Chapter 2

1.3K 55 19
                                    

Raven Sevino

GRADE 12— EINSTEIN


Ayan ang nakasulat sa pintuan ng malaking room. Nakaburda mismo iyon sa pinto kaya halatang pinasadya pa para lang sa kanila. Wow, tapos kapag sa section namin sticker lang na idinikit sa pinto?


"Mr. Kenn Joacuin, someone is looking for you." Narinig kong sabi ng teacher sa buong klase matapos akong kausapin.


Nakakahiya dahil naabutan ko na may nagtuturo pa sa kanila, wala tuloy akong choice kung hindi ipatawag na lang mismo si Kenn. Malapit na rin kasi ang first class ko at gusto ko na agad siyang makausap para matapos na ang kalokohang ito.


Pero Kenn Joacuin pala ang full name niya? Ang expensive pakinggan ah.


Halos lahat ng estudyante sa loob ng room ay napatingin sa gawi ko kaya ngiwi akong ngumiti sa kanila.


Para lang akong isang tuod na nakatayo habang hinihintay na lumabas si Kenn Joacuin. Nanginginig ang mga paa ko dahil sa matinding kaba. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagkaharap na kami.


Napasapo ako sa sariling noo. Bakit nga ba hindi muna ako gumawa ng plano bago mag-eksena rito.


Aalis na lang sana ako pero nakita kong ilang hakbang na lang ang layo pagitan namin ni Kenn sa isa't isa. Seryoso ang kaniyang mukha niya na parang pasan ang lahat ng problema ng mga students dito sa buong Huakin High.


Napalunok ako nang mariin.


Ilang segundo pa ay nasa harapan ko na siya. Napatingala ako dahil hindi hamak na mas matangkad siya sa akin. 5'9 na ako pero mas matangkad pa rin siya. Pota, ang laki!


"Excuse me, do I know you?" bungad niya sa akin kaya nangapa ako sa salita. "Your face is unfamiliar, what do you want?"


Grabe, ang lalim at buong-buo ang boses niya. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuoan. Ang makakapal niyang kilay ay parang natural na nakataas ang shape nito, ang kulay abo niya namang mga mata ay seryoso ngunit malalim na nakatitig sa akin. Hindi naman nagkakalayo ang mukha namin, siguro lamang lang siya ng isang hilod. Pero aaminin ko, sobrang gwapo ng isang ito.


Halata rin na maganda ang hubog ng kaniyang katawan dahil bakat kung gaano kalapad ang dibdib sa suot na school uniform. Yung totoo, grade 12 lang ba talaga siya?


"Ah... ano.." tanging nasambit ko dahil nangangapa talaga ako.


Nagusot ang makinis at maputi niyang noo, "You're wasting my time. Who are you? What do you want?"


Oo nga naman, bakit nga ba hindi muna ako magpakilala.


Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang kwelyo. Hinawi ko ang aking buhok at pinakitaan siya ng pinakamatamis kong ngiti. Ngunit bumagsak lang ang aking balikat nang makitang mas nagsalubong lang ang kilay niya.


"I am Raven Sevino from grade 11, section 3. Nice meeting you." Inilahad ko ang isang kamay sa kaniya pero tinignan niya lang iyon. Napakamot ako sa batok at mahina siyang minura dahil sa inis. Sama ng ugali.


"Again. I said, what do you want?"


"Uhh..." Napahawak ako sa laylayan ng suot kong polo dahil wala akong maisip na sasabihin. Kinakabahan ako sa seryoso niyang titig niya.


"Aayain sana kitang kumain mamaya... sabay tayo." Iyon na lang ang nasabi ko dahil 'yon lang din ang unang pumasok sa utak ko.


"Really? You're asking me to eat with you? I don't even know you at all."


Wow, hindi ba siya marunong magsalita ng tagalog?


"Kaya nga kakain tayo mamaya para alam mo na... makilala natin ang isa't isa."


Nasa mga mata niya ang pagtataka. Siguro ay iniisip niyang nababaliw na ako.


Teka, baka nga nababaliw na ako?! Tatalikuran niya na sana ako pero agad kong hinablot ang iPhone sa bulsa niya.


"Hey!"


"Lunch break mamaya sa cafeteria. Pumunta ka kung gusto mo pa makuha itong phone mo!"


Bago pa siya makapagreklamo ay tumakbo na ako paalis. Hindi ko na pinansin ang sigaw niya. Malawak ang aking ngiti nang makabalik na sa classroom.


Sana matapos na agad itong dare ni Nathan sa akin.

Dare to Court HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon