Chapter 9

1.1K 49 6
                                    

Raven Sevino

"TRY ME, RAVEN."


Nanghihina ang aking mga binti nang umupo sa bench. Ako na lang mag-isa rito sa likod ng gym. Hindi ako makapag-isip nang matino dahil maraming katanungan ang gumugulo sa akin.


Bakit ako hinalikan ni Kenn? May gusto ba siya sa akin? Hinalikan niya ba ako dahil trip niya lang? Kung oo, tanginang trip naman iyan! Parang hindi nag grade 1, amputa.


"Tangina, first kiss ko iyon!" gigil na bulong ko sa sarili habang nakahawak sa labi. Pakiramdam ko ay namanhid ang parte kong iyon dahil kanina ko pa marahas na pinapahid gamit ang braso.


Kahit kailan ay hindi ko naisip na lalaki rin pala ang makakakuha sa unang halik ko.


Tumayo na ako at tulala na bumalik sa classroom. Kahit kinakausap ako ni Justine ay naglalakbay pa rin ang diwa ko. Iniisip ko kung paano ko masisikmuraan si Kenn dahil sa ginawa niya sa akin.


"Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Maxine, baliw pa rin pala sayo iyon hanggang ngayon?"


Tanging tango lang ang naging tugon ko kay Justine. Ang tinutukoy niyang Maxine ay yung grade 10 na may gusto sa akin simula pa last year. Maganda siya pero hindi ko type dahil masyadong papansin.


"Ano nangyari sa iyo? Bakit parang namumutla ka?" Hindi ako sumagot at yumuko lang sa desk. Sumuko na rin siya sa pagkikipag-usap sa akin dahil hindi naman ako sumasagot nang maayos. Siguro ay nahalata niyang wala ako sa mood ngayon.


Habang nakayuko ay kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at nag-scroll sa facebook feed para malibang at mawala sa isip ang nangyari kanina.


Pero tama ba ang gagawin ko na kalimutan na lang ang ginawa ni Kenn sa akin? First kiss ko iyon kaya big deal iyon!


Napahampas ako sa desk ng aking upuan at tumayo. Pursigido akong tumango sa sarili. Dapat ay pagbayaran ng Kenn na iyon ang ginawa niya sa akin. Dapat makaganti ako sa kaniya!


"Ingay naman. Sino ba iyon?!" Narinig kong sigaw ng class president namin na si Trisha.


"Si Raven iyon, nabubuang na yata!" sulsol ni Justine.


Nang tumingin sa gawi ko si Trisha ay namula lang ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Alam kong may gusto rin siya sa akin kahit hindi niya sabihin dahil halata naman, laging wala siya sa sarili kapag nagkakalapit kami ng pwesto.


Saka nahuli ko rin kasi siya noong nakaraan na pasimpleng naglalagay ng love letter sa bag ko, pero ni minsan ay hindi ko iyon binasa. Ang corny at cringe kasi.


Nanggigigil akong lumabas sa room at dumiretso sa room na nasa dulo ng hallway. Pagkarating ko roon ay pinagtinginan ako ng mga students. Nagtataka siguro kung ano ang ginagawa ko sa teritoryo ng mga matatalino.


May lumapit sa aking isang babae na hanggang leeg lang ang buhok at unat na unat, "Yes? May I help you?"

Dare to Court HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon