CHAPTER 20

150 46 5
                                    

"Feel free to leave, but please be careful!" agad na kaming umalis at tinahak ang lugar kung saan pwedeng makita ang mga halamang gamot na pinapahanap sa amin. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming gawin 'to, para saan ba ang mga ito? mataas na ang araw at patuloy pa rin kami sa paghahanap. Napatingin ako sa mga kasamahan ko, ako na lang pala at si Tristan ang naghahanap! Ang dadaya nila!

"Hoy, wala pa ngang nahahanap nagpapahinga na?" sarkastiko kong sigaw sa kanilang apat.

"Nakakapagod kaya, tsaka ang init-init oh!" nakangusong wika ni Prima habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay nito.

"Ang tatamad niyo lang eh!" agad ko na silang tinalikuran at patuloy na hinanap ang kailangang hanapin. Saan ko ba kasi 'to makikita? May binigay si Sir sa kada-grupo na pictures ng mga halaman na 'yon, pero kahit isa dito wala pa akong nakikita. Dito ba talaga nakatanim 'yon?

"It's a rare plants, dito lang daw 'yon sa palawan makikita." napalingon ako kay Tristan na ngayon ay nasa tabi ko na pala, naghahanap rin.

"Rare? so mahirap nga hanapin!" reklamo ko. Hindi naman ako against sa paghahanap, kaso ilang oras na ang lumipas hindi pa rin namin nakikita, wala pa kaming nahahanap kahit isa.

"Maligo na lang kaya muna tayo?! Look, there's a beach down there!" sabay kaming napalingon kay Prima, tinuturo nito ang dagat sa baba. Nasa mataas kaming parte ng kagubatan, hindi ko inaakalang sa baba pala nito ay may dagat.

"Let's go!" mabilis na kumaripas ng takbo sina Rage, Clyde, at Kyro papunta kay Prima.

"It's hot, want to go?" ano pa bang magagawa ko? Eh gusto nilang lahat tapos ako hihindi? Talo ako pag nagbotohan pa. Sabay kaming nagtungo kung saan sila.

Wow, the ocean looks so beautiful here! The glimmering blue water, the waves that keep coming back in the shores, the cold breeze.

"Ano pang ginagawa niyo dyan? tara na!" nakalatag na sila ng tela para maupuan, may payong na rin ito. Feels like, Prima preparing for this. Halatang pinaghandaan ng gaga!

"I'll catch you." hindi ko namalayan na nasa baba na pala si Tristan. Kasing taas ng isang tao ang cliff na 'to.

"I can handle myself." hinawakan ko muna ang string bag na suot ko at tumalon, muntik pa akong masubsob sa buhangin buti na lang at nahawakan ako ni Tristan.

"Ah, the water is so refreshing!" napatingin ako kay Prima na naliligo na ngayon, naka two piece lang ito. Mabilis na naghubad sina Kyro, Clyde at Rage ng damit nila. Tanging boxers lang natira, mabilis nilang tinungo ang tubig at masayang nagtatampisaw.

Nilapag ko ang bag ko sa telang nakalatag, umupo ako at masayang pinanuod sila.

"Not gonna swim?" naramdaman ko ang pagupo ni Tristan sa tabi ko.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon