CHAPTER 4

15 3 0
                                    


MATAGAL din ang pagtitigan namin ni Phoebe wala sa amin ang nag-salita. Naputol lang ang pagtitigan namin ng may biglang tumawag sa kanya. 

"CAPT! Luto na yung barbecue kain na tayo!" ka-teammate nya siguro ang tumawag sa kanya. 

"Susunod ako!" tumingin naman sya ulit sa akin. 

"Sorry." sabi nya at dali-dali syang umahon. 

Lagi na lang 'sorry' sana ganun ka lang patawarin. 

Sinundan ko sya ng tingin at inakbayan nya ang ka-teammate nya. Nakaramdam ako ng galit kaya naman napag-pasyahan kong umahon na lang din dahil nawalan na ako ng gana. Kung kailan gusto kong makapag-relax bigla namang ganito? 

"Amara!" tawag sakin ni Austin kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. 

"Ano na naman?" pag-depensa nya agad nang makalapit sya sakin. 

"Iniwan mo nanaman ako. Leche ka!" bulyaw ko sa kanya.

"Sorry na. Heto naman alam mo namang pogi 'tong aport mo eh lapitin ng chix. Wag ka na magalit nagpa-luto ako ng pancakes and caldereta kay Mang Ruben." 

"Nasaan na?" tanong ko naman. 

"Tara na. Gusto din nila Mom makasabay tayong dalawa." sumunod naman ako sa kanya at inakbayan nya ako. 

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil madaming nagp-picture samin ni Austin. Mga stolen shots at for sure pinagba-bash nanaman ako. Kung dati lang ay halos mamatay na ako sa masasakit nilang salita ngayon ay wala na. Pero paminsan-minsan naiilang pa din ako. Hindi ba nila alam ang salitang 'privacy'? Oh, well nasa spotlight ako kaya lahat ng atensyon ng madla ay nakatuon sakin. 

"Hala! Si Austin and Amelia pa-picture tayo!" napalingon ako sa nag-salita. Sya yung kanina na tumawag kay Phoebe. Lumapit naman siya samin kaya naman pinagbigyan namin ni Austin. 

"Thank you po! Ang ganda nyo po sa personal Ms. Amelia!" papuri nya sakin. 

"Thank you." I smiled at her. Napatingin naman ako kay Phoebe nagtama naman ang tingin naman at sya ang bumali ng eye contact namin. Para syang hindi mapakali kaya naman ay napairap ako. 

"Nandito pala sya?" bulong sakin ni Austin. 

I thought alam nya? 

"Obvious ba?" 

"Ah! Alam ko na bakit mainit ang ulo mo." ngisi pa nya kaya naman sinuntok ko sya sa braso nya. 

Bago kami pumunta sa VIP room nila Tita Celestine naligo muna ako at tsaka nag-bihis. Pinili ko ang color yellow na flower dress. It's see through pero hindi naman sobrang see-through just enough to cover my body. Tumungo naman na kami sa kwarto nila Tita napanganga naman ako sa kwarto nila. 

Sobrang ganda! Kasing ganda ko! 

"Nakakatuwa na kasabay ko na ulit kayong kumain. Parang kailan lang." sabi ni Tita. 

"Namiss ka po namin, Tita." I smiled at her. Tita Celestine is my second mother and she knows of my sexuality and gladly Tita Celestine accepts me. 

"How's school Austin and Amelia?" tanong naman ni Tita samin. 

"Doing good medyo nakaka-stress ilang professor masyadong demanding akala naman nila hindi lang sila mga professor." sabi ni Austin. 

"Same with Austin. Pero wala naman kami magagawa mabuti na lang din yung ibang professor sa course ko binibigyan nila kami ng consideration." sagot ko sa tanong ni Tita. 

"After nyo sa studies nyo ano naman ng balak nyo?" tanong naman ni Tito. 

"Siguro ako Tito I will take a rest of everything. Actually, I feel tired these past few days. Maybe 1 year break lalo na sa music industry." nginitian ko naman sila.

"That's a good idea! How about sumama ka samin mag-travel don't worry sa airfare mo kami na bahala." suggest pa ni Tita.

"I will think about that." I smiled. 

Sa family ni Austin I'm safe and it's like I belong to their family pakiramdam ko nga na-switch baby lang ako. I am just kidding. I love my family, especially my mom but sometimes she pressures me a lot. I wanted to rest pero ayaw nya. I need to earn for my future dahil hindi daw tayo sigurado kung hanggang kailan ako sisikat. 

But I think this is too much. Too much from everything. I'm overwhelmed by the spotlight. If God let me choose my life again I rather not choose this kind of life. I don't have freedom and I can't do anything I want. Simple mistakes people around will judge you so harshly as if they know you. 

Sinulit naman namin ni Austin ang pag-stay dito. Hinihintay na lang namin ni Austin ang sunset and after nun aalis na kami. Nag-order naman ako ng mango shake habang hinihintay ang order I accidentally over heard something. 

"M-max, don't worry h-hindi naman kami nag-kita." it's Phoebe's voice!

"I'm n-not w-with her. A-aalis din k-kami agad." hindi nya siguro ako napansin at dali-daling umalis sa pwesto nya. 

Okay lang ba sya? She seems scared. 

Tinawag naman na ang order number ko at umalis na. Sakto naman pag-alis ko ang paglubog ng araw. This is perfect. Inilabas ko ang phone ko and I took a lot of photo of this beautiful sunset. I smiled. Hindi ko naman napansin na kinukahanan din pala ako ni Austin ng photo. Ngumiti naman ako para maganda ako sa picture. 

Nilipat naman ni Austin ang mga photos ko na nasa kanya. I uploaded my pictures na kuha ni Austin. Napatitig ako sa mga pictures na kuha ni Austin. 

I can't believe that I can smile like this again. 

Hindi ko maiwasang mapaluha. I miss my old life with Austin and Phoebe. Meron bang time machine? Seriously if there is any bibilhin ko at hindi ako magsasawang balikan ang nakaraan. Kahit si Austin alam ko din napapagod na sya. We could quit but we can't. We still have contract to follow. 

"Hoy? Ayos ka lang?" pag-aalalang tanong sakin ni Austin. 

"Yeah. I'm just happy." I smiled at him while wiping my tears. 

"Thank God! Akala ko na-paano ka na. Akala ko inaway ka nanaman ni Phoebe susuntukin ko yun!" sabi pa nya.

"Kaya mo?" napatigil naman kami pareho.

"Suntukin ng halik!" pang-aasar nya kay Phoebe. Inirapan lang ni Phoebe si Austin at tinignan naman ako ng matagal ni Phoebe. 

"Let's go na." sabi ko kay Austin. I feel suffocated every time na nakakalapit ako sa kanya. 

"Kumu live tayo bukas?" biglang sabi ni Austin. 

We are heading back to Manila. At habang nagmamaneho kami ay nagc-carpool kami. I really had a great time with Austin. Sana hindi nya din ako iwan hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kapag sya din umalis sa tabi ko. 

"Anong sagot mo?" tanong nya ulit. 

"Sure." I smiled at him and he do the same. 


٩꒰ʘʚʘ๑꒱۶٩꒰ʘʚʘ๑꒱۶٩꒰ʘʚʘ๑꒱۶

I forgot to upload my new book cover! I hope all of you guys enjoy reading this story. Thank you and keep safe everyone!

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon