Chapter 1

1.9K 63 11
                                    

Raven Sevino

"HIS NAME IS KENN."


Madaling araw pa lang ay nag-chat na agad si Nathan sa akin kaya nasira niya na agad ang araw ko. Pinapaalala niya sa akin ang dare na napag-usapan namin kahapon.


Ngayon na raw ang simula ng aking mahalagang misyon— ang ligawan si Kenn. Sa inis ko ay napasabunot na lang ako sa sariling buhok. Kung hindi lang para kay Natalie ay hindi ko naman ito gagawin.


Speaking of Kenn, parang nakita ko siyang dumaan sa harapan ko kanina. Hindi ko alam kung siya ba talaga iyon dahil hindi ko pa naman siya nakita sa personal, wala akong idea sa kung ano ang hitsura niya. Ang basehan ko lang ay yung picture na sinend sa akin ni Nathan kanina.


"Nasaan na iyon?" tanong ko sa sarili. Nakita ko kasi na rito siya dumaan sa hallway na papunta sa room namin. Ang bilis naman niyang nawala.


Siguro ay magtatanong na lang ako sa ibang estudyante rito. Lumapit ako sa dalawang babae na nakatambay sa hallway at nagkukwentuhan, wala pa yata silang klase.



"Hi," kaswal na bati ko sa kanila.


Malawak na ngumiti ang isa nang makita ako, maliit lang ito at halos matakpan na ang kaniyang mata dahil sa makapal at bagsak niyang bangs. Yung kasama niya naman ay poker face lang.



"Pwede ba magtanong?"


Sabay silang tumango kaya bahagya akong ngumiti.


"May kilala ba kayong Kenn?"


"Kenn?" Nagkatinginan silang dalawa na para bang inaalala kung may kakilala ba silang Kenn.


Napaisip din ako. Ano nga ba ang apelyido ng Kenn na iyon? Gagi, hindi ko alam!


Parang mahihirapan ako ah. Bukod kasi sa pangalan niya ay wala na akong alam tungkol sa kaniya. Sa laki ba naman ng school namin, malamang aabutin ako ng siyam-siyam kung iisa-isahin ko pa ang bawat room dito para lang mahanap siya.


"Kenn ano? Maraming Kenn dito..." tanong ng isang babae na mukhang suplada.


"Sige nga, isa-isahin mo." biro ko pero deadma lang siya.


Napabuga ako nang malalim na hininga, "Nevermind."


Maglalakad na sana ako paalis nang biglang nagsalita yung isang babae na may bangs.


"Uhhh... May kilala akong Kenn, pero hindi ako sure kung siya ang hinahanap mo."


Biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa na mahanap ang lalaki na iyon.


Lumawak ang ngisi ko. "Talaga? Nasaan siya?"


"He's from gifted class."


Napakunot ang noo ko. He's from gifted class


"There." Sabay nilang tinuro yung malaking classroom na nasa dulo ng hallway. Sa lahat ng classroom dito sa Huakin High, iyon ang masasabi kong pinakamaganda.


Bihira lang ako magawi sa room na iyon dahil pinakadulo at pader na lang ang kasunod. Pero naririnig ko sa ibang estudyante at kaklase ko na ang room daw na iyon ay para lamang sa mga estudyante na pinagpala ng angking katalinuhan at ipinanglalaban ng Huakin High sa iba't ibang school competition— international man o local.


Napalunok ako dahil bigla akong nakaramdam ng kaba habang naglalakad patungo roon. Hindi ko alam na matalino pala itong Kenn na ito. Magpapauto kaya siya sa akin? Hindi ko alam, siguro ay dadaanin ko na lang siya sa charm ko.


Charm ko? Huyyy!


Habang papalapit nang papalapit ay mas kumakabog ang dibdib ko. Gagawin ko ba talaga yung dare ni Nathan sa akin?


Oh, gosh. This is it!

Dare to Court HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon