CHAPTER 7

13 1 0
                                    


"ANO ba bakit ang bilis mo mag-lakad?!" pag-rereklamo ni Phoebe sakin. 

"You're not funny." sabi ko sa kanya. 

"What?! I'm just asking you." 

"Whatever." I rolled my eyes at hindi pa rin sya hinaharap. 

She asked me something na Nihonggo at hindi ako alam kung nang-aasar lang ba sya or what. But right now I'm confused! Hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko. 

"Amara! Di ba marunong ka mag-Japanese?" tanong sakin ni Phoebe nag-babasa naman ako ng The Lords of The Rings because I'm kinda bored. Tumango naman ako bilang sagot. 

"Yown. Sige." umubo muna sya bago mag-salita ulit. 

"Suki ni natte mo..." 

"Hmm?" 

"I desu ka?" nagulat ako sa tanong nya. 

What the fuck? Did she just ask kung okay lang ma-inlove sya sakin? Namula ang buong mukha ko sa sinabi nya hinawakan ko naman ang ilong dahil parang dumudugo sya. Bwiset ka Phoebe! 

"Pardon?" sabi ko baka kasi namali lang ako ng pagka-dinig. 

Ngumisi lang sya at umiling sya. Ah! Nang-aasar nanaman sya. Hindi naman ito yung unang beses na nagsasabi sya ng ganyan. Hindi pa rin ako sanay kasi minsan pakiramdam ko hindi na sya talaga biro at lalo akong nac-confused sa feelings ko sa kanya lalo na rin ang sexuality ko. 

"Anong nangyari sayo? Bakit dumugo na naman ilong mo? Hindi naman mainit ha!" tarantang tanong nya kaya naman imbes sagutin sya tumayo na ako at umalis. 

Bad trip! 

"Look Amara. I'm sorry kung ano man nagawa ko sorry." 

"Bakit ka nagso-sorry hindi mo nga alam bakit ka nagso-sorry." napairap ako. 

"Bagalan mo na nga kasi mag-lakad para kang horsey!" hindi ko pinansin ang pang-aasar nya at patuloy pa din sa paglalakad. 

Naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko kaya naman napatigil ako. Pinaharap naman nya ako sa kanya. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Nakikita ko sa mga mata nya na natatakot sya. 

"I'm sorry of what I said earlier. H-hindi ko na kasi kayang itago pa." nahihiya nyang sabi. 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang anytime lalabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kaba ko. Napatigil sya at mukhang nagda-dalawang isip kung sasabihin nya pa sakin or wag na lang. 

"Ang alin Phoebe?" basag ko sa katahimikan. 

"Mahal kita, Amara." 

"Mahal din kita Phoebe bilang kaibigan." 

"Hindi mahal kita mas higit pa doon." namula naman ako at naramdaman ko nanaman na may tumutulo sa ilong ko. Punyeta naman. 

"T-talaga?" utal kong tanong sa kanya habang pinupunasan ang ilong ko. 

Hindi sya nag-salita nakatitig pa rin sya sakin. Hindi ko din makuha kung ano ba gusto nya iparating pero nagulat na lang ako na naramdaman ko na lang ang labi nya sa labi ko. 


***


"Ano ba kasi ang gagawin natin dito?" irita kong tanong kay Nerie. 

"Mangba-babae." simple nya lang sagot. 

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon