CHAPTER 2

22 6 0
                                    


NAKAHALUMBABA lang ako habang nakikinig sa course subject namin na Psychotherapy and Counseling. Wala na talaga akong naiintindihan sa dinidiscuss ni Sir Peter kaunti na lang at babagsak na ang talukap ng mata ko. Sobrang na-drain ako sa long quiz namin kanina sa Human Anatomy. May surprise quiz pang naganap na sa General and Inorganic Chemistry. Gusto ko na mag-reklamo sa pagod pero hindi naman pwede. Iidlip lang ako saglit hindi naman ako makikita ni Sir Peter dahil nakaupo ako sa likod. Madami pa naman akong gagawin mamaya gusto ko na lang maiyak sa pagod. 

Naramdaman kong may nagyuyugyog sakin para gisingin ako. Ginising ako ng isang ka-blockmate ko dahil tapos na pala ang time ni Sir Peter. Napatayo naman ako bigla at nakaramdam ng hilo. 

"Hoy ayos ka lang Sanchez?" inabutan ako ni Joseph ng tubig at ininom ko naman yun. 

"Yeah. Thank you." sabi ko sa kanya at inayos ang mga gamit ko tsaka binasa ang chat message sakin ni Austin. 

From: GhAUSTINg...

Meet me at the cafeteria after your class...

Sumakay ako sa elevator ng school. Pagkabukas naman ng elevator ay dali-dali akong lumabas at pumunta sa cafeteria. Hinanap ko kaagad si Austin at nakita ko naman sya kaagad. Kapal ng mukha may kalandian pa palang dinala. Lumapit naman ako sa kanya at tinaasan lang sya ng kilay. 

"See you later, babe." sabi pa nung babae at hinalikan sya sa pisngi. Really guys gusto kong masuka dahil sa mga nakikita ko. 

"Anong problema?" bungad kong tanong. 

"Kain tayo." simpleng sagot nya.

"Libre ko." dagdag nya pa at tsaka naman ako umupo sa harap nya. 

Austin Farris Montero kung dati lang ay crush ko sya ngayon naman ay isa na sya sa trusted kong kaibigan. He was with me through my ups and downs. He was taking Business Administration major in Marketing Management here in National University. Hindi daw kasi sya napapanatag na baka daw may mangyaring masama sakin also he is an artist din handle kami pareho ni Mommy Oli. 

"Kumain ka ng marami! Nakikita mo ba yang itsura mo? Konti na lang magiging kamukha mo na yung stickman dun sa Larva." pangaral nya pa kaya lalo ko naman sya sinamaan ko sya ng tingin. 

"Kamusta ka naman? Nahihirapan ka ba sa course subject mo this term?" tanong ko sa kanya habang kumakain. 

"I'm doing good and basic lang sakin mga course subject namin ngayon." 

"So yabang." napairap naman ako. 

"Ikaw kamusta ka naman?" 

"I wanted to die. Nakatulog pa ako sa time ni Sir Peter." sabi ko sa kanya na may halong iritasyon.

"Dude, walang bago lagi ka namang tulog sa mga klase mo. Nanibago pa nga." pang-aasar pa nya sakin. 

"Alam mo kung wala kang sasabihing matino shut up na lang ha." sabi ko sa kanya at inubos ang pagkaing ni-libre nya sakin. Hays, sarap talaga kapag libre.

"Do you still have class pa ba?" tanong nya sakin. Kaya naman umiling ako. 

"How about sa organization club mo?"

"May event lang kakanta lang ako saglit pwede na daw ako umalis after sabi ni Brigette." sabi ko naman sa kanya. 

"Pwede makinood?" tanong nya pa. 

"Duh! Member ka dun. Echoserong frog 'to." 

"Echoserong frog 'to." panggagaya nya sa sinabi ko. Kaya naman inirapan ko sya. 

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon