CHAPTER 21

129 41 0
                                    

"Stay calm," napatingin ako kay Tristan, nakangiti lang ito at tila hindi kinakabahan sa ano mang pwedeng mangyari. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa braso niya, para akong bata na ayaw magpaiwan. Paano ba naman kasi, natatakot ako eh.

"It's nothing." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito, dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa braso ni Tristan. Masyado lang siguro akong matatakutin, hahaha.

Biglang sumagi sa isip ko kanina ang nangyari, nalunod daw ako? At tsaka ang pinagkakataka ko ay yung imahe, yung bata. Panaginip ba 'yon? Pero hindi naman ako natutulog para maniginip. Yung batang babae, magkamukha kami, pero imposible namang ako 'yon. Hindi ako nakaranas ng ganoong pangyayari sa buhay ko. Kinuha ko ang wallet sa maliit na bag ko, binuksan ko iyon at pinagkatitigang mabuti ang mukha ko no'ng bata pa ako.

Magkamukhang magkamukha kami, pero imposible talaga. Hinaplos ko ang picture na nasa loob ng wallet ko gamit ang aking daliri. Mahina akong napatawa ng makita ang mukha ni Kuya, nakasimangot pa ito dahil ayaw niyang magpapicture. I was 10 years old when this photo was taken, si Kuya naman ay 15 na no'n, tupakin pa rin.

Napangiti ako at hinaplos ang mukha ni Lola, medyo bata pa siya rito. Bigla ko tuloy siyang namiss. Biglang kumalabog ang dibdib ko, dahilan napahawak ako dito. Agad na pumasok sa utak ko si Lola, umiling ako para mawala ang masamang nasa isip ko. I inhale softly, she's strong, nothing gonna happen.

"Tristan?" napadako ang tingin ko sa kaniya. Anong ginagawa niya?

"We need fire to heat ourselves." bumali ang ulo niya ng lingunin ako.

"Can I help?" ngumiti lang ito kaya tumayo ako para tulungan siya.

"We need a branch." nagpresenta na akong ako na lang ang kukuha. Nilibot ko ang buong kubo, sa bandang likod nito ay may nakita akong nagtutumpukang maliliit na sanga. May kalumaan na rin ang kubong ito, ang kawayan na dingding ay natatanggal na rin, marurupok na ito. Hindi pa rin tumitila ang ulan, nag aalala na ako kina Prima. Na saan ba sila ngayon? hays. Kinuha ko ang maliliit na sanga upang ibigay na kay Tristan.

"What's that?" napalingon ako sa bandang likuran ko ng may naramdaman akong taong dumaan.

Wala naman, baka guni guni ko lang 'yon.

"Tristan?" tawag ko ng maramdaman ulit ito. Baka tinatakot lang ako ni Tristan, loko loko talaga. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Alam niya namang matatakutin ako eh, tatakutin niya pa ako tsk.

"Don't move." napahinto ako ng maramdaman ang malamig na bagay sa leeg ko. May nakatutok na pa lang kutsilyo sa aking leeg!

"S-sino ka?" haharapin ko na sana siya-

"One more move, you'll be beheaded." nabitawan ko ang mga sangang dala ng hinala niya ako papalapit sa kaniya, naramdaman ko ang pagdiin ng kutsilyo sa aking balat. Takot at pangamba ang mas umibabaw sa akin na emosyon, gusto kong sumigaw, humingi ng tulong kay Tristan, ngunit baka sa pagbuka ng aking labi ay siyang pagputol ng ulo ko.

"Follow me." dumikit ang kaniyang damit sa akin, basa ito at halatang intensyonal na sinundan kami rito. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa mga utos niya, naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa ulo ko, nasa labas na pala kami ng kubo. Saan niya ba ako dadalhin? Anong kailangan niya sa akin? Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyayari ngayon, gustong kumawala sa dibdib ko.

"What do you need from me?" umaasa akong sasagutin niya ako ngunit bigo ako, walang akong narinig kahit isang salita. Patuloy lang ito sa paglakad, kapag wala pa akong ginawa ay tuluyan na kaming makakalayo sa kubo, tuluyan na niyang makukuha ang gusto niya.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon