CHAPTER 3

18 6 0
                                    


"MAGANDANG opportunity po samin ng mga ka-teammates ko. And hoping magtuloy-tuloy na itong pagkapanalo namin hanggang finals. Sa coach namin na walang sawang sumusuporta samin ng mga teammates ko thank you. Sa mga schoolmate ko sa UST para sa inyo 'to!" pinapanood ko ang game nila Phoebe. Kalaban nila ay Ateneo Lady Eagles and UST Growling Tigress won. 

"May gusto ka pa bang pasalamatan?" tanong sa kanya ng reporter. 

"Thank you sa family ko na walang sawang sumusuporta sakin also kay Maxrill thank you so much for being with me. To my teammates thank you din." narinig naman ang hiyawan ng mga Thomasian. Pinatay ko naman ang cellphone at padabog na nilagay sa bag ko. 

"Bad trip."

"Nanalo daw sila ha." pambungad ni Austin. 

"Shut up." 

"May dalaw na naman? Yikes." natawa naman sya at ako naman sinamaan lang sya ng tingin. 

"Tumahimik ka nga. Nakakasira ka ng araw alam mo ba yun?" iritable kong sabi sa kanya. 

"Hindi kakasabi mo lang eh." sinamaan ko naman sya ng tingin. 

"Arat mamaya sa school may ipapakilala akong chikababe!" sabi nya at nag-pintig ang tenga ko sa mga sinasabi nya. 

"Alam mo ang balahura mo talaga mag-salita. Mabuti pa tumahimik ka." nasa condo nya kami ngayon it's Wednesday and it's only our bonding day. Dahil mamaya pupunta kaming Tagaytay dahil trip nanaman ng isang 'to mag-road trip. Sabagay sasakyan naman nya gagamitin namin hindi naman sasakyan ko kaya safe ako sa pag-gastos ng gas.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Agad ko yung tinignan at nakita ko ang chat message ni Logan sakin. 


From: Lag yarn?

Are you free tonight?


Agad naman akong nag-type sa message nya sakin. 


To: Lag yarn? 

I can't. Bonding time with Austin. How about Friday night?


Bilis naman mag-seen nito siguro crush ako nito? Just kidding.  


From: Lag yarn? 

Oh okay. Friday night then. Have fun you two! 


Nag reply na lamang ako ng 'Thanks' at tsaka tinago ang phone sa bag ko.

"Ang dry naman ng reply mo. Wala man lang 'I love you Logan' with mwuah mwuah emoji." sabad ni Austin.

"I didn't know na chismoso ka." inirapan ko naman sya. 

Pinaandar naman ni Austin ang sasakyan kaya ako naman ay umidlip saglit dahil malayo-layo pa naman ang byahe. Nagising naman ako dahil sa ingay nya. Kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. 

"Mabuti naman at gising ka na boss madame! Grabe haba ng tulog natin no? Sana all na lang." sarcastic nyang pahayag kaya naman inirapan ko sya. 

"Ako naman magd-drive pauwi wag ka nang mag-reklamo dahil ang sakit mo sa tenga." 

"Aba dapat lang! Sa gwapo kong 'to magiging driver mo lang? Ang kapal naman ng mukha natin." inirapan ko naman sya. 

Nandito na kami sa isang private resort ng pamilya ni Austin. Close ko din naman ang mga magulang nya kaya okay lang sa kanila na mag-kasama kami. Mabuti na lang din ay hindi nabibigyan ng malisya ang friendship ni Austin. Ang meron sa amin ni Austin ay platonic relationship lang. Nothing more, nothing less. 

Pagkababa naman sa sasakyan ay bumungad samin si Tita Celestine kaya naman bumeso ako sa kanya at niyakap ko naman si Tito Marcus. 

"Long time no see, Amelia! Ang ganda mo pa rin anak kamusta ka na? How's your career?" tanong naman sakin ni Tita. 

"I'm doing great Tita. How about you? You still look younger tita ano bang secret?" I teased her kaya naman kaming apat ay natawa.

"Beauty rest lang hija! And I'm so thankful na nagkita ulit tayo. Alam mo naman travel around the world kami ng Tito Marcus mo." sabi naman ni Tita.

"How about you my baby? Kamusta na ang baby namin ha?" niyakap naman ni Tita Celestine si Austin kaya naman natawa ako sa reaksyon ni Austin nang tinawag sya ni Tita Celestine na 'baby'.

"Mom! I'm not a baby anymore." pagrereklamo ni Austin at niyakap pa rin si Tita. 

"Wag ka na mag-tampo anak. Ikaw pa rin ang abunjing-bunjing ni Mommy!" natawa naman kami ni Tito sa kanilang dalawa.

"Kamusta ka naman Amelia?" pangangamusta sakin ni Tito.

"I'm doing awesome." at nginitian sya. 

"I know that it's hard na maging artista and singer at the very young age. Sa edad nyo ni Austin dapat nage-enjoy pa kayo sa kabataan nyo dahil hindi nyo na mababalikan yan." I heard his concern about me and Austin. 

"We are enjoying of what we are doing Tito don't worry about us," I assured him and he give me a hug

Tito Marcus was right. I should enjoy the life of youth. Music is my life now. But I know there is something missing. It feels like there is still a hole in my heart. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. I came here to relax kaya ayun ang gagawin ko. 

Pumunta na kami sa pina-reserve na kwarto ni Austin. Hindi din naman kami magtatagal dito dahil mamayang five o' clock ay aalis na kami. Nilapag ko ang gamit ko sa kama at humiga muna saglit. Nakita ko naman si Austin na pumunta sa may terrace magsi-sigarilyo siguro. 

Ako naman ay nag-selfie and I uploaded it Instagram story. Hindi na ako nag-abala mag-lagay ng caption dahil tinatamad ako mag-isip. Nag-bihis naman ako ng two-piece habang nasa banyo ay nag-mirror shot muna ako bago lumabas. 

"Wow ang sexy natin ha." papuri sakin ni Austin at nginisian ako. 

"Ako lang 'to." nginisian ko naman sya.

"Tara selfie tayo." pagyayaya ko sa kanya. 

"Kaya tayo nali-link in eh." napailing naman sya. 

"Ano namang pake ko sa kanila? Edi i-bash nila ako duh. Tara na." kinuha naman nya ang phone ko at sya na ang kumuha ng litrato samin. 

We tried different poses from normal pictures to wacky pictures. I upload it to my Instagram account and I captioned it 'With the best guy in the whole world!' and I tagged Austin's account in the pictures. 

Pinilit ko talagang picturan ako ni Austin dahil minsan lang ako magpa-picture at sa beach resort pa nila. Kaya naman wala syang nagawa kung hindi sundin ako. I tried different poses. Nakailang pictures din kami bago maligo sa beach. I uploaded my pictures in Instagram again. Syempre sexy ako sa pictures eh. Tamang flex lang. Nag-lagay naman ako ng sunblock bago lumusong sa dagat. Nakita ko naman si Austin na may kalandiang babae. 

Ayos itong ulupong na 'to isasama-sama ako dito tapos ganyan? 

Napairap na lang ako sa kawalan. Kaya naman ay lumangoy na lang ako. Habang lumalangoy hindi ko napansin na may nabangga pala ako. Napatigil ako hihingi sana ako ng tawad ng bigla kong nakita ang taong kinamumuhian ko. 

What the hell is she doing here?!

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon