"Good afternoon, Ma'am" andito na kami sa resto.
"Good afternoon too" ngumiti din ako pabalik.
"Paano yan? una na ako ah, salamat pala" paalam ko kay tristan.
"Goodluck!" natawa na lang ako at pumunta na sa staff room para magbihis.
"Ezriaaah! Kilala mo yung pamangkin ng may-ari?" bungad na tanong ni Claire, isa din sa nagtatrabaho dito.
"Medyo" sagot ko pabalik.
"Close ba kayo?" pang-uusisa pa nito.
"Hindi naman masyado" tanging sagot ko.
"Hays! Sayang!" napabuntong hininga naman 'to.
"Bakit? May kailangan ka ba?" sinuot ko na ang bonet.
"Huh? Wala!" pero mababakas sa mukha niya na meron.
"Okay, sige punta na ako sa pwesto ko"
"Teka!" pigil nito sa akin.
"Bakit?"
"Eh kase, a-ano kase" utal na wika niya.
"Kase? Ano?" gulo nitong babaeta na 'to.
"Wag na nga lang!" oh parang timang!
"Bahala ka, una na ako baka mapagalitan pa ako eh! Mamaya na lang" agad na akong pumunta sa pwesto ko.
Daming tao ngayon dito, hectic gawain namin ngayong araw. Ang shift ko ay 4:30pm to 10:30pm, yung iba is 12:00 na umuuwi.
"Hi Ezriah, Can we talk?" parang kinabahan naman ako sa sinabi ni boss.
"Sure ma'am" waaah! kinakabahan ako.
"Gusto mo bang maging waitress?" ay yon lang pala eh!
"Huh? Waitress ma'am?!" napataas ang boses ko, nakakahiya!
"Ayaw mo ba? Masiyado bang mahirap para sayo?"
"Hindi po ma'am, gustong-gusto ko nga eh" medyo nakakabagot din kase maging cashier.
"You can start today"
"Today na agad? sige po, maraming salamat" nahagilap ng mata ko si tristan, nakangiti.
"Congrats" basa ko sa bibig niya, nginitian ko lang ito.
"Eh ma'am sino po papalit sa pwesto ko?"
"I'll handle that" mukhang mataray si ma'am pero medyo mabait naman. Pumunta siya kay tristan kaya umalis din muna ako.
"Ang sipsip masiyado no?" rinig ko pagpasok sa kusina.
"Oo nga, kay bago-bago pa lang eh" alam ko naman na ako yung pinaparinggan.
"Palibhasa kase mga inggitera" biglang sabat ni claire.
"Hoy, wag mo nang patulan" siniko ko naman siya.
"Totoo naman eh" umirap pa ito.
"Baliw, hayaan na lang natin" naghugas muna ako ng kamay at nagsuot ng apron.
"Nga pala, congrats!" ngumiti naman ako.
"Thank you!" masayang sabi ko. Clair is my new friend here, simula nang magtrabaho ako dito. Claire Samonte is also a student, same kami ng shift, pero hindi kami same ng school. sayang!
"Bring this order, table 7" sabi ng chef, agad ko itong kinuha. Hindi pa ako masyadong marunong humawak nito pero mapag-aaralan naman kaya keri lang.
"Here's your order sir" agad ko na 'tong nilapag sa mesa.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)
Fiksi RemajaShe's a Mafia's Daughter that living with a revenge since then but one day her cold and untalkable attitude changed when she lost her memories. She's now living with lovable, being kind with others, forgetting the strongest will she's been carrying...