng ibang staff at nilinaw sakin ang gagawin kaya naman tango lang ang mga naging sagot ko sa kanila. Ang ibang staff naman ay tinanong ako kung ayos lang ba ako at tipid ko lang sila nginitian.

Nang tinawag na ako ng emcee ay lumabas akong nakangiti at kumakaway sa mga fans ko.

"This is the first time na nakita ka in person Miss Ami. And it's my pleasure to be the host for today. I'm your biggest fan." sabi ng emcee.

"The pleasure is mine." sagot ko naman.

"Hindi ko na papatagalin pa. The stage is yours." tinanguan ko naman ang emcee at tsaka sya umalis sa stage.

"Hi, guys kamusta kayo?" napangiti naman ako sa hiyawan nila.

"Chill lang ako lang 'to." at saka ngumisi kaya naman natawa sila sa sinabi ko.

"I choose a song and the title is Anymore by Jeon Somi. Do you know her? She was a soloist singer in South Korea and I decided to sing this song because this song is about a breakup that leaves one feeling devastated, hopeless, and regretful. Whether you had a conventional breakup or stopped seeing someone but it was never official, it will leave you feeling incredibly heartbroken." napatigil ako sa pag-explain ng may nakita akong tao na ayaw ko na talaga makita.

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon