Raven Sevino
MONDAY NA NAMAN.
Parang kahapon Friday pa lang, tapos ngayon Monday na naman. Bakit pakiramdam ko pagod pa rin ang katawan ko? Siguro dahil hindi ako gaano nakapagpahinga kakaisip doon sa nangyari sa amin ni Kenn sa kuwarto ko.
Kahit ayaw ko pumasok ngayong araw, heto at nandito ako ngayon sa school dahil kailangan namin magpapirma para sa clearance. Hindi raw kasi kami makakatuntong ng grade 12 kung hindi namin mapapapirmahan lahat.
Sus! Ano ang ibig sabihin nila roon? Noong nakaraan nga lang ay yung grade 12 ang tumuntong sa akin.
"Raven, nood tayo practice mamaya!" Inakbayan ako ni Justine at may pinakita na picture ng isang babae. Familiar ang mukha niya, nakikita ko siya sa building namin pero hindi ko kilala sa pangalan.
"Practice saan?" Nagtatakang tanong ko.
"Practice na ng mga grade 12 para sa graduation nila."
"Ang aga naman yata? Dalawang linggo pa bago ang graduation nila ah..."
"Ewan ko ba, basta ang mahalaga makikita ko na si Athisa mamaya." Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa picture na nasa phone niya.
"Sino na naman 'yan?"
"Sino pa ba? Edi syempre pinopormahan ko. Ganda no?" proud na tugon niya. "Ano, g ka? Wala ako kasama eh. Sige na, please."
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may parte sa puso ko na gusto ring pumunta sa practice ng graduation. Gusto ko makita si Kenn.
Simula kasi noong Sabado nang ihatid niya sa bahay yung bag ko na naiwan sa school ay hindi na ulit siya nagparamdam. Nag-aalala ako kung ligtas ba siyang nakauwi sa kanila. Gusto ko lang makasigurado. Oo, dahil lang iyon doon kaya gusto ko siyang makita.
"Sige, sama ako mamaya pagkatapos magpapirma."
Tumango siya at sabay na kami umakyat sa faculty ng mga teacher.
"Papapirma ka?! Hindi ka nga pumapasok sa klase ko!" Ayan agad ang bungad ni Ms. Romayne kay Justine.
Napakamot na lang sa ulo si Justine, "Hala, Ms..."
Tapos na si Ms. Romayne pumirma sa clearance ko, pero nang makita niya si Justine ay bigla siyang nagalit. "Ni hindi ko nga alam na estudyante kita! Ano nga ulit pangalan mo? Jasmine? Ilang beses ka bang pumasok sa klase ko at parang ngayon ko pa lang nakita mukha mo?!"
"J-Justine po.. Saka pumasok po ako sa subject niyo ah.. Noong... ano.." Nangalumbaba si Ms. Romayne habang hinihintay ang sunod na sasabihin ni Justine. "Noong... absent ka po."
Napapikit ako nang ihampas ni Ms. Romayne ang mga kamay niya sa lamesa. Pigil ko ang tawa nang makita na napapitlag si Justine sa gulat. Naalala kong pumasok nga si Justine noong absent si Ms. Romayne, nanghiram pa nga siya ng ballpen sa akin noon. Ayon din yung time na si Kenn ang pumasok sa classroom namin at pinagsulat kami nang napakahaba.
BINABASA MO ANG
Dare to Court Him
Teen Fiction"I dare you to court him." "What?! You must be kidding me!" "Bro, chill. It's just a dare." "Sa iba na lang! Parehas kaming lalaki niyan. Hindi kami talo!" "Okay nga iyon, may thrill." Have you experienced the highschool love? Raven Sevino had... bu...