Chapter 27

1K 29 1
                                    

Raven Sevino

IT'S A WONDERFUL NIGHT.


Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Kenn sa braso ko.


Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga sa dibdib niya. Nahihiya akong napakamot sa ulo.


Tumayo na rin siya at kinuha ang polo na suot ko kanina. "Bihis na. Kanina pa katok nang katok yung katulong mo."


"Si Nena? Hayaan mo iyon.."


Kinuha niya ang hinubad niyang polo kanina at isinuot iyon. Ako naman ay dumiretso sa bathroom ng aking kwarto at naghugas ng kamay at mukha.


Lumabas na rin kami ni Kenn sa kwarto. Pasado alas otso na pala ng gabi kaya nagpaalam na rin siya na aalis na.


Inaya ko pa siya na rito na kumain pero tinanggihan niya. "Sa bahay na lang. Hinahanap na rin kasi ako sa amin eh."


Tumango ako.


Hinatid ko siya hanggang sa gate lang dahil kaya niya na raw maglakad mag-isa papunta kanto kung nasaan nakaparada ang sakayan papunta sa Purok 1.


"Sige na, bye!"


Ngumuso siya kaya natuon ang atensiyon ko roon. "Ano iyan?"


"My goodbye kiss?"


Lumingon muna ako sa paligid. Nang makita na walang tao ay mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa mapula niyang labi.


Pilyo siyang ngumisi at lumapit sa akin. "Thanks for today, baby."


Binatukan ko siya nang makitang nakatitig sa labi ko ang kulay abo niyang mga mata. "Uwi na! Iisa pa eh.."


Pinanood ko siyang maglakad palayo sa pwesto ko. Nang hindi ko na siya maaninag ay sinara ko na ang gate at pumasok na sa bahay.


Pinatay ko ang ilaw sa sala. Dumiretso ako sa kusina at dahan-dahan naghanap ng pwede makain. Tulog na kasi sina Russeil at Nena kaya kailangan kong maging maingat sa paggalaw para hindi sila magising.

Dare to Court HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon