CHAPTER 8

10 2 0
                                    


THREE months had passed and luckily we survived the first term of this year. Two more to go and hello internship. Austin and I decided to go to Xylo later to celebrate our survival for this term because, to be honest, this term gives me so damn a headache! Kahit si Austin nun ay panay reklamo na din sakin dahil ang mga professor nila ay tinatambakan sila lalo naman ang mga professor ko. Nagpapaligsahan yata sila sa padamihan ng activities. Buti na lang talaga natapos na ang term na 'to. 

I wore a sexy dress but not so revealing dress just enough to cover my body. Nag-ayos din ako ng mukha dahil ako ay maghahanap ng pogi dun. Just kidding I'll be going there to have fun. Sakto naman pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay bigla naman tumunog ang doorbell ng condo ko. Kinuha ko naman na ang gamit ko at lumabas na ng condo. 

"Ang sexy natin ha." 

"Syempre ako lang 'to." mayabang kong saad and I saw he rolled his eyes kaya naman natawa ako. 

"Wag ka na ngang ano dyan. Pogi ka din naman eh." 

"Oh well. Austin Farris lang 'to ang sinayang mo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. 

"Di tayo talo." sabi ko sa kanya kaya naman natawa sya. 

"I know." makahulugan nyang saad kaya naman inirapan ko sya. 

Patuloy pa din kaming nag-aasaran hanggang sa makarating kami sa Xylo. Bumungad naman sakin ang malakas na tugtog ng bar at nakikita ko din ang mga taong nagkakasiyahan. Mostly yata ang nandito ay mga students. Oh well, minsan lang naman kaya sulitin. 

May lumapit samin at laking gulat ko na lang kung sino ang nakita ko. Si Maxrill kasama nya din si Phoebe. Nakita ko naman ang pagdikit nilang dalawa gusto kong masuka sa nakikita ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa condo pero pinigilan naman ako ni Austin. 

"Let's have fun. Hindi naman tayo pumunta para sa kanila." sabi ni Austin tsaka ako hinalikan sa noo. Kaya naman nginitian ko sya. 

Tama naman sya. Hindi naman kami pumunta dito para sa kanila sadyang mapag-laro ang tadhana at nagkataon na nandito din sila. Nag-order naman na kami ni Austin ng inumin. Nang dumating na ang tequila na order ko ay agad ko yung nilagok. Mataas naman tolerance ko sa alcohol kaya ayos lang. 

May lumapit naman samin at hindi na ako nagulat kung sino ang nakita ko. It's Nerie and her cousin. Kumaway naman ako para makita nila ako at parang na-excite na lumapit sakin ang dalawa. Niyakap naman nila akong dalawa at ginantihan ko din sila ng yakap. 

"Ang sexy natin sis! Arat na hanap na tayo chix!" bulong sakin ni Nerie kaya naman natawa ako. 

"Baliw." 

"Well well well, who we have here." narinig ko ang baritonong boses ni Austin kaya naman nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Ina. 

"Ang panget mo." heto na naman po sila. Kaya naman iniwan namin ni Nerie ang dalawa mag-away. 

Pumunta kami sa dance floor at sumayaw kami ni Nerie dun at nagchi-chikahan din sa buhay namin. Nakakatawa nga eh kasi mukhang lasing na sya nakailang inom pa lang sya ng mojito na inorder nya pero mukhang natamaan sya. 

"Ay nandito ang girlfriend ko pati si Yumi. Tara puntahan natin." hinila naman nya ako at hinanap naman namin si Yumi. 

Nang makarating kami ay tumabi naman ako kay Yumi. Sa loob ng tatlong buwan naging malapit din kami ni Yumi hindi ko alam pero sobrang komportable ako sa kanya at nagkakasundo din kami sa ibang bagay kaya siguro ganun na lang yung closeness namin. 

"Hi Ami! Ang ganda mo ngayon." papuri sakin ni Yumi. 

"Ikaw din ang ganda mo." bulong ko sa kanya at para syang kinilig kaya naman natawa ako. 

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon