CHAPTER 12

11 1 0
                                    


FOUR days na ang lumipas since umamin pareho sa akin si Logan and Yumi. At sa loob na apat na araw yun lang ang laman ng isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean aminado naman ako na may itsura ako pero hindi ko pa din lubos maisip na aamin sila pareho at same day pa! 

Baka sila magkakatuluyan. 

Napatayo naman ako sa naisip ko. Nagulat din ako sa ginawa ko kaya naman tinignan ako ng mga kaklase ko. They gave me a weird look kaya naman namula ako sa hiya. 

"Is there any problem, Ms. Sanchez?" malumanay na tanong ng professor ko sa Social Psychology. 

"No problem at all. Sorry, Ms. Yel." paghingi ko ng paumanhin at umupo ulit. 

"Hoy, ano yun?" takang tanong ni Nerie sa akin. 

"Wala." tipid kong sagot at binalik sa ginagawa kong activity.  


***


Afternoon came at sinundo naman ako ni Logan para pumunta sa entertainment company. Since love team pa din kami we need to still act like a couple at kailangan din namin sundin ang nasa kontrata. Medyo malayo pa ang byahe kaya naman I feel a little bit awkward. 

"Hey, ang tahimik mo hindi ako sanay." pangba-basag ni Logan sa katahimikan. 

"Sorry, kinakabahan lang kasi ako." 

Pero totoo talaga na kinakabahon ako dahil magkakaroon ako ng collaboration sa isang sikat na boy band dito sa Pilipinas. Kaya naman tahimik ako plus the awkwardness na meron sa amin ni Logan. 

"I thought dahil pa din sa sinabi ko." nginitian nya ako at nginitian ko din sya. 

Since 1 hour pa bago makarating sa agency namin ay nag-kwentuhan naman kami ng kung anu-anong bagay. Na-kwento din sakin ni Logan ang CHALLENGING nya sa buhay ngayon. When I say challenging meaning love life nya. I am so happy for him as well dahil nakahanap sya ng mag-mamahal din sa kanya. 

Ako kaya kailan? 

Syempre meron ka! At yun ay si Phoebe!  

Napailing naman ako sa mga naiisip ko. Kanina pa 'to naiinis na ko sa sarili ko kung anu-ano na lang mga pumapasok na kalokohan sa utak ko. Hindi ko naman na mahal si Phoebe. I'm just concerned! 

Okay, kwento mo yan sa pagong.

"Argh! I hate you!" inis na untag ko kaya naman biglang nag-preno si Logan. 

"What the hell? Ano ba yan, Ami?" 

"I'm sorry." 

Konti na lang hindi talaga ako magiging Psychiatrist eh ako yung magiging pasyente sa lagay kong 'to. Buti naman at nakarating na kami sa agency namin ni Logan. Mabuti naman at hindi ako pinagalitan ng manager ko. 

I read the contract and I discuss something to them kasi may ibang part sa kontrata na ayoko din gawin. My management and the management of the band agreed to my terms kaya naman si Mommy Oli na lang ang kukuha ng panibagong kontrata para pipirmahan ko na lang. 

Nakipag-bonding naman muna ako sa kanila and to get know with them na din since ilang months ko din sila makakasama. Hindi ko napansin na 6 in the evening na kaya naman nag-paalam na kami sa isa't isa. All I can say is our collaboration will be success I'm comfortable to them kaya feeling ko magiging success talaga. 

Hinatid naman ako ni Logan sa condo unit ko. Umalis naman sya kaagad dahil ang kanyang 'Love of my life' kuno ay susuyuin pa nya kaya naman natawa ako. Nang nakarating ako sa condo unit ko nagulat ako nang makita si Phoebe nakaupo sa pinto. 

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya. 

"Nakaupo." pilosopong sagot nya sakin. 

"Alam ko ang ibig kong sabihin bakit ka nandyan!" iritang kong paliwanag sa kanya. 

"Duh, naghihintay sayo!" irita din nyang sagot sa akin. 

Napahawak naman ako sa bridge ng ilong ko dahil sa inis. Konting konti na lang nauubos na pasensya ko dito sa babaeng 'to. Pasalamat 'to mahal ko pa 'to at hindi ko sya masambunutan. Argh, I hate that thought! Nakakainis maging marupok. Wag gayahin. 

"Hindi mo ba bubuksan 'to? Ang tagal ha." sarcastic nyang sabi. 

Inhale. 

Exhale. 

Inhale. 

Exhale. 

Kalma ka lang, Amara. Mahal mo naman yan kaya habaan mo na lang pasensya mo. 

I mentally rolled to myself. I'm in grave danger talaga lechugas. Move on my ass. Ano nga ulit nagustuhan ko dito sa bruhang 'to? Hindi ko matandaan na bakit pinatulan ko 'to. Binuksan ko na ang pinto ng unit ko at nauna pa syang pumasok. 

For da feel at home ang ferson! 

Umupo naman si Phoebe sa sofa at binuksan ang TV. Hinayaan ko na muna sya at dumiretso sa kwarto para mag-bihis. Paglabas ko ng kwarto nakita ko namang nanonood sya ng Weathering With You sa Netflix. Lumingon naman sya sakin at tinuon ulit ang atensyon sa TV. Napairap naman ako sa kawalan. 

Kumuha naman ako ng dalawang banana milk na naka-stock sa refrigerator. Umupo ako sa tabi nya at inabot ang banana milk. Kinuha naman nya sa akin iyon at ininom. Nakinood naman ako sa pinapanood nya.  

"Kamusta ka?" tanong ko sa kanya. 

"Ayos lang." tipid na sagot nya. Tumango naman ako. 

"Ikaw? Kamusta kayo ni Logan?" 

Why is she keep asking me and Logan? 

"We're good." yun na lang sinagot ko. Tumango naman sya sa sinabi ko. 

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. 

"Boring sa condo. Wala akong kasama mga busy din mga teammates ko sa midterm." 

"May midterm pala kayo tapos nandito ka? Umuwi ka na at mag-review!" 

"Nah. I can ace my exam. Ako pa ba." sabi nya at ngumisi kaya naman kumunot ang noo ko sa sinabi nya. 

Oo nga pala. Matalino kasi 'tong babaeng 'to pero tanga pumili ng jowa. 

"Pero sana naisip mong mag-ex tayo diba. Kapag nabalitaan na naman 'to ng mga magulang mo mapapahamak ka na naman." sabi ko sa kanya. Nakita ko sa mata nya na naluluha sya sinabi ko. 

"I don't give a damn with them. The real reason why I'm here is that..." namula ang pisngi nya at mukhang nag-aalangan pang-tapusin ang dapat nyang sasabihin. 

"What?" I urge her to tell me what she is supposed to say. 

"Argh! Nevermind I will be going." tumayo sya at hinawakan ko naman ang pulsuhan nya para pigilan sya. 

"Ayan ka na naman. You will left me hanging ganyan ka talaga paasa ka. Pinapaasa mo na naman ako, Phoebe." iritang sabi ko sa kanya. 

"This is not my intention to hurt you again. I'm sorry for keep coming back to you. Don't worry, lalayuan na kita." malungkot nyang sabi sa akin. 

"Do you think na hahayaan kitang umalis? No, never again." hinila ko sya palapit sa akin. 


And with that, I kissed her and everything is history...

NU SERIES: The Day I Met HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon