PROLOGUE

54 9 1
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 


This story is not affiliated with UST, NU, ADMU, DLSU and other universities, UAAP Team, UST  Growling Tigress and NU Lady Bulldogs.


Please be advice that this story contains matured themes and strong language that are not suitable for young audiences. Read at your own risk.


***


DALI-dali akong bumaba sa hagdan dala ang mga papel na inutos sakin ng teacher namin. Halos mahulog na ako sa kakamadali ko. Kailangan ko na tong maibigay agad sa teacher namin sa Filipino kung hindi malalagot nanaman ako sa teacher ko sa English dahil baka ma-late pa ako sa klase nya. Yung teacher ko pa naman din na yun laging mainit ang ulo akala mo naman laging meron pero wala namang matres.

Kaka-madali ko nabangga ko si Austin Farris Montero ang crush ko since elementary! Shocks, nakakahiya.

"I'm sorry Austin. Hindi ko sinasady---" hindi pa natatapos ang sinabi ko nang bigla nya ako sinamaan ng tingin.

"What the fuck? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo. Pasalamat ka at babae ka kung hindi nagulpi na kita." kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Dahil sa katangahan ko natapon sa damit nya ang favorite juice nya at nagkalat din ang mga papel na dapat dadalhin ko sa office.

"Uso pala mga kupal sa school na 'to?" nagulat naman ako sa taong nag-salita sa likod ko. Dahan-dahan naman ako lumingon kung sino yun.

"What did you say?" tanong ni Austin pero halata sa boses nya ang galit.

"Oh, bakit ka sumagot? So kupal ka?" sabi pa ng babae.

"Sino ka ba ha? Tomboy ka ba? At mukhang bago ka lang dito gusto mo bang ma-bully?" pananakot pa ni Austin pero mukhang hindi natinag ang kalaban nya.

"Pft."

"Anong nakakatuwa ha?" halos pasigaw na untag ni Austin at lahat ng mga estudyante napapa-tingin na sa kanilang dalawa.

"Mukha mo mukha kasing clown. Yung asong clown to be exact." binuntutan pa nya ng tawa kaya ako naman natawa.

Aambahan na sana ni Austin ng suntok ang babae pero agad nakailag sya dun at sinuntok naman sa mukha ni ate girl si Austin kaya kaming lahat nagulat sa ginawa. Aaminin ko red flag talaga yang si Austin pero hindi ko alam bakit crush ko pa din sya. Ang weird no?

Nagkakagulo na silang dalaw at wala man lang umaawat. Buti na lang ay dumating si Lucy the student council president para awatin ang dalawa.

"Both of you sa guidance office." maawtoridad na pahayag ni Lucy.

"Hindi pa tayo tapos." sabi ni Austin at sinipa pa ang basurahan.

"Tapos na palabas magsi-alisan na kayo." sigaw pa nung babae.

Ako naman ay pinulot na ang papel na nagkalat sa sahig. Lagot na talaga ako nito running for valedictorian pa naman ako at ayaw kong may ma-miss na lesson dahil mahirap din habulin. Oh diba sana lahat hinahabol.

Busy ako sa pagpupulot ng mga papel, hindi ko napansin na tinulungan pala ako ni Ate girl. Nilahad nya sakin ang mga papel at tinanggap ko naman yun.

"Thank y---" naputol ang sasabihin ko ng bigla syang tinawag ni Lucy.

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon