Hindi pa sumisikat ang araw ay mulat na ang aking mata. Agad na hinanap ko si Tristan ngunit wala ito sa tabi ko.
"Tristan?" napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang kirot, natulog ako ng basa ang buhok.
"Change your clothes." napalingon ako sa aking likuran andito lang pala siya, pinapatay ang apoy. Napatingin ako sa sahig, nakalapag dito ang damit kong sinampay kahapon.
Nag-inat pa ako ng katawan bago kunin ito. Tinungo ko na ang sirang banyo para magbihis.
"Let's go." hindi man niya kailangang sabihin ay nahahalata kong gusto niyang magmadali kami. May naghahabol pa ba sa amin? Napalingon lingon ako sa paligid, wala akong makita kasi madilim pa, ang tanga mo Ezriah.
Nagulat ako ng hinablot niya ang kakahubad kong damit at pinasok sa bag niya. Buti na lang at natupi ko na 'yon bago niya kunin sa akin. Tinitigan ko siyang mabuti, ngayon ko lang napansin ang isang kahoy na may apoy sa dulo. Kumawala ang ngiti sa aking labi, palagi talaga siyang handa.
"Ezriah?" napadako ang aking mata kay Tristan, nasa pintuan na siya at handa ng lumabas. Nalulunod na naman ako sa mga iniisip. Nagreklamo pa siya dahil ilang beses niya daw akong tinatawag ngunit hindi ako sumasagot.
Mabuti naman at tumila na ang ulan, makakaalis kami ngayon. Inaninag ng mata ko ang lalaking nagtakang kumidnap sa akin kahapon, pero hindi ko makita dahil sa dilim nga.
"Hold me, don't let go. Baka mawala ka." nag-iingat lang ba talaga siya? o gusto niya lang akong lituhin? hindi ko alam ngunit kumalabog ang pintig ng aking puso sa mga sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay ni Tristan, he flinched but hindi niya 'yon pinahalata.
"Malayo pa ba tayo sa Hotel?" tanong ko sa kaniya, ilang oras na ba kaming naglalakad? pag liwanag ng paligid ay siyang pagbitaw naming dalawa.
"Malapit na." nakita ko ang stick na nakatusok sa lupa, ito yung stick na tinusok ni Tristan kahapon? ito yung lugar kung saan dapat kami magkikita. Lumukot ang aking mukha ng maalala sina Prima, sana nakabalik sila sa Hotel.
"Aray!" napahawak ako sa aking paa. Natapilok ako dahil sa madulas na daan.
"Hey! Are you okay?" nasa boses nito ang pag aalala.
"Oo naman," ngumiti ako at dahan dahan na tumayo, inalalayan niya pa ako. Huminga ako ng malalim at pilit na naglakad, hindi ko matapak ang aking paa. Pero ayokong maging pabigat kay Tristan kaya pinilit kong makalakad.
"I'm fine Tristan, you can let go of me." nag aalangan pa siyang bitawan ako, pero nakumbinsi ko naman.
Mahina at maingat kong hinakbang ang paa, napangiwi pa ako dahil sa sakit. Muli kong hinakbang ang isang paa-
"Be careful!" mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni Tristan bago ako tuluyang saluhin ng lupa.
"I'll carry you." gulat akong napatingin sa kaniya ng pumiwesto siya sa harap ko, nakatalikod at nakaupo.
"Jump in." hindi na ako umangal at umaba sa likod niya. Dahan dahan siyang tumayo at inayos ako. Nakakailang.
"Am I heavy?" tanong ko sa kaniya sa gitna ng paglalakad.
"You're heavy." hindi ko napigilan na hampasin siya sa balikat.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)
Teen FictionShe's a Mafia's Daughter that living with a revenge since then but one day her cold and untalkable attitude changed when she lost her memories. She's now living with lovable, being kind with others, forgetting the strongest will she's been carrying...