CHAPTER 32

115 46 6
                                    

FLASHBACK




"Prima!" I call her.

"I hate you, don't follow me!" mabilis siyang naglakad palayo.

"Please, wait for me. Let's talk!" mabilis ko siyang hinawakan sa balikat at hinarap sa akin. I know it hurts for her, to say that to Rage. Nadala lang siya ng emosyon niya.

"Don't touch me!" malakas niyang tinabig ang kamay ko na nakahawak sa kaniya, ngunit hindi ako nagpatinag kaya't muli ko siyang hinawakan.

"Let's talk, first." patuloy sa pagtulo ang luha niya. Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko ng makita siyang nagkakaganito.

It is my fault?

"Ano pa bang pag uusapan natin, Ezriah?" galit na mga mata ang sumalubong sa akin.

"Matapos mo 'kong iwanan dito mag isa? Alam mo ba kung ilang beses kong sinubukan na hanapin ka? halos mabaliw na ako kakahanap sayo!" tila may kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko at hindi makapagsalita.

"You just left me here behind! Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sayo!" humihikbi niyang sigaw.

"At ito namang si Rage, na akala ko tutulong sa akin na mahanap ka, ay siya rin pala 'tong magtatago sa akin ng katotohahan. Kung hindi ko pa siya sinundan ay hindi ko pa malalaman na buhay ka..." I hug her, I hug her so tight. Ngayon ko lang napagtanto na may iniwan akong mahalagang tao sa akin.

"Tahan na, sorry..." nagsimula ng magpaunahan sa pagtulo ang aking luha.

"I'm sorry...Prima..." mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Pagsisisi ang bumabalot sa puso ko ngayon.

"I'm sorry for leaving you behind..." hindi na maawat ang aking luha sa pagtulo.

"I'm sorry..." tanging yan lang na salita ang lumalabas sa bibig ko.

"I thought your not coming back anymore, akala ko hindi na kita makikitang muli..." she said. I missed her, I really missed her.

Pinunasan ko ang aking luha gamit ang sariling kamay.

"Hatid na kita sa inyo," nginitian ko siya and she wipe her tears and smiled back.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon