Raven Sevino
WE ARE NOW OFFICIALLY TOGETHER.
"This is the best graduation gift ever!"
Bahagya akong natawa nang makita ang reaksyon niya. "Si OA naman 'to."
Mas lumawak ang ngiti niya. "We need an endearment."
"Kailangan pa ba non?"
Tumango siya, "What do you prefer? Baby? Love? Mahal ko?"
Napakagat ako sa ibabang labi pagkarinig sa huli niyang sinabi. It sounds cringe kapag sa iba ko iyon naririnig, pero bakit kapag sa kaniya...
"Sira! Gusto ko low-key lang muna tayo."
"Okay, love."
Natatawa ko siyang binatukan. Desisyon masyado .
Nang tumunog na ang bell ay pinauna niya na akong umalis. Meron pa raw kasi siyang dadaanan sa office ng student council na nasa kabilang building pa.
"Sabay tayo pauwi mamaya ah?"
Tumango ako at nauna na maglakad. Hindi katulad noong nakaraang araw na pinagtitinginan at pinag-uusapan ako ng mga nadadaanan ko, ngayon ay normal na lang ulit
Kahit sa classroom ay may kaniya-kaniyang buhay ang mga kaklase ko. Yung iba nga ay nag-iiyakan pa dahil ngayon na raw ang huling araw na magkikita-kita sila. Akala mo talaga sila yung gagraduate eh.
Hindi ko alam kung paano nangyari na okay na ulit ang lahat ngayon, basta masaya ako. Mabuti na lang din at wala na ang mga vandalism sa C.R.
Bahagya pa akong akong natigilan nang makita si Nathan na nakaupo sa tabi ng upuan ko. Titig na titig siya sa akin kaya umiba ako ng landas.
"May nakaupo ba rito?" tanong ko kay Trisha, class president namin.
Umiling siya at namula ang pisngi. "W-Wala, absent si Roseann ngayon. May sakit daw," tukoy niya sa kaklase namin na lagi niyang katabi.
"Dito muna ako ah?" Tumango siya at umayos ng upo.
Kahit paulit-ulit akong tinatawag ni Justine ay hindi na ulit ako lumingon sa likod kung saan nakaupo silang dalawa ni Nathan. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi ko na alam kung paano ulit siya haharapin.
Hindi ako galit sa kaniya, ang nararamdaman ko ngayon ay awkwardness. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko pagkatapos ng naging pag-amin niya sa akin kahapon. It was really unexpected.
BUONG maghapon ay wala namang pumasok na teacher sa amin. Wala na rin naman kasi kaming gagawin dahil ngayon na ang huling araw ng pasok namin bago ang dalawang buwan na bakasyon. May attendance pa rin ngayon, kaya kahit tamad na tamad na kami pumasok ay napilitan pa rin.
BINABASA MO ANG
Dare to Court Him
Teen Fiction"I dare you to court him." "What?! You must be kidding me!" "Bro, chill. It's just a dare." "Sa iba na lang! Parehas kaming lalaki niyan. Hindi kami talo!" "Okay nga iyon, may thrill." Have you experienced the highschool love? Raven Sevino had... bu...