Raven Sevino
Mabilis lang na lumipas ang weekends, ngayong araw ay Monday na naman. Kinuha ko ang phone ko na nasa kama dahil kanina pa iyon tunog nang tunog. Kagabi pa may nagte-text sa akin pero hindi ko pinagkaabalahan na tignan.
Pagtingin ko ay galing lahat ng messages sa iisang number. Sigurado akong galing iyon kay Kenn kaya hindi ko na binasa, diretso bura na agad. Magulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon at baka mas gumulo pa kapag nabasa ko ang mga messages niya.
Binuksan ko na lang ang messenger para tignan kung may importante ba na nag-chat sa akin, pero mas uminit lang ang ulo ko nang makita na hanggang dito ay may message si Kenn.
Kenn Joacuin: You're avoiding my messages, aren't you? Bakit hindi ka nagrereply?! And where's my "good morning", huh? You supposed to greet me all the time because you're courting me!
Napailing ako sa nabasa. Hindi ko alam na ganito pala kakapal ang gwapo niyang mukha. "Confirmed, may sapak nga talaga siya sa utak." bulong ko sa sarili at nagsimula na gumayak sa pagpasok.
Habang nagsasabon ng katawan ay bigla akong napaisip kung paano kami naging facebook friend ni Kenn? Wala akong matandaan na in-accept ko siya at mas lalong wala akong matandaan na in-add ko siya.
Nagkibit-balikat na lang ako. Iblock ko na lang siya mamaya.
BUONG maghapon lang akong nasa classroom. Hindi talaga ako lumabas kahit pa kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Ayaw kong makita kahit isang hibla ng buhok ni Kenn. Naalala ko yung text niya sa akin noong isang araw na ilibre ko raw siya ngayon. Aba, manigas siya!
"Class dismissed."
Uwian na at ako ang naunang lumabas. Inaya ako ni Justine na samahan ko raw siya sa likod ng gym, kahit ayaw ko ay wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako.
"Ano bang ginagawa natin dito?" iritableng tanong ko. Magti-thirty minutes na kaming nakatambay dito sa bench at pinapapak na rin kami ng mga lamok.
"May hinihintay tayo. Saglit na lang ito, malapit na raw matapos ang last subject ng bebe girl ko." tugon niya habang may kinakalikot sa hawak na cellphone.
Humalukipkip ako at tinitigan siya, "Ah, bebe girl mo. May pumapatol pala sa iyo?"
Ngumisi si Justine sabay ayos sa suot na kwelyo. "Oo naman, sa gwapo ko ba namang ito?"
Limang minuto pa ang lumipas nang may lumapit sa aming babae, matangkad at maputi ang balat. Nang mapatingin ako sa ID ay napangiwi ako. Tangina, grade 7?!
"Bebe boy!" Agad na yumakap kay Justine si nene na hindi pa yata dinadalaw ng regla.
"Bebe girl!" Sinalubong din ni Justine ng yakap. Gusto ko na lang masuka habang nakatingin sa kanilang dalawa na nagyayakapan.
BINABASA MO ANG
Dare to Court Him
Novela Juvenil"I dare you to court him." "What?! You must be kidding me!" "Bro, chill. It's just a dare." "Sa iba na lang! Parehas kaming lalaki niyan. Hindi kami talo!" "Okay nga iyon, may thrill." Have you experienced the highschool love? Raven Sevino had... bu...